NABINGWIT ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Group (DDEG) ng Manila Police District sa ikinasang buy-bust operation ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Elmer Patiag, 23, at Mary Rose Soriano, 20-anyos. Ayon sa ulat nina Police Major Chey Saulog at Police Captain Bernardo Diego, bandang alas-4:15 ng madaling araw nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa may riles ng tren sa Algeciras Street, Sampaloc, Manila, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga…
Read MoreCategory: METRO
OCD GINAGAMIT NG SCAMMERS
NAGLABAS ng babala kahapon ang Office of Civil Defense sa publiko laban sa scammers na gumagamit sa ahensya sa mga ilegal na transaksyon, ayon kay OCD Administrator DND Undersecretary Ariel Nepomuceno. Nabatid na humingi na rin ng tulong ang ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng OCD sa mga ilegal na transaksyon partikular sa procurement and NDRRMF funding applications. Binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga grupo o indibidwal na nag-aalok ng serbisyo sa…
Read MoreAYUDA IPAMAMAHAGI NG PAMAHALAAN SA BENGUET SA LINGGO
HINDI lang cash kundi pati bigas ang ipamamahagi ng administrasyong Marcos sa libu-libong residente sa lalawigan ng Benguet sa darating na Linggo. Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang cash and rice distribution o card program ng pamahalaan. Ito na ang ika-20 lalawigan na bibigyan ng ayuda ng gobyerno para sa mahihirap na kababayan. Ayon kay Romualdez, “tinutupad lang ng Pangulong Marcos ang pangako na prayoridad sa kanyang administrasyon ang mga mahihirap na sabay-sabay na aahon at hindi sila maiiwan”. “Ang Kongreso ay naglaan ng malaking halaga para sa programang…
Read MoreEPEKTO SA JEEPNEY, TRIKE NG MOTORCYCLE TAXI OPERATION SISILIPIN
TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisilipin nito ang epekto ng mga operasyon ng motorcycle taxi sa mga serbisyo ng pampublikong transportasyon tulad ng mga jeepney at tricycle. Ayon kay Atty. Paul Austria, nagsisilbing secretariat ng Technical Working Group (TWG), inatasang mangasiwa sa pagtakbo ng motorcycle taxi, habang may mga transport group na nagrereklamo tungkol dito, kailangan pa ring i-verify ang naturang claim. “Ito po ‘yung medyo kailangan namin ng additional data. Marami po ang nagsasabi na nawawalan na ng pasahero si ganito, si ganyan. But…
Read MoreHindi ang Amerika – PCG spokesperson PROVOCATIVE, ILLEGAL ACTION NG CHINA NAGDUDULOT NG TENSYON
BINIGYANG-DIIN ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, nagdudulot ng tensyon sa maritime area ang “provocative at illegal” action ng China laban sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang pagkakasangkot ng United States sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Manila at Beijing. Ang pahayag ni Tarriela ay kasabay ng babala sa publiko laban sa salaysay ng pro-China na pinapalaganap umano ng “trolls” online. “I often find myself wondering why the pro-China trolls consistently blame the US for the tension in the WPS, without acknowledging that…
Read More32 KILO NG SHABU NASAMSAM SA JOINT PDEA-BOC OPERATION
TINATAYANG mahigit P218 million halaga ng umano’y shabu na tangkang ipuslit papasok ng Pilipinas, ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa isinagawang joint interdiction operation. Ayon sa ulat, nakapaloob sa apat na machinery mufflers ang tinatayang 32 kilo ng white crystalline substance. Batay sa ulat na isinumite sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nasabat ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kontrabando sa Paircargo Warehouse sa Pasay City. Unang idineklara na mga “machinery muffler” mula Zimbabwe ang kargamento kaya idinaan sa…
Read MorePAGLABAS NG IRR NG 2 BATAS NAGRESULTA NG MARAMING TRABAHO – REP. NOGRALES
PINURI ng chair ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee ang Marcos administration sa kanilang patuloy na pagsisikap sa paggawa ng mga trabaho para sa mga Pilipino. Ito ay matapos na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.5 percent noong Pebrero mula sa 4.5 percent noong Enero, ayon sa February 2024 Labor Force Survey (LFS). Nauna rito, ang unemployment rate noong Pebrero ng nakaraang taon ay 4.8 percent. “The results of the latest LFS are testament to the continued efforts of the present administration to create jobs and…
Read MoreMANDAUE MAYOR, 4 PA INIREKLAMO SA OMBUDSMAN AT KAY PBBM
INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman at Office of the President si Mandaue City Mayor Jonas Cortes at apat na konsehal ng lungsod. Si Mayor Cortes at mga konsehal na sina Maline Cortes-Zafra, Oscar del Castillo, Jen Del Mar, at Cynthia Remedio ay inireklamo ni Maria Priscilla Melendres dahil umano sa pang-aabuso sa kapangyarihan at katiwalian. Sa anim na pahinang affidavit of complaint ni Melendres sa tanggapan ni Ombudsman Samuel Martires na ipinasa rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na ginamit ng alkalde at apat na konsehal ang…
Read MoreMGA MOTORISTA AT RESIDENTE DISMAYADO SA ISINARANG TULAY
DISMAYADO ang ilang residente at motorista partikular na ang mga delivery rider sa pagpapasara ng isang pampublikong tulay na nagsisilbing “shortcut” ng mga ito patungo sa kanilang destinasyon sa isang lugar sa Binondo, Manila. Ang pagpapasara sa Piedad Bridge ay dahil na rin umano sa isinasagawang konstruksyon ng 42-palapag na Royal Residential Tower sa may Piedad St., Binondo. Daing ng ilang delivery motorcycle riders, naaantala ang kanilang mga idinideliber lalo na kung ang kanilang ginagamit na community driven navigation app ay itinuturong dumaan sa nasabing tulay. Bukod dito, malaki rin…
Read More