ININSPEKSYON ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang mga bodega sa Caloocan City at Bulacan, kung saan nadiskubre ang smuggled at counterfeit goods na nagkakahalaga ng P7.3 billion. Kabilang sa mga natuklasan sa joint operation inspection ng BOC-MICP, PNP, local LGUs, ang iba’t ibang smuggled goods, underwear, medyas, at iba’t ibang paninda, kabilang din ang mga pekeng kitchenware, appliances, apparel, toys, computer accessories, at cosmetics. Posible umanong maharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at Customs Modernization and Tariff Act…
Read MoreCategory: METRO
SCIENTIFIC APPROACH GAGAMITIN NG PNP KONTRA KRIMINALIDAD
SA LIKOD ng ulat na bumaba ng 21.60% ang antas ng krimen sa Pilipinas partikular sa tinaguriang focus crimes, ipinag-utos ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga regional commander at directors ng PNP support units, na pag-aralan kung paano pa mapapababa ang mga krimen sa bansa. Sinasabing pasisimulan ni Marbil ang scientific approach sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa, tulad ng crime mapping para malaman kung saan madalas at kailan naitatala ang mga focus crime para sa adjustment ng deployment ng mga pulis. Bukod dito, isa sa mahalagang…
Read MorePNR HUMINGI NG PANG-UNAWA SA SUSPENSYON NG KANILANG OPERASYON
HUMINGI ng pang-unawa at pasensya si Philippine National Railways Chairman Michael Ted Macapagal kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng kanilang operasyon na nagsimula noong Marso 28. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Macapagal na panandalian lamang ang suspensyon para na rin sa mas maayos, mabilis na biyahe at ligtas na tren. Aabot sa 5 taon ang konstruksyon ng North-South Commuter Railways (NSCR). Ayon kay Macapagal, ang suspensyon ay pagbibigay daan sa konstruksyon ng P873.62 biyong halaga ng NSCR na mula sa Clark Freeport Zone sa Angeles City hanggang…
Read MoreVP SARA IPINAGDASAL NG MISSIONARY VISUAL ARTIST
IPINAGDASAL ni Kristine Soguilon-Lim, isang kilalang missionary visual artist sa mundo si Vice President Sara Duterte. Sa kanilang pagpupulong, tinalakay nina Duterte at Soguilon-Lim ang mga plano at proyekto ng visual artist na nakahanay para sa kanyang mga Tribu at maging sa iba pang mga Katutubong Tribo sa bansa. Dumalo rin sa pagpupulong sina Hon. Jaime Jasper Lao Lim (mister ni Kristine) at kanilang anak na si Justine Soguilon-Lim, at mga miyembro ng Gawad Pilipino kung saan nagsisilbi si Kristine bilang Ambassador for Culture, Arts, and Indigenous People. 514
Read MorePHL EATSPERIENCE INILUNSAD SA LUNETA PARK
INILUNSAD sa ilang parke sa lungsod ng Maynila ang Philippine Eatsperience : Love the Flavors, Love the Philippines, nitong Miyerkoles kung saan naka-highlight ang mga kilalang Filipino food o mga pagkaing Pinoy. Pinangunahan ito nina Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, National Parks Development Committee, Executive Director Cecille Lorenzana-Romero at mga ambassador mula Malaysia at Thailand, ang aktibidad sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park, Luneta. Inilunsad din ito sa Baluarte Plano Luneta de Santa Isabel sa Intramuros, Maynila. Ayon kay Frasco, ginawa ang Philippine Eatsperience ngayong Filipino…
Read MoreROMUALDEZ UMANGAT TRUST, SATISFACTION RATINGS SA TANGERE SURVEY
TANGING si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings, batay sa resulta ng survey ng Tangere. Sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong pagtaas sa trust rating mula sa 51 porsyento noong Pebrero. Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyentong satisfaction rating, tumaas ng isang porsyento kumpara sa survey noong Pebrero. Nakakuha ng pinakamataas na rating si Speaker Romualdez sa Visayas region sa parehong…
Read MoreLALAKI TIMBOG SA ANNULMENT SCAM
ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang entrapment operation ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa tinatawag na “annulment scam” sa Quezon City. Kinilala ang suspek na inaresto ng NBI-National Capital Region na si Mark Figueras. Sinabi ng NBI-NCR, ito ay matapos magreklamo ang isang babaeng biktima na tinangayan umano ni Figueras ng P500,000 kapalit ng pangako na ma-annul ang kanyang kasal. Iprinisenta ng NBI si Figueras sa inquest proceeding sa Quezon City Prosecutors Office sa kasong estafa at falsification of public documents sa ilalim ng…
Read MoreNAGPANGGAP NA MTPB PARA MANGOTONG, TIKLO
KALABOSO ang isang umano’y delivery rider makaraang mabuking ng mga awtoridad na isa palang pekeng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nagmamando ng trapiko sa Pedro Bukaneg Street, malapit sa Roxas Boulevard, sa Malate, Manila. Kinilala ang suspek na si Lloyd Tolentino, 27-anyos, sinampahan ng kasong robbery extortion at paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority). Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Samuel Cayabyab na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9,…
Read MorePCG FB ACCOUNT NAREKOBER NA
NAREKOBER na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang official Facebook page na muling na-hack kamakailan. Ayon sa PCG, dakong alas-9 ng umaga nitong Abril 2 nang tuluyan nang marekober ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang FB account. Ayon kay PCG spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, nakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), at sa Meta upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach. Nakatakda ring magsagawa ang CGPAS ng panibagong…
Read More