MAS pinatibay na tungkuling gagampanan ang isinagawang balasahan sa pitong mataas na opisyal ng Manila Police District kamakailan ni District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Base sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), binalasa ni General Dizon ng limang station commander at dalawang opisyal sa Headquarters. Mula sa Station 1, pinalitan ni Police Lieutenant Colonel Willy Fabros si Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr. na itinalaga namang commander ng Station 2 sa Moriones, Tondo. Habang si P/Lt. Col. Jonathan Villamor na commander ng…
Read MoreCategory: METRO
KAPAKANAN, KARAPATAN NG QCITIZEN PANGANGALAGAAN NI MAYOR BELMONTE
TIYAK na mga programa para sa kapakanan at karapatan ng mga QCitizen ang ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte sa pagbisita nina Dutch Human Rights Ambassador Her Excellency Bahia Tahzib-Lie at Dutch Ambassador to the Philippines H.E. Marielle Garaedts sa Quezon City Hall kamakailan. Ipinaliwanag ni Mayor Joy kung paano pinoprotektahan ng lungsod ang karapatang pantao, tulad ng pagtatatag ng community-based treatment and rehabilitation program para sa mga drug dependent, at pagsasabatas ng QC Gender Fair Ordinance. Ibinida rin ng alkalde ang mga pasilidad ng QC para sa mga vulnerable sector…
Read MoreAFGHAN REFUGEES PWEDENG MANATILI NG 2-WEEK SA PINAS
NILINAW ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na pansamantala lang o hanggang dalawang linggo lamang ang hiling ng Estados Unidos sa Pilipinas na manatili sa bansa ang libong Afghan refugees. Gagamitin ang pananatili ng refugees sa pagproseso ng kanilang visa. Ani Romualdez, hiniling ng Washington sa Maynila na magbigay ng special immigrant status sa refugees para tulungan ang mga ito na iproseso ang kanilang visas bago ang pagpasok ng mga ito sa Amerika. Sa ilalim ng panukala, ang mga refugees na darating sa bansa, ‘in batches’…
Read MoreWANTED SA BAGUIO NASILO SA MAYNILA
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 47- anyos na driver makaraang magtago dahil sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Baguio City, nang matunton ito sa Zobel Roxas Street, Sta. Ana, Manila. Kinilala ang suspek na si Melquiadez Briones, may asawa, ng Barangay Cupang, Peñafrancia, Antipolo City. Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Section 2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-5:10 ng madaling araw nang maispatan si Briones sa nasabing lugar. Inaresto ang suspek…
Read MoreSENADO NAGLULUKSA SA PAGYAO NI BIAZON
ITINUTURING ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na ‘bittersweet’ ang pagdiriwang ngayong araw ng 125th Independence Day dahil kasabay nito ang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon. Sinabi ni Zubiri na isa si Biazon sa kilalang matibay na tagapagtanggol ng kapayapaan at demokrasya sa bansa. Ipinagpapasalamat pa ng lider ng Senado na nagkaroon pa sila ng pagkakataong makasama ang yumaong mambabatas sa kanilang Senate reunion noong Oktubre kung saan ipinakita pa rin anya nito ang kanyang pagiging fountain of guidance at wisdom para sa mga kasalukuyang miyembro…
Read MoreDATING SEN. BIAZON NAMAYAPA NA SA EDAD 88
PUMANAW na sa edad na 88 si dating Senador Rodolfo Biazon dahil sa serious pneumonia. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rino Biazon na alas-8:30, Lunes ng umaga nang mamaalam ang dati ring chief of staff ng Armed Forces of the Philippines. Noong isang taon, na-diagnose ang Marine General na may lung cancer at sumailalim sa treatment subalit Mayo 21 nang tamaan ito ng serious pneumonia. Una na ring kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na na-intubate pa ang dating senador mula Mayo 22 hanggang Hunyo 3 bago ito tuluyang namaalam…
Read MoreMAHUSAY NA LIDERATO NI SPEAKER ROMUALDEZ PINURI NG MGA KAPWA MAMBABATAS
PINURI ang mahusay na liderato ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng kanyang mga kapwa mambabatas mula sa iba’t ibang partido sa ilalim ng supermajority ng 19th Congress. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., isang stalwart ng National Unity Party (NUP), ang hindi pagpatol ni Speaker Romualdez sa mga pasaring pulitikal at personal, itinuon lamang ang kanyang atensiyon sa mga gawain para sa ikabubuti ng mga Pilipino. Samantala, nagpahayag naman ng kumpiyansa sina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, pangulo ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI); Surigao…
Read MoreTARGET, 3 PAROKYANO HULI SA ‘BATO’
NABITAG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, ang target na umano’y tulak ng ilegal na droga habang nadamay ang tatlo nitong parukyano, sa inilatag na buy-bust operation sa panulukan ng Fajardo at J. Marzan Streets, Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang target na suspek na si Edmon Reyes, binata, nasa drug watchlist ng pulisya, at residente ng Brgy. 456, Sampaloc, Manila. Samantala, ang tatlong umano’y parukyano ni Reyes ay inaresto rin sa operasyon, na kinilalang sina…
Read MoreSOLO PARENTS ACT IPARE-REVIEW NG ACT-CIS SA KONGRESO
DAHIL may probisyon na hindi natutugunan, nais ng Anti-Crime And Terrorism, Community Involvement ang Support (ACT- CIS) Party-list na rebyuhin muli ang Solo Parents Act, na naging batas ilang buwan pa lang ang nakararaan. Ayon kay ACT-CIS 3rd Nominee Cong. Erwin Tulfo, “Ang buwanang ayuda na P1,000 para sa mga solo parent na nakasaad sa nasabing batas ay hindi naibibigay.” Paliwanag ni Cong. Tulfo, “base sa batas, ang local government unit, kung saan nakarehistro ang single mom o solo parent, ang magbibigay ng nasabing cash assistance”. Ani Tulfo, ang problema…
Read More