SPEAKER ROMUALDEZ, TINGOG INILABAS P33-M TULONG SA MGA APEKTADO NG MAYON

NAGPALABAS ng kabuuang P33 milyong halaga ng tulong pinansyal at in-kind si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang Tingog party-list para tulungan ang mga residente ng Albay na naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Ayon kina Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, may tig-P1 milyon na inilaan sa tatlong unang distrito ng Albay na malapit sa bulkan. Ito ang Unang distrito na kinakatawan ni Rep. Edcel Lagman; ang Ikalawang Distrito na kinakatawan ni Rep. Joey Salceda; at sa ikatlong distrito sa ilalim ni Rep.…

Read More

SPEAKER ROMUALDEZ TINAWAG NA “ACTION MAN” NG DAVAO SOLONS

TINAWAG ng dalawang kongresista sa Davao region na “action man” si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa mabilis nitong pagtugon sa pangangailangan ng kanilang constituents, partikular sa panahon ng kalamidad. Bilib sina Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen S. Zamora at Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel D. Almario sa pambihirang malasakit na ipinapakita ni Speaker Romualdez sa mga kasapi ng Kamara de Representantes upang tugunan ang iba’t ibang hinaing ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inalala ni Zamora na agarang nagpadala ng tulong at maging…

Read More

Mula Enero hanggang Hunyo SINGIL SA KURYENTE NG MORE BUMABA

SA loob ng magkakasunod na 6 na buwan ngayong taon ay  bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City. Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1  sa  P12.2990 per kilowatt-hour (kWh) mula  P13.2511 per kWh. “This is the 6th straight month that More Power is reducing its rates,” ayon sa More Power. Ayon sa More Power ang pagbaba ng singil ay bunsod ng pagbaba ng generation cost,…

Read More

Sa hindi pagsunod sa pinal na desisyon ng Korte Suprema sa territorial dispute sa Taguig BINAY INALMAHAN NG NETIZENS

PINALAGAN ng netizens ang paninindigan ni Makati City Mayor Abby Binay na suwayin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema at ituloy pa rin ang laban sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig City. Sa viral video ni Binay na kumalat sa social media platforms sinabi nito na tuloy pa rin ang laban, aniya, naawa sya sa kanyang mga anak—ang mga estudyante ng Makati na tinuturing nyang mga anak—dahil hindi kayang ibigay ng Taguig ang naibibigay ng Makati. “Ang posisyon namin is tuloy ang laban. Naawa ako sa mga anak…

Read More

PRESYO NG ISDA POSIBLENG TUMAAS DAHIL SA AO NG BFAR

NAGBABALA ang isang pederasyon ng commercial fishing association na posibleng tumaas ang presyo ng isda dahil sa pagpupumilit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa implementasyon ng isa nitong administrative order. Ayon sa Alliance of Philippine Fishing Federations Inc. (APFFI), isang napakalaking banta sa food security ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 266 ng BFAR dahil nagpapahina ito sa lokal na produksyon ng isda. Sa press statement, sinabi ng APFFI na binubuo ng iba’t ibang samahan ng commercial fishing sa buong bansa mula Luzon hanggang Mindanao na kinabibilangan…

Read More

PAGBABALIK NG BILL DEPOSIT REFUND NG MORE SA CUSTOMERS DAPAT TULARAN – SOLON

PINURI ni Iloilo Rep. Jam Baronda ang inisyatibo ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) na kusang ibalik sa customers nito ang kanilang bill deposit na hindi karaniwang ginagawa ng mga Distribution Utilities (DUs). “We commend More Power for taking the lead in giving back the bill deposits of its consumers who have complied with the requisites,” pahayag ni Baronda. Ang bill deposit ang paunang binabayad ng mga customer sa pag-aaply ng linya ng kuryente. Alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for Residential Electric Consumers, may obligasyon ang…

Read More

RELASYON NG QC GOV’T SA ISRAEL LALONG LUMAKAS

LALO pang lumakas ang relasyon ng lokal na pamahalaang Lungsod Quezon sa bansang Israel sa pagbisita ng ilang opisyal nito kamakalawa. Mainit na tinanggap ng pamahalaang lungsod si Foreign Minister of Israel His Excellency Eli Cohen sa Philippine-Israel Friendship Park sa Quezon Memorial Circle nitong Martes ng hapon. Ang naturang park ay itinayo bilang simbolo ng pagkakaisa ng Pilipinas at Israel lalo na noong malugod na tinanggap ni Pangulong Manuel Quezon ang 1,300 Jewish refugees sa bansa. Kasama rin sa bumisita sina Israel Ambassador to the Philippines H.E. Ilan Fluss,…

Read More

70,000 JOB VACANCIES IBINIDA NG DOLE

TINATAYANG 70,000 job vacancies ang naghihintay sa job seekers sa isasagawang job fairs sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 48 job fair sites ang bubuksan sa buong bansa kung saan inisyal na 68,455 job vacancies ang alok ng 840 employers. Ang datos ay nitong Hunyo 4 lamang at ang bilang ng mga bakante ay inaasahang tataas pa sa susunod na mga araw. Ang job fair sites sa Luzon sa Hunyo 12 ay ang…

Read More

RPMD: “TOP FIRST-TERM CITY MAYORS SA PINAS”

INILABAS ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” survey. Masusing sinusuri rito ang performance ng matataas na opisyal ng gobyerno, kabilang ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, mga opisyal ng Gabinete, Senador, Kongresista, Gobernador, at Mayor ng lungsod. Ang mga resultang ito ay naglalahad ng mga pambihirang tagumpay ng “Top Performing First-Term City Mayors in the Philippines,” na nagpapakita ng kanilang kapuri-puring pamumuno at makabuluhang kontribusyon sa kani-kanilang mga lungsod. Binigyang-diin sa ulat ang pambihirang pagganap nina Mayors Eric…

Read More