ARESTADO sa follow-up operation ang isang 24-anyos na computer technician makaraang saksakin ang kanyang kapitbahay sa Gawad Kalinga, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng gabi. Nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang suspek na si Mark Anthony Fernandez, kapangalan ng aktor, at residente ng nabanggit na lugar. Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si Jet Bashan, binata, isang candle maker. Batay sa ulat ni Police Corporal Ehmil Paglinawan, bandang alas-11:30 ng gabi, nagkaroon ng…
Read MoreCategory: METRO
PINOY FISHERMEN SENT OFF TO WPS
Matapos tiyakin ang buong suporta ng gobyerno para mapalakas ang pangingisda, nakiisa si Senador Cynthia A. Villar sa pagpapaalis ng grupo ng mga mangingisda papuntang West Philippine Sea (WPS), sa paglulunsad ng proyekto ng BFAR na ‘Layag West Philippine Sea’ nitong Miyerkules, Abril 16, sa Subic Zambales. Kasama ng Senador, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, sina BFAR National director, Atty. Demosthenes Escoto, Subic Zambales Mayor Jonathan John F. Khonghun, Castillejos, Zambales Mayor Jeffrey Khonghun, National Security Council Deputy Director General Nestor Herico, PCG Commandant CG ADM Ronnie Gavan, Presidential…
Read More3 HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU
TATLONG hinihinalang big time drug personalities ang nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang mall sa Bicutan, Taguig City. Partikular na isinagawa ang operasyon sa basement parking ng isang mall sa Don Bosco, Parañaque City bandang alas-12:20 kahapon ng tanghali kung saan sakay ang mga suspek sa itim na kotseng Hyundai Accent na may plakang AQQ-2908. Kinilala ang mga nadakip sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA-NCRO, katuwang ang Bicutan PNP, na sina Guaiani Guiaman…
Read MoreDOH KINALAMPAG NG DBM SA EMERGENCY ALLOWANCE
KINALAMPAG ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) na resolbahin ang mga isyu kaugnay ng kontrobersyal na health emergency allowance claims ng mga healthcare worker. Ginawa ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang naturang panawagan matapos na mailabas na sa DOH ang P91.283 billion mula pa noong pandemya para sa disbursement ng mga benepisyo at allowance ng health workers. Iginiit din ng DBM na base sa report ng DOH, tanging nasa P64 billion pa lamang ang na-disburse o naipamahagi mula sa P91.283 billion. Mayroon din aniyang…
Read MoreHEAT STROKE CASES SA BANSA TUMAAS
DUMARAMI ang bilang ng mga tinatamaan ng heat stroke sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa matinding init ng panahon. Sa Barangay San Vicente, Makilala, sa probinsya ng Cotabato, ayon sa health officials at sa record ng barangay, anim na ang magkakasunod na namatay dahil sa heat stroke. Isang babae ang pumanaw noong Marso 5, samantalang limang residente, apat na lalaki at isang babae naman ang ang nasawi dahil sa heat stroke nitong pagpasok ng Abril. Naglabas na ng abiso ang barangay para sa mga residente, lalo na ang…
Read MorePagod at puyat sa day-2 ng transport strike BBM WALANG PUSO SA JEEPNEY DRIVERS
WALANG puso at pakialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa jeepney drivers at maliliit na operators dahil desidido itong ituloy ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ganito inilarawan ng Gabriela Party-list si Marcos dahil sa hanggang Abril 30, 2024 na lamang ang buhay ng maliliit na operators at tsuper na walang kakayahang mag-consolidate ng kanilang prangkisa at makabili ng modernong sasakyan. “Marcos Jr. does not have the heart to be in the service of our jeepney drivers and small operators, nor does he consider the plight of the…
Read MoreP13.3-B SHABU NASABAT NG PNP
IPINAGMAMALAKI kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur C. Abalos na nasa tamang landas ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan matapos na masamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police ang may dalawang toneladang umano’y habu na nagkakahalaga ng P13.3 billion. Nalagpasan din nito ang biggest drug haul na naitala ng National Bureau of Investigation noong Marso 2022 nang masamsam nila ang 1.3 tonelada ng droga sa Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng P11 billion. Ipinagmalaki ito ni Abalos matapos na masabat ng mga tauhan ng PNP-CALABARZON nitong Lunes ng…
Read More30 KILOS NG MARIJUANA NADISKUBRE NG BOC AT PDEA
NASA MAHIGIT 30 kilo ng high grade dried marijuana ang nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs, kasunod ng isinagawang X-Ray scanning at physical examination sa isang kahina-hinalang kargamento na naglalaman ng anim na kahon na nagmula sa Thailand. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio, siniyasat ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port, katuwang ang ilang tauhan ng PDEA, ang nasabing kontrabando. Ayon kay Customs chief Rubio, nakatanggap ng derogatory information ang kanilang…
Read MorePCG, PDEA SANIB-PWERSA KONTRA PAGPASOK NG DROGA
INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo na nakipagtulungan ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para palakasin ang depensa ng bansa laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa malawak nitong baybayin. Nilagdaan nina PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo ang memorandum of agreement (MOA) sa Quezon City noong Abril 12. Sa ilalim ng kasunduan, ang dalawang ahensya ay magtutulungan kaugnay ng pagbabawal sa mga ilegal na droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na ipinuslit, dinala at inilipat…
Read More