SANIB-PUWERSA ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) at mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station sa pagsagip sa 300 indibidwal na pawang mga Badjao noong Sabado ng gabi. Ito ay kaugnay sa “Oplan Sagip Kalinga” ng pamahalaang lokal ng Maynila alinsunod sa inilabas na Executive Order. Ayon kay MDSW Director Asuncion “Re” Fugoso, nakatanggap sila ng report kaugnay sa pagdagsa ng mga Badjao na bumabalik sa lungsod sa tuwing magpa-Pasko upang mamalimos sa pangunahing mga lansangan na karaniwang gamit pa ang kanilang sanggol bilang pagmamakaawa. Dahil dito, nakipag-ugnayan si…
Read MoreCategory: METRO
CASHIER GRINIPUHAN NG HOLDAPER
LAGUNA – Isang 20-anyos na cashier ang pinagsasaksak ng holdaper sa loob ng Tea Fryday Food Store sa Bonifacio St., Brgy. Canlalaya, sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Annalyn Bajado , residente ng Brgy. Canlalay ng lungsod na ito. Nasa mabuti nang kalagayan ang biktima sa Perpetual Help Medical Hospital, na tinamaan ng mga saksak leeg, kamay at dibdib. Ayon sa paunang imbestigasyon, pumasok sa nasabing food store ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket, green t-shirt, itim…
Read MoreOVERSTAYING CANADIAN HULI SA PANINIRA NG ARI-ARIAN
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Canadian dahil sa umano’y paninira ng mga ari-arian sa kanilang subdivision. Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Andrew Clark Stewart, 62, naaresto noong nakaraang Oktubre 18 dakong alas-10:00 ng umaga sa harapan ng kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga. Ayon kay Tansingco, ang pag-aresto ay kasunod ng reklamo na isinampa laban kay Stewart para sa kanyang ‘unbecoming conduct’ sa subdivision kung saan siya nakatira. “When our officers approached Stewart, he failed to present a valid passport or…
Read MoreQC COP, SIGA PATAY SA ENGKWENTRO SA KANKALOO
NAGLULUKSA ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni P/BGen. Nicolas Torre III, sa pagkamatay ng kanilang kasamahan sa QCPD SWAT Team na nagresponde sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa nasabing lungsod noong Linggo. Kinilala ni Torre ang napatay na si Police Corporal Noel Ogano, habang sugatan naman ang kanyang kasamahan na si P/Lt. Col. Jerry Castillo, pawang nakatalaga sa QCPD SWAT. Lumalabas sa report na ang suspek na kinilalang si Martin Luther Nuñez, 42-anyos, dating Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) cadet at residente…
Read More‘PROXY WAR’ NG ERC AT NGCP PINUNA
PARA kay Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate, ang bangayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay posibleng hindi para sa interes ng mga konsyumer kundi matatawag na isang “proxy war”. Sinabi ni Zarate na nangunguna sa mga tunay na isyu na kailangang harapin, ay ang protektahan at panindigan ang interes ng mga mamimili upang matiyak na ang mga rate ng kuryente ay mababa at ang supply ay matatag. Dapat din aniyang magkaroon ng ganap na pagbabawal sa cross-ownership sa mga sektor at…
Read MoreLOLA NAMATAY NA YAKAP ANG ALAGANG ASO
HANGGANG sa kamatayan ay magkasama ang 79-anyos na lola at alaga nitong aso nang matupok ang kanilang tirahan sa Gagalangin, Tondo, Manila, Sabado ng gabi. Nagbabakasyon lamang umano ang biktimang si Lola Juanita Bitco sa bahay ng kanyang mga anak sa nasabing lugar. Samantala, dumanas naman ng mga lapnos sa katawan ang dalawa nitong apo na isinugod sa Tondo General Hospital at sa Jose Reyes Memorial Medical Center.. Batay sa ulat ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sanhi…
Read MoreP102K DROGA TIKLO SA TULAK SA PASIG
ARESTADO ang 25-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Pasig PNP. Ayon sa ulat ni P/Col. Celerino Sacro Jr., kinilala ang nadakip na si alyas Junior, kilala rin bilang si alyas “Paner”, 25, binata, tricycle driver at nakatira sa E. Santos St., Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod. Dakong 11:10 ng gabi noong Nobyembre 11 nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit, 8th Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion, ang suspek sa nabanggit na lugar. Nakuha sa suspek…
Read More2 LALAKI TIMBOG SA PAGSIPSIP NG KRUDO
NAAKTUHAN ng driver ng Department of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall, ang dalawang lalaki habang sinisipsip ang krudo mula sa tangke ng kanilang truck sa Malate, Manila nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina John-john Arcilla, 29, alyas “Epong”, miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) at Philip Tigtig, 30, alyas “Nognog”, kaanib ng Batang City Jail (BCJ). Batay sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Malate Police Station, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang sipsipin ng mga suspek…
Read MoreHILING NG DOH: HEALTH PROTOCOL IPATUPAD SA CHRISTMAS SEASON
HINILING ng Department of Health sa publiko na ipatupad pa rin ang health protocol laban sa Covid-19 sa nalalapit na Christmas season. Ito ay bunsod ng pagpapaluwag ng pamahalaan sa health restrictions sa matataong mga lugar sa pamamagitan ng boluntaryong pagsusuot ng facemask sa loob at labas ng mga establisimyento. Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, ngayong patuloy nang pinagagaan ang paghihigpit tulad nang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoors at outdoors, dapat ipabatid sa lahat na mataas pa rin ang risk level sa Covid-19 kaya mas makabubuting magsuot pa…
Read More