NO. 9 MOST WANTED SA REGION 6, ARESTADO

ARESTADO ang tinaguriang rank no. 9 most wanted person ng regional level ng Police Regional Office 6 (PRO6) na may kasong rape.

Hindi nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ng Panay Municipal Police Station ang warrant of arrest noong Lunes ng umaga.

Kaagad naaresto ang target na si alyas “Josh”, 23-anyos, sa isinagawang manhunt operation dakong alas-11:33 ng umaga noong Oktubre 5, 2026, sa Brgy. Cogon, Panay, Capiz.

Ikinasa ng mga operatiba ng Panay Municipal Police Station (MPS) Warrant Section ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(a) ng Revised Penal Code.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 15, Roxas City, Capiz noong Setyembre 28, 2026, na walang inirekomendang piyansa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Panay MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

(TOTO NABAJA)

93

Related posts

Leave a Comment