P2.1-B SHABU NASABAT NG PNP at BOC SA MICP

TINATAYANG mahigit sa P2.1 bilyong halaga ng suspected shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port sa Tondo, Manila noong Huwebes. Ayon sa inisyal na ulat, 1,109 piraso ng plastic packs na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, ang dumating sa Container Freight Station 3 ng nasabing container port sa Tondo, base sa paunang ulat na ibinahagi ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group. Ang mga droga ay sadyang isinilid sa mga kahon na ibinalot sa carbon paper at aluminum foil upang hindi…

Read More

2 ILLEGAL RECRUITMENT VICTIMS NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na pinaniniwalaang mga biktima ng illegal recruitment. Ayon sa report, na-intercept ang dalawa noong Setyembre 7 sa NAIA Terminal 3 bago makasakay sa kanilang Cebu Pacific flight papuntang Bangkok, Thailand. Batay sa impormasyon, ang dalawa ay nagkunwaring mga turista at magbabakasyon sa Bangkok ng ilang araw bago bumalik sa Pilipinas. Ngunit sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, hindi kumbinsido ang hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) dahil…

Read More

DRIVERS, OPERATORS PINAHIHIRAPAN SA PUV MODERNIZATION – SOLON

MISTULANG pinahihirapan ng gobyerno ang mga tsuper at operator ng public utility vehicles (PUVs) para masiraan ng loob ang mga ito na sumali sa PUV modernization program. Ganito inilarawan ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang sitwasyon ng mga driver at operator dahil bukod sa masyadong mahal ang modernong sasakyan ay kilo-kilometro ang requirements na hinihingi sa kanila ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) bago mapautang. “Let us liberalize and simplify these requirements. Marami na ngang na-comply na requirements na hiningi ang…

Read More

56,697 PDLs MAKABOBOTO PARA SA BSKE 2023

MABIBIGYAN ng pagkakataong makaboto ang 56,679 preso o persons deprived of liberties (PDLs) sa gaganaping 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan election ngayong Oktubre. Ito ay kasunod ng paglagda ni Bureau of Jail Management and Penology Jail Director General Ruel Rivera sa makasaysayang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC), Public Attorney’s Office (PAO), at ng BJMP sa isang groundbreaking Memorandum of Agreement para bigyang-daan na matamasa ng libo-libong rehistradong preso ang kanilang ‘right of suffrage’. Sa nilagdaang kasunduan ay mabibigyan ng pagkakataon ang kabuuang 56,679 PDLs na makaboto para sa Barangay…

Read More

215 PINOY BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT SA ITALY

HINDI lamang sa Pilipinas nabibiktima ng illegal recruitment ang mga Pilipino dahil isinasagawa na ang krimeng ito sa ibang bansa tulad ng nangyari sa 215 kababayan na pinangakuan ng malaking sahod sa nasabing bansa subalit pagdating nila roon ay walang trabahong naghihintay sa kanila. Ito ang nabatid mula kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairman, Rep. Ron Salo kaya hiniling nito sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tutukan ang kasong ito at makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa nasabing bansa. “The crimes were…

Read More

3 PATAY SA RAMMING INCIDENT SA BAJO DE MASINLOC

SINIGURO ng pamahalaan ang hustisya sa tatlong mangingisda na namatay matapos banggain ng commercial vessel ang kanilang fishing boat sa karagatang sakop ng bayan ng Infanta, Pangasinan. Pawang mula sa Zambales ang mga nasawi na sina Boat Captain Dexter Laudensia, 47; Romeo Mejico, 38, at Benedict Uladanorio, 62. Nakaligtas naman sina Johnny Manlolo, Estelito Sumayang, Mario An, Mandy An, Michael An, Gino Arpon, John Michael Nogas, Noriel Tolores, William Asontista, Darwin Mejia at Reymark Bautista, pawang crew ng fishing boat. Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente na…

Read More

MAG-AMANG CHINOY HULI SA P3.4-M SHABU

TINATAYANG kalahating kilo ng umano’y shabu na may street value na P3.4 milyon, ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mag-amang Chinoy sa isinagawang anti-narcotics operation sa Malolos City sa Bulacan. Ayon sa ulat na natanggap ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo mula sa PDEA Regional Office 3, isang Chinese national kasama ang kanyang anak na Pilipino, ang nakumpiskahan ng tinatayang kalahating kilo ng shabu. Kasunod ito ng inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba sa Pleasant Village, Barangay San Pablo noong Martes…

Read More

3 TULAK NG SOLVENT NASUKOL

MAKARAAN ang maigsing habulan, nasukol ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang tatlo katao na umano’y nagbebenta ng solvent sa mga kabataan sa area ng Divisoria, Ermita, Quiapo at Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat, makaraan ang natanggap na tawag sa 911, nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, at nadakip ang mga suspek na sina Adrian Lopez, 32; Alvin Dela Cruz, 35, at Joanne Ramos, 36-anyos. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng umaga,…

Read More

KARAHASAN SA MGA MANGINGISDA SA WPS TUTULDUKAN NG LIDERATO NG KAMARA

AGAD nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pamilya ng tatlong mangingisda na namatay sa Bajo de Masinloc sa Zambales noong Lunes ng gabi matapos sagasaan ng isang oil tanker ang kanilang bangkang pangisda. Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Romualdez na, “Sobra na. This has to end, ang pinaggagawa sa mga fisherman natin diyan sa lugar.” “Hindi natin hahayaan na lang na masayang ang buhay ng mga mangingisda natin na hindi natin alam sa ngayon kung sino ang nakapatay sa kanila,” galit na pahayag ng lider…

Read More