WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan. Kasabay nito, pinabalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”. Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kuwestiyon…
Read MoreCategory: METRO
PANUKALANG AYUDA KONTRA INFLATION IKINASA SA KAMARA
SA gitna ng patuloy na pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng mataas na inflation rate, panibagong ayuda ang hirit ng Kamara sa hangaring maibsan ang dusang kinasasadlakan ng mga Pilipino. Para kay House Speaker Martin Romualdez, higit na kailangan ang agapay ng pamahalaan sa mga sektor na lubhang apektado sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Pagtitiyak ng House Speaker, kabilang sa prayoridad ng Kamara sa pagbubukas ng plenaryo ang pagsasabatas ng panukala sa pamamahagi ng panibagong ayuda, bago matapos ang taon. “Congress will support the…
Read MoreSEGURIDAD SA BAR EXAM 2022, HIHIGPITAN
MAGPAPATUPAD ng mahigpit na seguridad ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa paligid ng dalawang unibersidad kaugnay sa gaganaping 2022 Bar examinations. Sa Executive Order 48 na inilabas noong Biyernes, ipinag-utos ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang liquor ban, pagbabawal sa mga ambulant vendor, at magpapatupad ng noise control measures sa mga lugar malapit sa San Beda University sa Mendiola, at sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue. Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad sa sumusunod na mga petsa: Nob. 8, 12:00 ng tanghali hanggang Nob.…
Read MoreDATING PULIS TIMBOG SA FRUSTRATED HOMICIDE
HINDI nakapalag ang isang 55-anyos na dating pulis nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide sa Quezon Blvd., Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, ang suspek na si Pedro Reyes y Querubin, may asawa, dating pulis, at residente ng Carcer St., Quiapo Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Major Dave Emmark Dave Apostol, katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station at Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz…
Read MoreP8-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA ZAMBOANGA
TINATAYANG umabot sa P8 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa Zamboanga City. Sa tulong ng Regional Special Operating Group (RSOG), CIU-Zamboanga City Police Office (ZCPO), at Police Station 11 (PS11), ay ikinasa ang pagsabat sa nasabing kontrabando matapos na magpositibo ang intelligence information na nasagap ng BOC hinggil sa isang sasakyan na may kargang smuggled cigarettes. Tumambad sa mga ahente ng BOC ang 207 master cases ng sigarilyo na may brand na Arthur, matapos na masabat…
Read MoreLALAKI TIKLO SA TANGKANG PAGPATAY SA KADUGO
KALABOSO ang isang lalaking wanted person dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kadugo sa Caloocan City. Dinamba sa Katarungan St., Barangay 149, Bagong Barrio, ng lungsod, dakong 9:20 ng gabi noong Nobyembre 2, ang suspek na si Arnel G. Pacursa, 43, residente ng nasabing barangay. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Rowena Violago Alejandria, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City, para sa kasong attempted parricide. Pansamantalang ipiniit ang suspek sa Sub-Station 5 habang isinasaayos ang mga dokumento para sa pagbabalik…
Read More6 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS
ANIM na kasapi ng isang pamilya ang namatay sa sunog sa Navotas City nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga namatay na sina Donsito Boiser, 41, ama; Reynosa Moscoso, 41, ina; mga anak na sina Raymond Boiser, 10; Arriana Boiser, 3, at Reinna Boiser, 2, at pamangkin ng mag-asawa na si Natalia Boiser, 14-anyos. Ayon sa BFP, nangyari ang sunog na umabot sa first alarm, sa Dalagang Bukid St., Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City. Nagsimulang masunog ang bahay ng mga biktima dakong 5:21 ng…
Read MoreGINANG ISINELDA SA DROGA
BUNSOD nang hindi pagsipot sa pagdinig sa korte, inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng bench warrant ang isang 43-anyos na ginang sa Malate, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Mary Joyce Bautista, may asawa, ng Albatros St., Molino, Bacoor Cavite, City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District- Malate Police Station, bandang 5:15 ng hapon nang arestuhin ang ginang sa Mabini Street, malapit sa panulukan ng Quirino Avenue, Malate. Ayon sa mga awtoridad, matagal nilang sinubaybayan ang ginang mula…
Read More2 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST
ARESTADO ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Mark Bryan B. Pascual, 20, ng Barangay Tangos South, Navotas City, at Angelo Domingo, 20, ng Barangay San Roque, ng lungsod. Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Judge Roldan St., Barangay San Roque, Navotas City, dakong 9:00 ng gabi noong Nobyembre 2. Nasamsam sa mga suspek ang 8.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P57,800 ang halaga,…
Read More