SUPORTA KAY ROMUALDEZ BUMUHOS SA GITNA NG ATAKE NG MGA SENADOR

NAGPAHAYAG ng suporta kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kongresista sa Metro Manila at opisyal ng lokal na pamahalaan sa Surigao del Norte sa gitna ng mga pag-atakeng ginagawa ng mga senador. Ipinagtanggol ng 30 kongresista mula sa 14 siyudad ng Metro Manila si Speaker Romualdez laban sa walang basehan alegasyon ng mga senador kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon na naglalayong paramihin ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Isang “Statement of Solidarity” ang kanilang nilagdaan upang igiit din ang kahalagahan na itaguyod…

Read More

7 SUGATAN SA SUNOG SA STA. CRUZ, MANILA

UMABOT sa pito katao ang nasugatan habang tinupok ng apoy ang tinatayang 100 kabahayan sa nangyaring sunog sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), bandang alas-11:26 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay sa 4070 Fuguso St., Sta. Cruz, Manila, na sinasabing pag-aari ng isang Eliseo Apalacio at nadamay ang iba pang mga kabahayan. Unang idineklara ng BFP sa ikatlong alarma ang sunog ngunit makaraan ang apat na minuto ay itinaas sa ikalimang alarma.…

Read More

MAIL ORDER BRIDE VICTIM NASAGIP SA NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang isang Filipina na hinihinalang biktima ng mail order bride scheme, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bago makasakay sa kanyang flight papuntang China. Ayon sa report, ang biktima ay palabas ng bansa kasama ang kanyang ‘supposed husband to be’ na isang Chinese national, at pagpasok sa Immigration counter ay nagduda ang immigration officer on duty sapagkat sa unang arangkada ng ‘question and answer portion’ ay hindi ito kumbensido . Bagama’t maraming ‘inconsistencies’ sa kanilang mga sagot, nag-presenta…

Read More

PBBM DUMALO SA PNP COMMAND CONFERENCE

PINANGUNAHAN mismo ni Philippine National Police Commander-in-Chief, President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kauna-unahang pagkakataon, ang isinagawang command conference kahapon ng pambansang pulisya. Agad nilinaw ni PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na walang kakaiba rito kundi regular na Command Conference lamang ng PNP hierarchy kasama ang kanilang commander-in-chief. Sa nasabing pagpupulong ng senior PNP officers, nag ulat ang pambansang pulisya kay Pangulong Marcos Jr. hinggil sa accomplishments nito at maging sa kasalukuyang sitwasyong ng ‘peace and order’ sa bansa at internal security. Hindi agad inilahad kahapon ng pamunuan…

Read More

Misteryo sa pagkakarehistro sa 2 luxury cars pinasisiyasat TALAMAK NA KORUPSYON SA LTO MULING NAUNGKAT

MULING nalantad ang talamak na katiwalian at korupsyon sa Land Transportation Office nang magawang maparehistro ang dalawang hinihinalang smuggled luxury car na nagkakahalaga ng P165 million ang bawat isa. Kinumpirma ng Bureau of Customs na naparehistro ang dalawang unit ng 2023 Bugatti Chiron kahit na walang import documents. “We want to know who allowed this to happen,” ani BOC-CIIS Director Verne Enciso. Kinilala ang dalawang registered owner ng 2023 model sports car—isang asul (with plate number NIM 5448) at isang pula (with plate number NIM 5450)—na nakapangalan kina Menguin Zhu…

Read More

85 KATAO SINAGIP NG PHILIPPINE NAVY SA KARAGATAN

UMABOT sa 85 katao mula sa isang distressed vessel ang sinagip at pinakain ng mga tauhan ng Philippine Navy kasunod ng rescue operation sa gitna ng dagat sa Tawi-Tawi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Toribio Adaci Jr., nagsagawa ng rescue operation ang kanyang mga tauhan mula sa patrol craft BRP JOSE LOOR SR (PC390) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Naval Forces Western Mindanao, para hanapin at iligtas ang mga sakay ng isang motor boat. Ayon kay Commander Benjo…

Read More

Express PadaLOVE ng PHLPost naghahatid ng kilig sa Araw ng mga Puso

MULA February 14-16, sorpresahin ang iyong minamahal at magpadala via “Express PadaLOVE” ngayong Valentine’s Day sa Metro Manila ng bulaklak, cards, stuffed toys, chocolates, cakes at iba pa sa pamamagitan ng “same day delivery” via Domestic Express Mail Service (DEMS) ng Philippine Postal Corporation (PHLPost). Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang kanilang Valentine’s day o Express PadaLOVE Booth sa Quezon City Central Post Office at Makati Central Post Office. Sa mga magde-date o magreregalo na magkasintahan o mag-asawa, maaaring dayuhin ang opisina ng PHLPost upang bumili ng mga bulaklak o…

Read More

FDA, DOH BUKAS SA MEDICAL MARIJUANA

KAPWA pinapaboran ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) ang paggamit ng marijuana para sa panggagamot subalit kailangan na hindi makasasama sa taong gagamitan nito. ”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang,” pahayag ni FDA director general Dr. Samuel Zacate sa press briefing sa Malakanyang. ”My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice…

Read More

ROSAS, VIOLATION TICKETS SA ILLEGAL PARKING SA MAYNILA

KATUWANG ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), muling nagkasa ng operasyon ang MMDA sa lungsod ng Maynila nitong Valentine’s Day. Pinangunahan nina MMDA Asst. General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at MMDA Officer-in-Charge Gabriel Go ang nasabing operasyon. Target ng operasyon ang ilang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa gilid ng pangunahing mga kalsada at Mabuhay Lanes. Gayundin ang mga bahay at tindahan na sinakop na ang path walk at gilid ng kalsada. Partikular na ikinasa ang operasyon sa Brgy. 662, Zone 71, na una nang…

Read More