SUNDALO PATAY SA ANTI-DRUG OPERATION

NAPATAY ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na sinasabing kasapi ng organized drug group na kumikilos sa Bicol Region, sa inilunsad na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kinilala ng PNP Regional Police Office 5 ang napaslang na sundalo na si Corporal Aaron Magbuhat, 33-anyos, miyembro ng Rigo-Magbuhat drug group at sinasabing isang  high value target at kabilang sa Regional Watchlist sa Bicol. Ayon kay P/Maj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, isang joint buy-bust operation ang inilatag ng PDEA at PNP laban sa suspek. Subalit nauwi…

Read More

WELDER PATAY SA KATAGAY

PATAY ang isang 44-anyos na welder nang saksakin ng katrabaho sa Valenzuela City. Pinagkakapehan na ang biktimang si Arnel Dante, habang ibinalibag sa selda ang suspek na si Jeffrey Boco, 35-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente noong Nobyembre 9 sa Mabini St., Barangay Karuhatan, ng lungsod, kung saan nagtalo Ang dalawa matapos makipag-inuman sa iba pang mga kasamahan. Naawat naman umano ang dalawa ngunit sinundan ng suspek ang biktima nang matutulog na ito. Muling nagkaroon ng komosyon at nang puntahan ng iba pang trabahador ang kaguluhan ay bumulaga…

Read More

NAKIPAGSAKSAKAN, PINAGLAMAYAN

patay

PATAY ang isang lalaki nang makipagsaksakan sa matagal nang kaalitan sa Valenzuela City noong Miyerkoles. Bangkay na itinanghal si Samuel Repuya, 41, ng Barangay Canumay East, ng lungsod, habang arestado naman ang suspek na si Roberto Galera, alyas “Obet”, 47, ng Barangay Lingunan, Valenzuela City. Nangyari ang krimen noong Nobyembre 9 sa Acacia St., Barangay Lingunan, kung saan kinompronta ng biktimang sakay ng motorsiklo  ang suspek sa dahil sa dati nilang alitan. Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin ni Galera si Repuya. Gumanti naman ng saksak si Repuya at tumakbo…

Read More

RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

DINAMBA ng Malabon City Police ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa lungsod. Kalaboso ang suspek na si Nico Fernando, 21, binata, obrero, ng Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Nobyembre 9 nang dakpin ng mga awtoridad si Fernando sa kanyang bahay. Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Lylo, ng Malabon City RTC, sa kasong rape. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek. (ALAIN AJERO) 260

Read More

2 EX-MTPB MEMBERS TIMBOG SA EXTORTION

ARESTADO ang dalawang dating  miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ( MTPB) sa aktong nangongotong ng mga motorista sa Quirino Avenue, Pandacan, Manila noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Rocky Macarian, 34, may asawa, ng Bo. Barona St., Pandacan, at Jeromie Millel, 43, may asawa, ng Concha Street, Tondo. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division-Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang maaktuhan ang dalawa habang nagmamando ng trapiko sa nasabing lugar.…

Read More

OBRERO NAKURYENTE, DEDO

NANGISAY hanggang sa namatay ang isang 21-anyos na construction worker sa isang construction site sa Malacañang Park noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Leonard Bulado Jr., binata, tubong Masbate City, at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacañang Park. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:10 ng hapon nang makuryente ang biktima. Ayon sa imbestigasyon ni Det. Ibasco, may hawak ng kaso, bumalik umano ang biktima sa itinatayong gusali matapos itong …

Read More

4 DAYUHANG PUGANTE NATIKLO NG BI

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang apat na dayuhan na wanted sa kanilang mga bansa bunsod ng pagkakasangkot sa iba’t ibang serious crime. Kinilala ang mga suspek na sina Kim Won, 34, at Kim Girok, 29, kapwa Korean nationals; Dutch national na si Jan Cornelis Stuurman,71, at ang 51-anyos American national na si Steven Vernon Cross. Ayon sa report, nahuli si Kim Won noong Oktubre 10 sa kanyang pinagtataguang bahay sa Clark Pampanga, at natiklo si Kim Girok ng FSU noong Oktubre…

Read More

BAGONG PCP ITINAYO SA SEAWALL NG BASECO

PINASINAYAAN ang bagong Police Community Precinct  na itinayo upang maiwasan ang anomang karahasan tulad ng holdapan, snatching, bentahan ng ilegal na droga, at iba’t ibang uri ng sugal, sa Sea Wall sa Block 20, Lot 47, New Site, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila. Bandang alas-10:00 ng umaga nang pangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, ang inagurasyon sa presinto na pinangalanang Sea Wall PCP. Si dating Congresswoman Cristal Bagatsing ang nag-cut ng ribbon, na sinaksihan naman  nina Police Colonel Raul Tacaca, Deputy District for Administration ( DDDA) na kumatawan…

Read More

TRUCK BAN LARGA NA ULIT SA NAVOTAS

IPATUTUPAD na muli ng Navotas City ang truck ban simula sa Nobyembre 14, 2022. Ang mga sasakyang may walo o higit pang gulong tulad ng cargo at freight trucks o may kabuuang timbang na 4,500 kilograms, kabilang ang tractor trailers at container haulers, ay ipinagbabawal na tumawid mula M. Naval St., Agora hanggang Bagumbayan-Bangkulasi Bridge at mula C-4 Road patungong Brgy. Tangos North; Gov. Pascual St.; C4 Road, at H. Lopez Boulevard. Iiral din ang truck ban sa Lunes hanggang Sabado maliban kapag holidays mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at…

Read More