NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagbabawal sa child marriage sa bansa. Ipinalabas ng Malakanyang nitong Huwebes ang kopya ng Republic Act 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violations Thereof” na nagpapakita na nilagdaan ito ng Pangulo noong Disyembre 10, 2021. Ang “child marriage” ay tumutukoy sa pagpapakasal ng dalawang menor de edad o ng isang batang edad 17 pababa nang may basbas ng simbahan o prosesong sibil, maging sa ano mang tradisyon o kultural na kaugalian.…
Read MoreCategory: METRO
Active cases 2,212 7 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
LIMA ang patay sa COVID-19 sa Navotas City noong Enero 5 at lumobo sa 439 ang active cases sa lungsod matapos na 77 ang nagpositibo sa virus at 10 naman ang gumaling. Pumalo na 18,106 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,105 na ang gumaling at 562 ang namatay. Isa naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City sa nasabing petsa at umakyat sa 822 ang active cases matapos na 334 ang nagpositibo sa virus habang apat lamang ang gumaling. Sumampa na…
Read MoreTELEMEDICINE SA NCR PALALAKASIN
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections. Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities. “Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos. “Mahirap…
Read More‘DI BAKUNADO SA QC BAWAL NANG GUMALA
NAGPASA ng ordinansa ang Quezon City Council na maglilimita sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado laban sa COVID-19, sa nasabing siyudad.Ang City Ordinance na aprubado na sa third at final reading ay ipinakilala nina Councilors Eric Medina, Franz Pumaren, Donny Matias, and Jun Ferrer, Jr. Ito ay ipinanukala matapos na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council ay nag-isyu ng Resolution No.22-01, series of 2022, na hinihikayat ang local government units na magpasa ng mga ordinansa na maghihigpit sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado.…
Read MoreQC RESIDENTS HAYAAN PUMILI NG BOOSTER BRAND – DEFENSOR
UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa local government units (LGUs) lalo na sa Quezon City, na hayaang pumili ang mga tao ng brand ng booster shot na gusto nila. Ayon sa mambabatas, may inilabas na ang Department of Health (DOH) na guidelines hinggil sa mix-and-match of primary jabs at booster shots na dapat sundin ng LGUs. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos madismaya sa Quezon City government dahil hindi sinasabi sa Vax Easy registration system ng lungsod kung anong brand ng bakuna ang ibinibigay ng mga ito sa…
Read MoreID, VAX CARD LAGING DALHIN
PINAALALAHANAN ng MMDA ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon ng random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang NCR at ilang lugar sa bansa. “Titingnan po ito sa lahat ng mga gusali sa papasok ‘no, random po ito at of course makikipag-ugnayan tayo sa mga kapulisan to make sure that we are really serious on this,” ayon kay Abalos. Tiniyak din niya na makikipagtulungan ang…
Read MoreKAMARA, 1 WEEK LOCKDOWN
ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang Batasan Pambansa Complex upang maiwasan na kumalat ang Omicron variant sa mga empleyado at miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza sa mga kagawad ng media kahapon. “We are currently under lockdown to prevent the spread of the Omicron variant, to ensure the safety of our members and House secretariat and employees. We will resume operations next week,” ani Mendoza. Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng mga impormasyon na mahigit 50 empleyado ng Kamara…
Read MorePNP CHIEF SAPUL SA COVID
HINDI pa man nagtatagal sa pwesto, pansamantalang liliban muna sa kanyang pwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Dionardo Carlos makaraang magpositibo sa nakamamatay na COVID-19. Sa isang pahayag, kinumpirma mismo ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang kinasadlakan ng pambansang hepe ng pulisya at maging ng kanyang security aide, staff at isang kasambahay na pawang nagpositibo sa COVID-19 batay sa resulta ng isinagawang RT-PCR test. Boluntaryo namang nag self-quarantine si PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Joselito Vera Cruz na aminadong na-expose sa isa…
Read MoreQUARANTINE VIOLATORS IKULONG – YAP
DAPAT ikulong o parusahan ang sinomang hindi sumunod sa quarantine protocols pagdating sa bansa. Ito ang panawagan ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap sa mga awtoridad matapos mapabalita ang pagtakas sa quarantine ng dalawang biyahero na dumating sa bansa. “Parang hindi yata siniseryoso nitong mga dumarating na pasahero itong ating quarantine protocols,” ani Yap. Sinabi ni Yap, “si Poblacion girl nag-party at nakahawa. Yung isa naman tumakas para magpamasahe.” “Dapat masampolan ang mga ito para hindi pamarisan. Kung kailangan ikulong, so be it para hindi makahawa,” anang mambabatas.…
Read More