Oplan Sita, ginawang Oplan Kita MAJOR, 5 PULIS ARESTADO

NAHAHARAP sa patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang anim na pulis-Pasay, kabilang ang isang major, makaraang ipaaresto mismo ng hepe ng pulisya kaugnay ng ini-release na Chinese national na una na nilang dinakip. Ani Pasay City Police chief, Colonel Cesar Paday-os, sibak na sa pwesto bilang sub-station police chief si Major Crisanto Racoma ng Pasay City MOA Sub-Station, kasama ang lima pang ibang naging bahagi ng isinagawang Oplan Sita noong n Oktubre 2. Kinilala naman ang lima pang kasamang inaresto na sina Lt. Noelson Garcera, Sgt. Johnvir Tagacay, Cpl. Jayson…

Read More

43K NEGOSYO SA QC MAY SAFETY SEAL NA

NAPATUNAYAN ang bisa ng paghihigpit ng Quezon City government sa mga negosyanteng pasaway, kaugnay ng pinakahuling datos kung saan lumalabas na higit ng mas marami ang sumusunod sa mga alituntuning itinakda ng gobyerno sa gitna ng patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19. Sa tala ng pamahalaang lungsod, lumalabas na 43,332 na establisimyento sa nasabing lungsod ang ginawaran na ng safety seals bilang patunay ng pagsunod sa health and safety protocols na magkatuwang na inilatag ng ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), mga local…

Read More

BI sa mga Pinoy-foreigner couple TIIS PA MORE

KONTING tiis pa at magkakapiling muli ang mga Pinoy na may kabiyak o karelasyong dayuhan. Pagtiyak ito ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng pinaiiral na panuntunan sa pagbabawal makapasok sa bansa ang mga banyaga dulot ng COVID-19. “May malaking epekto ang travel ban sa mga hindi pa ikinakasal na couple at sa kanilang pamilya. Marami ang kailangang magtiis habang may pandemya na wala ang kanilang mahal sa buhay. Naririnig namin kayo at naiintindihan namin ang hirap ninyo,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente. Tugon ito ng BI sa ‘global…

Read More

7 ARMADO NASABAT SA QUIAPO

BLANGKO pa ang Manila Police District sa pakay ng pitong indibidwal na nasita makaraang madiskubre sa kanilang sasakyan ang matataas na kalibre ng baril habang nakaparada sa Quiapo, Manila, kamakailan. Ang mga suspek na sina Policarpio Magbanwa Jr., 48; Mark Abion, 37; Arnel Poso, 44; Alex Aniñon, 45; Marlou Sanghilan, 37; Leonardo Aguilar, 37 at Elmer Gawat, 38, ay nasukol bandang 12:58 ng tanghali nitong nakaraang Oktubre 5 habang lulan ng tatlong sasakyan na nakaparada sa panulukan ng Rizal Avenue at Carriedo, Quiapo, base sa ulat kay P/Lt. Col. John…

Read More

VENDOR ITINUMBA SA PALENGKE

PATAY ang isang vendor matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City nitong Huwebes ng madaling araw. Agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48, residente ng S. Pascual St., Brgy. San Agustin. Ayon sa report nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-3:09 ng madaling araw, abala ang biktima sa paghahanda ng kanyang mga panindang manok sa Mike…

Read More

Pananalasa ng COVID patuloy MALABON, NAVOTAS TIG-ISA NG NATODAS

ISA ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 6, habang 40 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 20,774 ang positive cases sa lungsod, 361 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Bayan-bayanan (4), Catmon (9), Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Panghulo (1), Potrero (2), Santulan (7), Tinajeros (4), Tonsuya (7), at Tugatog (3). Sa kabilang banda, 34 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Bayan-bayanan (1), Hulong Duhat (1),…

Read More

5 DRUG SUSPECTS NABITAG SA QC

TINATAYANG aabot sa halagang P102,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Galas Police Station (PS-11) at Holy Spirit Police Station (PS-14) ng Quezon City Police District habang limang drug suspect ang nadakip sa magkahiwalay na anti-drugs operation sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni PS-11 commander, P/Lt. Col. Von June Nuyda, ang mga arestado sa unang operasyon na sina Jeff Orge, 22; John Lloyd Angelo Delos Reyes, 21, at Mark Joseph Escoto, 24-anyos. Ang tatlong suspek ay naaresto bandang alas-10:15 noong Miyerkoles ng gabi sa Bayani St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City. Nakumpiska sa tatlong suspek…

Read More

MAG-AMA PATAY SA PAMAMARIL

LAGUNA – Patay ang isang lalaki at nadamay ang 6-anyos nitong anak na babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang maliit na dampa sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Arnold Bustarga, 34, at anak nitong Ayesha Denise. Batay sa report, bandang alas-10:00 ng gabi, magkatabing natutulog ang mag-ama nang pitong beses na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek si Bustarga ngunit nahagip din ng mga bala ang anak ng biktima. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang mag-ama habang mabilis na…

Read More

27 TULAK NASAKOTE SA CAVITE

cavite

CAVITE – Umabot sa 27 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng alas-12:30 noong Lunes ng hapon hanggang alas-2:30 ng madaling araw noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa limang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite. Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang ng tulak ng ilegal na droga na inaresto ang Lungsod ng Dasmariñas, 6;…

Read More