SA pinaigting na kampanya ng National Capital Region Police Office laban sa naglipanang mga ilegal na sugal ay naaresto kamakalawa ang hinihinalang administrador ng malaking ilegalista sa Lungsod Quezon. Kinilala ng mga tauhan ni NCRPO chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang naarestong isa sa mga pasimuno ng ilegal na sugal sa QC na isang Bryan Z. Encarnacion, 38 anyos at nakatira sa Barangay Krus na Ligas. Si Encarnacion ang pinaniniwalaang engkargado o administrador ng isang Alyas Perry na umano’y nasa likod ng malawakang lotteng operations sa Lungsod Quezon. Sa…
Read MoreCategory: METRO
QUEZON POLICE KINASTIGO SA WARRANTLESS ARREST SA GRUPO NI JADE CASTRO
PINAGALITAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hepe ng Catanauan, Quezon dahil sa pag-aresto sa grupo ng movie director na si Jade Castro nang walang warrant of arrest kaugnay ng sinunog na modern jeep noong Enero 31, 2024 sa nasabing lalawigan. Sa pagdinig ng House Committee on Peace and Order na pinamumunuan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez, hindi naitago ni House Deputy Majority Leader Walter Palma ang galit sa hepe ng Catanauan, Quezon Municipal Police Station na si Police Capt. Daniel dela Cruz Jr. “Iimbitahin mo, tapos aarestuhin mo?…
Read MorePINSALA NG EL NIÑO UMAKYAT SA P151-M
UMAKYAT na sa mahigit P151.3 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa nararanasang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, ayon sa Task Force El Niño. Ayon sa ulat Task Force El Niño, ang Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang pinakaapektado sa kasalukuyan kung saan nasa 4,000 mga magsasaka ang uminda sa labis na tagtuyot. Batay sa datos ng Department of Agriculture, humigit-kumulang 93% ng pinsala ay sa bigas habang ang natitirang 6% ay sa mais. Para matulungan naman ang mga magsasakang apektado ang kabuhayan dahil…
Read MoreDAHILAN SA PI SIGNATURE WITHDRAWAL, OPSYUNAL – COMELEC
NILINAW ng Commission on Elections na opsyonal ang pagbibigay ng dahilan o rason para sa pagbawi ng lagda sa People’s Initiative withdrawal form. Ayon sa Comelec, ang forms ay tatanggapin pa rin kahit magbigay o hindi ng rason ng kanilang withdrawal. Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang paglilinaw matapos kwestyunin ng mga senador ang nasabing bahagi ng form at sinabing ito ay magiging kumplikadong proseso lamang at pahirap sa signatories. Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, hindi na dapat hingian pa ng paliwanag ang ating mga kababayan na…
Read MoreHUWAG DUNGISAN ANG IMAHE NG PNP-WPD – MAYOR LACUNA
“HUWAG nyo sana hayaang madungisan ang magandang pangalan at imahe ng Manila Police District (MPD).” Ito ang panawagan ni Mayor Honey Lacuna sa kanyang pagsasalita sa MPD’s 123rd anniversary sa harap ng MPD officers and men sa pangunguna ni Director, Gen. Arnold Thomas Ibay at lahat ng station commanders at pinuno ng iba’t ibang units. Sa kanyang maiksing mensahe, ginunita ni Lacuna ang Philippine Commission Act No. 70 na ipinasa at ipinatupad noong January 9, 1901, na nagtatag sa Metropolitan Police Force of Manila sa pamumuno ng noon ay Military…
Read MoreFRANCHISE FREE TELCOS NG NEDA TABLADO
TINABLA ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mungkahi ng National Economic and Development Authority (Neda) na ilibre na sa prangkisa ang telecommunication companies upang dumami ang players sa telecom industry. “There is absolutely no way that Congress will give up its power to closely supervise the telecommunications sector, which is heavily imbued with public interest,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Bago makapagsimula ng operasyon, kailangan munang humingi ng prangkisa sa Kongreso ang isang player sa communication industry subalit nais ng NEDA na alisin na ang requirements na…
Read MoreFarmers, self-employed echapwera P100 WAGE HIKE PAPOGI NI MIGZ?
HINDI makabubuti kundi makasasama ang P100 minimum wage hike na isinusulong sa Senado. Babala ito ng isang grupo ng mga negosyante. Sa position paper na ipinadala ng mga negosyante kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may petsang Pebrero 14, 2024, nagpahayag ng mariing pagtutol ang iba’t ibang business group sa pagpasa ng Senate Bill 2534 o ang panukalang Wage Increase Act of 2023. Sinabi ng mga negosyante na bagamat makikinabang ang may 5 milyong empleyado sa pribadong sektor sa panukala, maiiwanan naman ang 47 milyong self employed gaya ng…
Read MoreDRILLING SA MASUNGI MAGPAPALUBOG SA NCR
NAGBABALA ang isang mambabatas sa Kamara na lulubog sa baha ang buong National Capital Region (NCR) kahit mahinang ulan lang kapag hindi itinigil ang drilling activities sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal. Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, tanging ang Masungi Georeserve ang proteksyon ng Metro Manila sa matinding pagbaha subalit dahil sa aktibidad na ito ay asahan ang matitinding pagbaha pagdating ng ulan. “We call for the immediate stop and relocation of this project by the Rizal Wind Energy Corp. (RWEC)…
Read MoreLIBRENG BIGAS NI PBBM INIHATID NI SPEAKER MARTIN SA SIQUIJOR
BILANG sagot sa pagsipa na naman ng presyo ng bigas, ipinagpatuloy ng Marcos administration kahapon sa Siquijor ang programang mamahagi ng pinansiyal na ayuda at libreng bigas para sa mahihirap na Pilipino kasabay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kung saan tinatayang 50,000 mga residente ng lalawigan ang nakinabang sa one-stop shop na pagkakaloob ng serbisyo. Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabilang si Sec. Rex Gatchalian ang paglulunsad ng Cash and Rice Distribution o CARD Program sa…
Read More