De Lima sa kaso ni Du30 sa ICC: WHEELS OF JUSTICE GUMULONG NA

IKINATUWA ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pag-usad ng kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). “This serves as a milestone in the process of exacting accountability for the crimes committed in Davao City by the DDS and during the drug war all over the Philippines,” ani De Lima, na matagal nang tinig ng oposisyon laban kay Duterte. Noong Setyembre 22, pormal nang isinapubliko ng ICC ang mga kasong isinampa laban kay Duterte: murder sa Davao City kung…

Read More

PALIT-LIDER, PALIT-TAO SA KAMARA: VELASCO OUT, GARAFIL IN

TINANGGAL na rin sa puwesto ang Secretary General ng Kamara na si Reginald Velasco matapos magbitiw bilang Speaker si Leyte Rep. Martin Romualdez noong nakaraang linggo. Sa plenaryo kahapon, idineklara ni Deputy Speaker Janette Garin na bakante ang posisyon matapos hilingin ni House majority leader Sandro Marcos. Walang tumutol sa mga kongresista kaya agad itong inaprubahan. Kasunod nito, inirekomenda ni Marcos si dating PCO Secretary Atty. Cheloy Garafil bilang bagong Secretary General. Tulad ng inaasahan, wala ring kumontra at agad na inihalal si Garafil. Matapos ang botohan, nanumpa si Garafil…

Read More

CANCER OF CORRUPTION, WAKASAN NA – FIL-CHI BUSINESS LEADERS

NANAWAGAN ang mga negosyante mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa gobyerno, pribadong sektor, at mamamayang Pilipino na sama-samang wakasan ang tinawag nilang “cancer of corruption” na matagal nang sumisira sa pundasyon ng bansa. Ayon sa FFCCCII, hindi sapat na kasuhan lang ang mga tiwaling opisyal dahil reactive lang ito. Dapat daw buwagin ang buong sistema na nagpapalago sa korapsyon sa pamamagitan ng radical transparency, efficiency, at ruthless accountability. “Hindi ito krimeng walang biktima. Ang katiwalian ay isang matinding pagtataksil—isang pagnanakaw mula sa…

Read More

129 PULIS SUGATAN, 113 KATAO HINULI SA MANILA CHAOS

INARESTO ng Manila Police District (MPD) ang 113 katao sa naganap na magulong protesta nitong Linggo sa iba’t ibang bahagi ng Maynila. Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines, nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha ng mga sumingit at nanggulo sa rally. Sa mga dinampot, 65 ay nasa hustong gulang habang 48 ang menor de edad na agad na dinala sa Manila Social Welfare Department. Patong-patong na kaso ang kahaharapin nila kabilang ang illegal public assembly, resistance and disobedience, assault, malicious mischief, serious physical injuries, at arson. Nasa…

Read More

MGA EBIDENSYA NI HERNANDEZ POSIBLENG IPASA NG SENADO SA ICI

TINIYAK ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na daraan sa tamang proseso ang chain of custody sa mga dokumento, computer at iba pang nakuhang bagay ni Engineer Brice Hernandez na posibleng sumuporta sa kanyang mga pahayag sa anomalya sa flood control projects. Kaugnay nito, itinakda ni Lacson ngayong Martes, September 22, alas-9 ng umaga ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee dahil sa mga bagong developments. Matatandaang pinayagan ng Senado na lumabas nitong Sabado si Hernandez upang kumalap ng mga ebidensya. Iginiit ni Lacson na kung may…

Read More

MGA KONGRESISTA PINAGLALANTAD NG SALN

INATASAN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang lahat ng kongresista na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Kongreso. Sa ambush interview sa Kamara, iginiit ni Dy na hindi lang mga mambabatas ang dapat maglabas ng SALN kundi pati na rin ang mga opisyales at empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. “Sa ngayon, kailangan talagang makita ng taumbayan ang SALN ng bawat isa,” ani Dy. Huling nailabas ang SALN ng mga kongresista noong 2020. Tumigil ang…

Read More

PAGKABIGO NG KAGULUHAN TAGUMPAY NG DIWA NG PILIPINO – GOITIA

NAGKAGULO sa Mendiola nitong Setyembre 21 matapos umatake ang mga nakamaskarang raliyista na nanghagis ng bato, bote, at pampasabog laban sa mga pulis. Maraming pulis ang nasugatan at ilang ari-arian ang nawasak. Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw na hindi ito protesta kundi krimen. “Hindi sila repormista kundi bayarang tao na layong manggulo lang,” buwelta ni Goitia. “Hindi hustisya ang habol nila kundi ang pabagsakin ang nakaupong Pangulo. Pero bagsak ang plano nila — hindi sila nagtagumpay.” Mariing kinondena ni Goitia ang karahasan at iginiit na malinaw…

Read More

ICI HEARING SA FLOOD CONTROL ANOMALY PINASASAPUBLIKO

IGINIIT ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na dapat gawing public hearing ang pag-iimbestiga ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects. Ayon kay Diokno, mahalaga ito para hindi magduda ang taumbayan na baka may cover-up o whitewash na nagaganap. Ginawa ng kongresista ang panawagan matapos lumabas na hindi bukas sa publiko ang pagdinig ng ICI—kabilang na ang naging pagharap kamakailan nina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez ng Bulacan First District Engineering Office. “Ang panawagan natin…

Read More

SUNDAY PROTEST WARNING SA MGA OPISYAL NG GOBYERNO – SEN. E. TULFO

“LOUD and clear! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”. Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City. “That they (people) are watching and they are tired of corruption,” dagdag pa ng mambabatas. Aniya, “mensahe ng sambayanan ito sa gobyerno na shape up or we will take control”. Libo-libo ang dumalo sa nasabing protesta sa Maynila at Quezon City upang kondenahin ang pagnanakaw…

Read More