ARNELL IGNACIO ITINALAGANG OWWA ADMINISTRATOR

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Arnell Ignacio bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Isang text message na “yes, OWWA administrator” ang naging tugon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa tanong kung itinalaga ni Pangulong Marcos si Ignacio sa nasabing posisyon. Naging Assistant Vice President for Community Relation and Services Department si Ignacio ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Makaraan nito ay lumipat siya sa OWWA para magsilbi bilang deputy executive director. Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos Jr. si Undersecretary on…

Read More

P10.2 MILYON SHABU NASAMSAM SA TULONG NG ASO

AABOT sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) gamit ang kanilang ‘working dogs’ sa isang airline company sa Zamboanga City at Tawi-Tawi kahapon. Isang plastic bag na idineklarang may lamang “Chinese tea” ang isinailalim sa pagsusuri ng PCG K9 Field Operating Unit BARMM sa Tawi-Tawi gamit ang kanilang Coast Guard Working Dog (CGWD) na si James na siyang nagkumpirma na may lamang iligal na droga ang bagahe. Nadiskubre ang nasa isang kilong hinihinalang shabu na may halagang P6.8 milyon. Dinakip naman ang mga…

Read More

MANILA CITY HALL EMPLOYEE INARESTO SA GRAFT

NALAGAY sa matinding kahihiyan ang isang 50-anyos na empleyado ng Budget Office ng Manila City Hall makaraang silbihan ng arrest warrant sa kasong graft and corruption sa harap ng kanyang bahay sa San Andres, Malate, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Gloria Quirobines, analyst, biyuda, ng Barangay 704, San Andres, Malate. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol,  commander ng Manila Police District-Station 9, bandang alas-8:55 ng gabi nang ikasa ang pag-aresto kay Quirobines sa mismong harapan ng bahay nito. Pinangunahan nina P/Cpt. Henry Navarro, hepe ng…

Read More

SIGALOT SA PEZA PINARERESOLBA SA MALAKANYANG

MASUSING pag-aaralan ng Malakanyang ang nagpapatuloy na power struggle sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA). Sa kasalukuyan kasi ay mayroong dalawang Officer-In-Charge (OIC) ang PEZA sa katauhan nina Deputy Director General Tereso O. Panga at Director General Charito B. Plaza. Nang tanungin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung sino ang legal OIC kina Panga at Plaza, ang naging tugon ni Cruz-Angeles ay titingnan ng Malakanyang ang interpretasyon ng ahensya at mahigpit na ipatutupad ang MC 1&3. Sinabi ni Cruz- Angeles na maglalabas ng rekomendasyon ang Malakanyang sa sandaling mapag-aralan ito…

Read More

DENGUE CASES SA BANSA TUMAAS PA

BUNSOD ng nararanasang mga pag-ulan, tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 23, 2022, ayon sa ulat ng Department of Health. Nabatid mula sa DOH, pumalo na sa 92,343 ang naitalang kabuuang kaso ng dengue sa bansa. Mas mataas ito ng 118% kumpara sa iniulat na mga kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 42,294 lamang, saad ni Health Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Pinakamaraming iniulat na kaso ng dengue sa Region III na may 15,951 cases o 17%; kasunod ang Region…

Read More

OFW SA SAUDI ARABIA GINILITAN NG INA NG AMO

NAKAUWI na sa Pilipinas ang isang overseas Filipino worker (OFW) na ginilitan sa leeg ng ina ng kanyang employer sa Saudi Arabia, ayon sa report ni Deputy Administrator Arnel Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Batay sa impormasyon, dumating si Jinky Solitorio (minaltratong OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong nakalipas na araw sakay ng Philippine Airlines flight 683 mula sa Dammam, Saudi Arabia. Ayon sa salaysay ni Jinky, nangyari ang insidente noong Hulyo 17, 2022 makaraang sumpungin ang ang ina ng kanyang amo nang hindi maka-inom ng…

Read More

14th MONTH PAY GAGAWING MANDATO

MAKARAANG hindi maaprubahan noong nakaraang Kongreso, muling inihain ng isang mambabatas sa Kamara ang panukalang batas na gawing mandato ang 14th month pay sa gobyerno at pribadong sektor. Katuwiran ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa kanyang House Bill (HB) 520 o “14th Month Pay Law”, lalong sisipagin ang mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor kapag nagkaroon ang mga ito ng karagdagang bonus at insentibo. Bukod dito, pagkilala rin aniya ito sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pag-usad ng ekonomiya dahil kung wala ang mga ito ay hindi magtatagumpay ang isang…

Read More

TAAL NIYANIG NG 3 LINDOL

MULING nagpapahiwatig ng posibleng pag-aalburoto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala kahapon ng umaga ng tatlong pagyanig ng lupa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa kalatas ng Phivolcs, sinabi ng ahensya na nananatiling banta ang naturang bulkang huling sumabog nito lamang nakaraang Marso. Sa kabila ng mga naitalang pagyanig at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan, nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal. Sa ilalim ng Alert Level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone (PDZ) at maging ang paglalayag…

Read More

3 ISINABIT SA DOLORES EX-VICE MAYOR SLAY

QUEZON – Tatlo katao ang isinangkot sa pag-ambush sa dating vice mayor ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa San Pablo City. Ayon kay Col. Joewei Lucas, hepe ng San Pablo City Police, sinampahan ng kasong murder sa Office of the City Prosecutor ng San Pablo City noong Agosto 3 sina William Panganiban, 51; Orlando Ragudo, 43, at Rolando Risona, 44-anyos. Sina Ragudo at Risona ang itinuturong gunmen, samantalang si Panganiban naman ang siya umanong nagmamaneho sa sinasakyang kotse ng mga ito nang tambangan si dating Vice Mayor Danilo Amat. Ang mga…

Read More