83K BENEPISYARYO NAKINABANG SA CARD PROGRAM SA E. VISAYAS

MAHIGIT 2 milyong kilo ng bigas at kabuuang P250 milyong cash assistance ang ipinamahagi sa may 83,000 benepisyaryo sa Eastern Visayas sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program mula Abril 5 hanggang 7. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang programa ay isang pagpapakita ng dedikasyon at pagtupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa pangako na tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan. “Lumapag na po sa Leyte, Samar at Biliran ang CARD Program upang maghatid ng libreng bigas at ayuda para sa ating mga kababayan…

Read More

BBM KATAWA-TAWA KAPAG BUMIGAY KAY QUIBOLOY – SOLON

MAGIGING katawa-tawa sa mundo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kapag bumigay sa mga kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy kapalit ng kanyang paglantad at pagharap sa kanyang mga kaso. Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro matapos sabihin ni Quiboloy na susuko lamang ito kung bibigyan ng garantiya ng Marcos administration na hindi makikialam ang Estados Unidos. “Quiboloy is thumbing his nose at the Marcos administration and if it accedes to his demands, then it would be the laughing stock of the international community…

Read More

ROMUALDEZ, IBA PANG TOP PH OFFICIALS MATAAS TRUST AT APPROVAL RATINGS SA RPMD SURVEY

NAKAKUHA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust at approval ratings sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Sa survey na ginanap noong Marso 18-23, 2024, nabatid na nakakuha si Romualdez ng impresibong 75% trust ratings habang 72% naman ang kanyang nakuhang top performance ratings. Sa naturang independent at non-commissioned survey, nagpakita rin si Romualdez ng mahusay na suportang rehiyonal. Nabatid na nakakuha si Romualdez ng pinakamataas na 80.1% na “trust” at 78.1% “approval” ratings sa Visayas. Ang nakuha…

Read More

JAIL SA PINAS, PANG-3 SA BUONG MUNDO SA PAGIGING OVERCROWDED

PANGATLO na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo sa may pinakamaraming bilang ng persons deprived of liberty (PDLs). Ayon sa Global Prison Trends Report of 2023, ang Pilipinas ay pangatlo sa global ranking na may 375% prison occupancy rate. Dahil ito sa patuloy na paglobo ng crime rate sa Pilipinas kaya kasabay nito ang paglaki rin populasyon sa mga piitan sa bansa na kaakibat naman ang problema sa siksikang detention facilities na nananatiling hamon sa prison system ng bansa. “Imagine a cell that is meant for 10 PDLs is occupied…

Read More

NAG-ALOK NG PROJECT SA CONTRACTOR, 8 FAKE DBM OFFICIALS TIMBOG

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong indibidwal na umano’y nagpanggap na konektado sa Department of Budget and Management (DBM), at nag-alok ng proyekto sa isang contractor, sa ikinasang entrapment operation sa Mandaluyong City. Base sa ulat ng NBI, nagpakilala umano ang isa sa mga suspek bilang undersecretary ng DBM at may hawak na special project. Ayon sa complainant na isang contractor, nangako umano ang suspek na makapagbibigay ito ng isang project sa halagang P1.3 billion sa ipatatayong isang dam. Tiniyak umano ng suspek sa…

Read More

P.5-M DROGA NASABAT SA 3 TULAK

ISINELDA ang tatlong lalaki makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District – Meisic Police Station 11 sa Binondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Paloyo, 49, target sa operasyon; alyas “Inso”, 41, at alyas “Jameela”, 31, pawang ng Binondo, Manila. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-4:10 ng madaling araw, ikinasa ang buy-bust operation…

Read More

AFP TUTULONG SA COAST GUARD SA CYBER SECURITY

HANDANG ayudahan ng Armed Forces of the Philippine ang Philippine Coast Guard na higit pang palakasin ang kanilang cyber security matapos na ilang ulit na tangkain silang pasukin ang illegal hackers. Inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, isang internationally known cyber security expert, nakahanda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tulungan ang Philippine Coast. Handa rin umano ang AFP na magpaabot ng tulong maging sa iba pang ahensya ng gobyerno kahit walang kaugnayan sa national security concern ang isyu. Magugunitang dalawang beses na sinalakay ng hackers ang facebook…

Read More

TOP PH OFFICIALS NAGTALA NG HIGH TRUST, APPROVAL- RPMD

INILABAS ang “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na ginanap noong March 18-23, 2024 na masusing nagsusuri sa “trust”” and “job approval” ratings ng mga “top government officials” sa bansa at lumitaw ang pangkalahatang positibong pagtingin sa pamumuno sa gitna ng populasyon ng mga Pilipino. Lumabas sa independent at non-commissioned survey na nakatanggap si President Bongbong Marcos Jr. ng mataas na “trust” 79% at “approval” 76% ratings. Nakamit naman Vice President Sara Duterte ang impresibong rating na 77% “trust” at 74% “approval”. Nakakuha naman…

Read More

AFP TAHIMIK SA UMANO’Y PAGDATING NG 400 CONTAINER VANS NG FOREIGN MILITARY HARDWARE

HINDI kinumpirma ng Armed Forces of the Philippine ang napaulat na pagdating ng umano’y mahigit 400 container vans ng United States at France na naglalaman umano ng military hardwares at mga kagamitang pandigma. Ito ay matapos na kumalat ang isang video footage sa pagdating ng umano’y military equipment sa Subic Bay na nakatakdang gamitin sa Balikatan war exercises na sasalihan ng US, France at Pilipinas na sasaksihan ng 14 iba pang bansa. Ayon kay Balikatan 2024 executive agent, Col. Michael Logico, “I cannot confirm that, you have to do your…

Read More