UMAKYAT sa 544 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila noong Enero 2, 2022. Mas mataas ang naturang bilang sa naitalang 435 aktibong kaso noong Enero 1 at 312 aktibong kaso sa pagtatapos ng 2021 noong Disyembre 31. May pinakamataas na aktibong kaso ang Tondo 1 na may 179 kaso, kasunod ang Sampaloc na may 74, ikatlo ang Tondo 2 na may 66 kaso, ikaapat ang Sta. Mesa na may 45 kaso, at ikalima ang Sta. Cruz na may 38 aktibong kaso. Umabot na sa 93,444 ang kabuuang…
Read MoreCategory: METRO
PAGSELYO SA BORDERS IKINAKASA NG PNP-NCRPO
SINIMULAN nang tutukan ng PNP-National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga hangganan papasok at palabras ng Metro Manila matapos na ibalik sa ilalim ng Alert Level 3 ang buong Kalakhang Maynila nang muling tumaas ang naitalang COVID cases kasunod ng holiday season. Una nang inatasan nina PNP-NCRPO Director Police Major Vicente Danao at PNP Task Force COVID Shield P/Lt. Gen. Dickson, Deputy Chief for Operation, ang kanilang mga tauhan na pag-aralan ang gagawing implementasyon sa mas pinahigpit na public health and safety restriction. Nabatid pa na pumayag na rin ang Metro…
Read MoreRIOT SA MUNTI: 3 PATAY, 14 PA SUGATAN
TATLO katao ang kumpirmadong namatay habang 14 pang iba ang sugatan makaraang sumiklab ang riot sa pagitan ng dalawang magkatunggaling grupo sa New Bilibid Prison (NBP) facility sa lungsod ng Muntinlupa nitong araw ng Linggo. Hindi naman agad inilabas ni NBP Spokesperson Gabriel Chaclag ang pagkakakilanlan ng mga namatay at nasugatan sa sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at Commando Gang sa isang quadrant sa loob ng NBP compound. Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang nanunungkulang indibidwal mula sa…
Read MoreBIKTIMA NG PAPUTOK UMAKYAT SA 153
KUMPARA noong nakalipas na taon, mas dumami ang mga nagpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon sa kabila ng panawagan ng pamahalaan na umiwas dito, makaraang umakyat na sa 153 ang kabuuang indibidwal na nasabugan ng paputok, ayon sa Department of Health (DOH). Nabatid sa report ng DOH noong Enero 2, nadagdagan pa ng 68 ang bilang ng mga insidente ng mga naputukan. Mas mataas ang 153 kaso o 32 porsyento kumpara sa 116 kaso na naitala noong 2020. Pinakamarami ang naputukan sa Metro Manila na may 60 kaso o 39%, kasunod…
Read MoreBANK HACKING VICTIMS HINIKAYAT MAGREKLAMO
HINIKAYAT ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang mga biktima ng bank hacking na magreklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapag hindi agad naibalik ang perang ninakaw ng hackers sa kanilang deposit accounts. “The BSP has an administrative mechanism in place to provide remedy to aggrieved depositors who feel that they’ve been treated unfairly by their banks,” ayon sa mambabatas. Ginawa ni Defensor ang pahayag ng kasunod ng “blanket liability disclaimer” ng mga banko tulad ng Banco de Oro (BDO) na kamakailan lang ay napasok ng hackers ang kanilang computer…
Read MoreTALAAN NG MUCHO DINERONG LGUs INILABAS
MILYA-milya ang agwat ng lalawigan ng Cebu sa talaan ng pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, batay sa 2020 annual financial report na isinapubliko ng Commission on Audit (COA) kamakailan. Sa hanay ng mga lungsod, laglag naman sa ikalawang pwesto ang Makati City makaraang makapagtala ng mas malaking P421 bilyong net assets. Pinakamayamang munisipalidad naman ang Limay sa lalawigan ng Bataan. Sumunod naman sa Cebu na may P208.27 bilyong net assets ang mga lalawigan ng Batangas (P81.56B), Rizal (P20.97B), Davao de Oro (P18.75B), Bukidnon (P16.73B), Surigao del Norte (P13.19B), Isabela (P12.51B),…
Read MorePAGLOBO NG COVID SA CAMANAVA, PINANGANGAMBAHAN
PINANGANGAMBAHANG muling lumobo ang mga kaso ng COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa pagpasok ng Bagong Taon bunsod ng kaliwa’t kanang pagtitipon at pagwawalang-bahala ng mamamayan sa safety protocols, at tila senyales nito ang 25 nagpositibo sa virus sa Valenzuela City noong Disyembre 28. Batay sa huling update ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 42 ang active cases sa lungsod. Pumalo na sa 35,929 ang confirmed cases at 35,042 ang recovered matapos na may isang naitalagang gumaling, habang mapalad na hindi nadagdagan ang 845 na namatay. Samantala, ayon…
Read MorePOLICE VISIBILITY PAIIGTINGIN SA BAGONG TAON – NCRPO
PAIIGTINGIN pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang presensiya ng kanilang mga tauhan kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ipinag-utos ni NCRPO Director MGen. Vicente Danao Jr. ang pagpapaigting ng police visibility sa mga lansangan upang matiyak na nasusunod pa rin ang mga alituntunin sa paggamit ng mga paputok. Ito ay kasunod ng utos ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa mga local government unit hinggil sa firecracker ban lalo na sa mga lansangan. Ayon kay Gen, Danao, sa mga eskinita o maliliit na…
Read MoreP10K SRI NG GOV’T EMPLOYEES MALABO
DUDA ang isang kongresista na maibigay ng mga local government unit (LGUs) ang P10,000 Service Recognition Incentives (SRI) ng lahat ng mga empleyado ng gobyerno, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette. Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Ferdinand Gaite, maipatutupad lamang ang Administrative Order (AO) No. 45 kung bigyan ng national government ng karagdagang pondo ang LGUs na sinalanta ng bagyo. Base sa AO 45, inaatasan ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno kasama na ang local executives na bigyan ng P10,000 ang bawat empleyado ng mga ito…
Read More