MABILIS na nagresponde ang mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct ng Station 5 ng Manila Police District, makaraang pumasok umano ang isang 25-anyos na binata na armado ng improvised firearm, sa Club Intramuros sa Bonifacio Drive, Intramuros Manila noong Linggo. Ang suspek na binata na kaanib ng Batang City Jail, at residente ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code (grave threats) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Ayon sa ulat na isinumite ni Police…
Read MoreCategory: METRO
2 CHINESE KINUWELYUHAN SA BARIL, PATALIM
DAHIL sa maling pagparada, dalawang Chinese national ang natimbog ng nagpapatrulyang mga tauhan ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) ng Manila Police District. Nang sitahin, nalamang walang driver’s license at nakumpiskahan pa ng baril at pocket knife noong Linggo ng madaling araw sa panulukan ng Adriatico at Remedios Streets, Malate, Manila ang mga suspek na kinilalang sina Wu Fuwen, 35, at Liu Yan, 27, kapwa customer service crew, at nanunuluyan sa Bel-Air, Makati City. (RENE CRISOSTOMO) 328
Read MoreROMUALDEZ: KAPAKANAN NG MGA SEAMAN AT PAMILYA POKUS NG PAMAHALAAN
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Romualdez na hindi lang nakatutok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) ang Marcos administration, kundi pati na rin sa kalagayan ng Filipino seafarers at pamilya nila. Ayon kay Speaker Romualdez, “Malaki po ang ambag ng ating mga seaman sa ekonomiya ng bansa kaya bilang pasasalamat, kailangan namin sa pamahalaan, lalo na sa Kongreso, na masiguro ang maayos na kapakanan ng bawat seaman natin.” “Siyempre dapat matiyak din natin na maayos ang kalagayan ng pamilya nila dito sa atin habang sila naman ay nasa labas…
Read MorePUV DRIVERS PINALALAHOK SA TSUPER ISKOLAR PROGRAM
HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang mga public utility vehicle (PUV) drivers na samantalahin ang oportunidad na palawakin pa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa “Tsuper Iskolar Program”. Ang programa ay maaari nang i-avail online. Ipinaliwanag ni Poe na katulad ng maintenance sa mga sasakyan, may pangangailangan din para sa regular check-up sa kakayahan at awareness sa road safety ng mga driver. Sa pamamagitan ng programa, mabibigyan ng sapat na training ang mga tsuper para sa mas ligtas na pagmamaneho. Sinabi ni Poe na sa ilalim…
Read MoreTINGOG REP. ROMUALDEZ TODO TRABAHO KAHIT BREAK ANG KONGRESO
WALANG humpay ang pamimigay ni Tingog Cong. Yedda Romualdez ng ayuda sa mga nangangailangan ng tulong. Bagama’t naka-break ang Kongreso, tinungo ni Cong. Romualdez ang District 6 ng Quezon City para magbigay ng ayuda. Isang libong residente ng lugar ang nakatanggap ng tig-P3,000 bawat pamilya mula sa Assistance For Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). “Ito po ang pinupunto ng kasalukuyang administrasyon na ang gobyerno ay nariyan at handang tumulong sa mga nangangailangan,” ayon kay Cong. Romualdez. “And this is one of the…
Read More5 ARESTADO SA IBA’T IBANG KASO SA MAYNILA
NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na operasyon ang limang indibidwal na nahaharap sa magkakaibang kaso. Sa follow-up operation ng mga operatiba ng Lacson Police Community Precinct ng Station 4, nadakip ang suspek na si Melanio Rania, 34, miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) at residente ng J. Marzan Street, Sampaloc, Manila matapos umanong holdapin ang 22-anyos na estudyante ng FEU. Sa ulat ni Police Corporal Rogelio Fernandez kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, sakay…
Read MoreJOBLESS PINATAHIMIK SA DROGA?
PINAGBABARIL ang isang 27-anyos na jobless para umano patahimikin hinggil sa ilegal na droga sa Antipolo at Sulu Streets sa Barangay 364, Sta. Cruz, Manila. Kinilala ang biktimang si Anthony Babalo ng Bagong Barrio, Caloocan City. Mabilis naman umanong tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril patungong Pedro Guevarra Street sa Sta. Cruz. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:00 ng gabi, nagmamadaling kumain ang biktima sa isang karinderya saka mabilis na sumakay sa bisekleta. Ngunit bigla umanong dumating ang suspek at pinagbabaril ito na nagresulta sa agarang kamatayan. Nakuha mula…
Read More2 TIKLO SA PAMEMEKE NG DOKUMENTO
BINITBIT ng mga operatiba ng District Investigation Division 2 ng Special Mayor’ Reaction Team (SMaRT) ang dalawang indibidwal kabilang ang isang babae, sa ikinasang entrapment operation sa kasong pamemeke ng mga dokumento sa isang bahay sa Antonio Rivera Street, Tondo, Manila Kinilala ang dalawang suspek na sina Ralph Lawrence Doblada, 21, at Liza Lopez, 46, kapwa ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID2- SMaRT, bandang alas-4:00 ng hapon noong Huwebes nang salakayin ang bahay ni Lopez dahil sa “tip” mula sa isang asset, makaraan…
Read MoreMWP SA ROBBERY WITH HOMICIDE NABITAG
BAGSAK sa selda ng Manila Police District – Moriones Police Station 2 ang isang most wanted person sa kasong robbery with homicide makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest sa Elcano Street, Barangay 1, Zone 1, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Dahil sa “tip” ng isang impormante, nasukol at hindi na nakapanlaban sa mga operatiba nang posasan ang suspek na kinilalang si Jomarie Salonga, itinuturing na number 1 most wanted ng station level. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay, commander ng MPD Station 2, bandang…
Read More