ARREST WARRANT VS 23 AKUSADO SA ONLINE SABONG

HINILING ng Office of the Provincial Prosecutor ng Pangasinan sa Regional Trial Court (RTC) ng Urdaneta City na mag-isyu na ito ng warrant of arrest laban sa 23 akusado sa ilegal na operasyon ng e-sabong na pinamumunuan ng anak ng mag-asawang sangkot sa nawawalang P75 milyong performance bond ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sa panayam kay P/Lt. Col. Junmar Gonzales, hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), nakaalerto na ang kanyang mga operatiba sa probinsya sakaling bigyan sila ng korte ng ‘warrant of arrest.’…

Read More

DELIVERY RIDER, BUKING SA DAMO

NADAKIP ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng umano’y marijuana ng mga tauhan ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1, sa ikinasang anti-criminality and anti-illegal gambling operations sa panulukan ng Franco at Pilapil Streets, Brgy. 75. Tondo, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Balong” 21, residente ng Pilapil Street, Tondo. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-12:15 ng madaling araw, nang maispatan ang isang lalaki na kahina-hinala ang kilos habang nakatambay sa lugar. Dahil dito, nilapitan ang lalaki ng…

Read More

PURA LUKA VEGA, LAYA SA PIYANSA

LAYA na ang kontrobersyal na drag performer na si Pura Luka Vega, o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na pangalan, makaraang maglagak ng piyansa matapos arestuhin sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila, noong nakaraang Miyerkoles ng hapon. Noong Oktubre 7 nang maghain ng halagang P72,000 bilang piyansa si Pura Luka, ayon sa ulat ni Police Lieutenant Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3. Kinumpirma naman ito ni Presiding Judge Lady Rochelle Saymo- Llabres, ng Regional Trial Court, Branch 36 ng Manila. Nauna rito…

Read More

SIM CARD, NATIONAL ID ISUSUNOD NG HACKERS

HINDI malayong isunod na atakihin ng mga hacker ang database ng subscriber identity module (SIM) card registration at National ID System matapos ang kanilang pag-atake sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Babala ito ni House deputy minority leader France Castro kasabay ng apela sa ibang ahensya ng gobyerno partikular sa National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information Communication Technology at Philippine Statistics Authority (PSA) na matuto sa karanasan ng PhilHealth. “The PhilHealth hacking should serve as a wake up call for government agencies to be extra vigilant in protecting the…

Read More

MAKABUBUTI BA ANG AI?

PARA maiwasan ang pag-abuso sa artificial intelligence o AI, kailangang mag-usap-usap at magtulungan ang mga sektor at industriyang gumagamit at gagamit pa nito, ayon sa mga ekspertong dumalo sa isang summit ng news site Rappler kamakailan. Sa 2023 Social Good Summit (SGS), na ginanap nitong Setyembre 16 sa Samsung Hall sa Taguig City, pinag-usapan ng mga panelist kung paanong magiging bukas ang mga organisasyon at ang lipunan sa mga reporma at bagong idea sa larangan ng teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga ito, anila, mababawasan, kung hindi man mapipigil, ang perwisyong…

Read More

PAGPASOK SA BANSA NG BILYONG DROGA SISILIPIN NG KAMARA

MAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ngayon, Oktubre 9, ang House committee on dangerous drugs hinggil sa sunud-sunod na pagpasok ng bilyon-bilyong halaga ng droga sa bansa nitong mga nagdaang araw at linggo. Nitong Oktubre 4, naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 323 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon na nakasilid sa isang shipment ng beef jerky galing sa bansang Mexico. Inatasan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Cong. Robert Ace…

Read More

PRESYO NG LANGIS POSIBLENG BUMABA PA

ANG pagbaba ng presyo ng langis sa world market ay isang ‘welcome news’ sa mga mamimili. Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng fuel costs at sa kalaunan ay mabawasan ang presyur sa inflation. Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na ang presyo ng langis ay nakapagtala ng mahalagang pagbaba sa nakalipas na dalawang araw, bumaba ng US$82 hanggang US$83 kada bariles mula sa US$95 nito lamang Setyembre 28. “At least that’s isa sa mga problema…

Read More

PLAQUE AT CASH SA GILAS, IBA PANG ATLETA SA ASIAN GAMES

PARARANGALAN ng House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Gilas Pilipinas Basketball Team matapos iuwi ang gintong medalya sa bansa, makaraan ang 61-taon. Matatandaang tinalo ng Gilas ang Team Jordan sa score na 70-60 sa China noong Biyernes. Ayon kay Speaker Romualdez, “Gilas taught us Filipinos once again our resilience against all odds, yun bang never surrender attitude.” “Maraming salamat Gilas at maraming salamat sa mga atleta na nag-uwi din ng medalya,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. Kasama ang lahat ng miyembro ng Kongreso, bibigyan…

Read More

KOLEKTOR NG PAYOLA SA VENDORS, ARESTADO SA ENTRAPMENT

ARESTADO sa entrapment operation ng mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District- Station 3, ang isang 42-anyos na jobless habang nangongolekta umano ng “payola” sa mga vendor sa Quiapo, Manila. Kinilala ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, ang suspek na si Roberto Bersola, residente ng Oroqueta Street, Sta. Cruz, Manila. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:45 ng gabi nang dalhin sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3, ang suspek…

Read More