CASSANDRA ONG HINDI PA NAKALALABAS NG PH

NASA Pilipinas pa rin si Cassandra Li Ong, ang dokumentadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm Lucky South 99, matapos itong makalabas ng Correctional Institution for Women (CIW). Si Ong ay hinatulan ng life imprisonment sa kasong human trafficking at iba pang transnational crimes. “Actually, humingi po tayo ng response mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang sabi po ay …sa kasalukuyan, base sa kanilang records ay nasa Pilipinas pa po si Ms. Cassandra Ong at patuloy pa rin po ang paghahanap sa…

Read More

GOITIA: MATATAG NA PANININDIGAN NG PILIPINAS, SANDIGAN NG KATATAGAN SA REHIYON

NAGLATAG ng malinaw na paalala ang bagong ulat mula sa isang kilalang international think tank na sa gitna ng agresibong ambisyon ng Tsina, ang Pilipinas ay hindi lang nagtatanggol ng teritoryo — nagtatanggol tayo ng prinsipyo. Ipinakita sa ulat na ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea ay higit pa sa territorial claim. Ito ay mahalagang ambag sa pagpapanatili ng pandaigdigang kaayusan at paggalang sa batas. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tindig ng Pilipinas “ay dapat nakabatay sa batas, katotohanan, at dangal ng sambayanang Pilipino…

Read More

TIANGCO NAIS MAPALAKAS ANG ICI; TAUMBAYAN DUDA KAY BERNARDO

MULING iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na pangil ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para maimbestigahan at mapakulong ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, makatutulong ang kanyang House Bill No. 5699 para gawing mas mabilis at epektibo ang mga imbestigasyon ng ICI at pagsampa ng mga kaukulang kaso. Batay sa panukala, ang ICI ay gagawing Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) at bibigyan ng kapangyarihang magsampa ng kaso, mag-isyu ng subpoenas, hold…

Read More

Para agad ma-locate – Remulla PICTURE NI ZALDY CO IPOST SA SOCIAL MEDIA

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa na agad na ipagbigay-alam sa pamahalaan kung makita nila si Zaldy Co. “Hiling ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo: kung makita ninyo si Zaldy Co, piktyuran ninyo, ipadala agad, i-post agad sa internet para may ideya ang gobyerno kung nasaan siya,” saad ni Remulla sa press briefing sa Malacañang. Ayon sa kalihim, pinaniniwalaang nasa Portugal ang dating Ako Bicol representative at posibleng may hawak na Portuguese…

Read More

Inton: anti-corruption o pulitika sa 2028? RESIGN SARA MUNA NG AKBAYAN KADUDA-DUDA

NAGPAHAYAG ng pagdududa ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pahayag kamakailan ng isa sa mga lumahok sa Nov. 30 anti-corruption rally na pumapabor pagbitiwin muna sa pwesto si Vice President Sara Duterte bago hingin ang pagbaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, na sa isang panayam ng True FM kay AKBAYAN President Rafaela David ay kinumpirma nitong tatanggapin nila ang mga nagnanais makiisa sa kilos protesta kahit “VP SARA RESIGN” ang panawagan ng mga ito at nirerespeto rin nila ang…

Read More

KOORDINASYON, KAHANDAAN NG PNP NASUBUKAN SA TRILLION PESO MARCH

IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at mataas na antas ng kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang organisadong puwersang may malinaw na direktiba at mabilis na tugon. Sa Command Center, tutok ang mga opisyal sa real-time updates mula sa CCTV feeds at ground units na nakapwesto sa pangunahing lugar ng pagkilos. Tahimik ngunit masinsinan ang operasyon, na sinabayan ng mabilis na pag-aayos ng deployment at pagpapalitan ng impormasyon. Pinangunahan ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio…

Read More

Habang hindi available coast guard hospital HEALTH CARD PARA SA PCG PERSONNEL ISINULONG NI ERWIN TULFO

NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo na pondohan ang pagbibigay ng health insurance at health card para sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo para sa bansa, lalo na ang mga nakatalaga upang pangalagaan ang West Philippine Sea (WPS). Iminungkahi ito ni Tulfo sa plenary deliberations ng Senado para sa 2026 budget ng PCG, matapos niyang binigyang-diin ang pangangailangan para sa mas pinalakas na medical benefits para sa mga tauhan ng PCG habang hinihintay ang pagkumpleto ng Philippine Coast Guard General Hospital, na…

Read More

BAHAGI NG SENADO NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang bahagi ng gusali ng Senado kahapon ng umaga. Ayon kay Senate President Tito Sotto, agad namang naapula ang apoy sa Legislative Technical Affairs Bureau na nagsimula alas-6:30 ng umaga. Dakong 7:43 ng umaga ay idineklarang under control ang sunog bago idineklarang fire out alas-8:50 ng umaga. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at sinusukat ang lawak ng pinsala. Nagkaroon naman ng tagas patungo sa Session Hall mula sa naapektuhang palapag. Tiniyak naman ni Sotto na ligtas at hindi naapektuhan ang lahat…

Read More

2ND ROUND NG SUBASTA SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS ITINAKDA

INIHAYAG ng Bureau of Custom na magkakaroon ng ikalawang round ng public auction para sa mga luxury vehicle na nasamsam mula sa mag-asawang contractor na sina Pacifico at Cezarah Discaya, na inaakusahang sangkot sa multi billion flood control scandal. Sa inilabas na anunsyo ng BOC, itinakda ang 2nd round ng public auction sa Disyembre 5, sa pamamagitan ng sealed bidding para sa high-end vehicles simula alas-10 ng umaga sa BOC main office sa Port Area, Manila. Isasailalim sa auction ang tig-iisang unit ng 2022 Toyota Tundra, 2023 Toyota Sequoia, 2023…

Read More