DATING CNN BEIJING BUREAU CHIEF ITINALAGANG PH ENVOY TO CHINA

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating Beijing bureau chief ng CNN na si Jaime FlorCruz bilang bagong Philippine ambassador to China. Si FlorCruz ay kabilang sa listahan ng mga nominado na kamakailan lamang ay nailathala ng Commission on Appointments. Ayon sa dokumento, itinalaga siya noong nakaraang Oktubre 19. Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa ring pagkumpirma mula sa Malakanyang at hindi pa nakapagpapalabas ng appointment papers sa media hinggil sa pagkakatalaga kay FlorCruz. Si FlorCruz ay magkakaroon ng “concurrent jurisdiction” sa North Korea at Mongolia. Ang…

Read More

PROGRAMA SA MGA MAG-AARAL IPINAGPAPATULOY NG MPD

SA ikalawang pagkakataon, muli namang nabigyan ng P500 halaga ng ayuda ang 35 estudyante ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, bilang bahagi ng buwanang allowance na ipinagkaloob ng Manila Police District – Moriones Police Station, nitong Lunes ng umaga sa Morga St., Tondo. Bandang alas-10:00 ng umaga, pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, kasama ang kanyang mga tauhan, kabilang si Police Lieutenant Henry Mariano, hepe ng Station Community Affairs Development Section (SCAD), sa pamamahagi ng P500 bawat isa sa 35 estudyante na pawang mula sa  mahihirap…

Read More

KUSTODIYA NG BALIKBAYAN BOXES IPINAUBAYA NA NG BOC SA BIDDERS

IPINAMAHALA na ng Bureau of Customs (BOC) sa FR Agbay Enterprises ang kustodiya at pamamahagi ng abandoned overseas Filipino workers (OFW) Balikbayan Boxes. Ito ang kinumpirma ni Robert Uy, presidente ng FR Agbay Enterprises at kinatawan ng Association of Bidders of the Bureau of Customs matapos makipagpulong ang kanilang abogado at ang kampo ng third party na Door-To-Door Cargo Association of the Philippines (DDCAP) sa patawag ni Director Michael Fermin ng Internal Administration Office/ Trade Information Risk Analysis Office ng BOC at siya ring Focal Person ni Commissioner Yogi Filemon…

Read More

DO No. 49 inilabas ng DepEd GURO, MAG-AARAL HINDI PWEDENG SOCMED FRIENDS

SA hangaring tiyakin ang patas na trato ng mga guro sa mga estudyante, isang direktiba ang inilabas ng Department of Education (DepEd) – bawal ang ano mang ugnayan sa labas ng silid-aralan. Sa ilalim ng Department Order No. 49, hinikayat din ng kagawaran ang mga guro at non-teaching personnel na iwasang makipagrelasyon, makisali at makipag-usap sa tinuturuang mga estudyante gamit ang social media. “DepEd officials and employees are expected to… refrain from engaging in any activity or any relationship that may impair one’s ability in making objective decisions in the…

Read More

BUSINESSWOMAN HINATULAN NG ISANG TAONG KULONG SA TAX EVASION

HINDI pinanigan ng Court of Tax Appeals ang petisyon ng abogado ng isang negosyanteng ginang na inakusahang guilty sa kasong tax evasion. Bukod sa hatol na isang taong pagkakulong, inatasan din ng CTA Second Division ang akusadong si “Julie”  may-ari ng isang enterprises sa Cubao, Quezon City, na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng higit P16 milyon base sa “deficiency income” at “value-added taxes” para sa taong 2012. Ayon kay Associate Justice Jean Marie A. Bacorro-Villena, ang ponente ng desisyon, binalewala umano ng ginang ang “assessment and collection…

Read More

DSWD-4A WALANG PAGKUKULANG SA NOVELETA – SEC. TULFO

WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan. Kasabay nito, pinabalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”. Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kuwestiyon…

Read More

PANUKALANG AYUDA KONTRA INFLATION IKINASA SA KAMARA

SA gitna ng patuloy na pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng mataas na inflation rate, panibagong ayuda ang hirit ng Kamara sa hangaring maibsan ang dusang kinasasadlakan ng mga Pilipino. Para kay House Speaker Martin Romualdez, higit na kailangan ang agapay ng pamahalaan sa mga sektor na lubhang apektado sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Pagtitiyak ng House Speaker, kabilang sa prayoridad ng Kamara sa pagbubukas ng plenaryo ang pagsasabatas ng panukala sa pamamahagi ng panibagong ayuda, bago matapos ang taon. “Congress will support the…

Read More

SEGURIDAD SA BAR EXAM 2022, HIHIGPITAN

MAGPAPATUPAD ng mahigpit na seguridad ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa paligid ng dalawang unibersidad kaugnay sa gaganaping 2022 Bar examinations. Sa Executive Order 48 na inilabas noong Biyernes, ipinag-utos ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang liquor ban, pagbabawal sa mga ambulant vendor, at  magpapatupad ng noise control measures sa mga lugar malapit sa San Beda University sa Mendiola, at sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue. Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad sa sumusunod na mga petsa: Nob. 8, 12:00 ng tanghali hanggang Nob.…

Read More

DATING PULIS TIMBOG SA FRUSTRATED HOMICIDE

HINDI nakapalag ang isang 55-anyos na dating pulis nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide sa Quezon Blvd., Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, ang suspek na si Pedro Reyes y Querubin, may asawa, dating pulis, at residente ng Carcer St., Quiapo Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Major Dave Emmark Dave Apostol, katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station at Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz…

Read More