BINIGYAN ng isa pang pagkakataon ang pitong opisyales sa Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa umano’y mismanagement sa confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte. Sa ikaapat na pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, inirekomenda ni Abang Lingkod Joseph Stephen Paduano na muling padalhan ng imbitasyon ang mga tauhan ni Duterte bilang pagsunod sa 3-day rule o kailangang matanggap ng mga resource persons ang invitation tatlong araw bago ang pagdinig.…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PALUSOT NI BBM SA PAGBAHA ‘DI KATANGGAP-TANGGAP
(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng isang dating mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ginagamit nitong palusot ang climate change para pagtakpan ang kanilang pagpapabaya kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Kristine. Naniniwala si dating Bayan Muna party-list rep. Neri na nauubusan na ng dahilan si Marcos kaya ginagamit na nito ang climate change dahil bukod sa nagpabaya ang kanyang administrasyon ay hindi agad nasaklolohan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng pagbaha. “The administration cannot simply hide behind climate change rhetoric while our people suffer from…
Read MorePROTOCOL PLATE NUMBER 7 SA NAG-VIRAL NA SUV, PEKE
PEKE ang protocol plate nunber 7 na nakakabit sa nag-viral na SUV makaraang pumasok sa Edsa bus lane, nitong Linggo. Ito, ayon kay Senate President Chiz Escudero ang kinumpirma ng Land Transportation Office sa kanya. Una na ring nagpahayag ng pagdududa si Escudero sa pagiging lehitimo ng protocol plate dahil mayroon itong iba pang markings tulad ng taon o petsa. Ang iniisyu anyang protocol plate sa mga senador ay walang ibang markings. Iginiit naman ni Escudero na hindi dapat magtapos dito ang isyu dahil kailangang matukoy ng LTO kung sino…
Read MoreFORCE EVAC PINAKAKASA SA MGA TATAMAAN NG BAGYONG MARCE
IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibidwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce. “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-force evacuation sa mga lugar na hindi maaabot ng ating mga pwersa,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. “Normally ang ating kapulisan at ang armed forces ay nagbibigay ng saklolo. Ang hindi po maaabot ay pinag-eevacuate na…
Read MoreMARCOS JR. IWAS SA USAPING DROGA
TUMANGGING magbigay ng kanyang komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa naging pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs. Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa naging rebelasyon ni Duterte sa isinagawang pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa…
Read MoreMarcos nasukol, napaamin BILYONG FLOOD CONTROL WA EPEK
(CHRISTIAN DALE) MISTULANG nasukol at napaamin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nawalan ng silbi ang mga ipinagmalaki niyang flood control projects sa nagdaang Bagyong Kristine. Sa isang ambush interview sa Laurel, Batangas nitong Lunes, tinukoy ni Pangulong Marcos ang flood control projects ng bansa ay ”overwhelmed” sa pagbuhos ng malakas na ulan. Aniya ang naturang malawakang pagbaha ay hindi nangyari noon. ‘Hindi talaga kaya dahil sa buong kasaysayan ng Pilipinas wala pang ganito, ngayon lang natin haharapin ito. Kaya dapat maunawaan talaga ng tao, hindi lamang ‘yung budget kung…
Read MoreSa pagsisimula ng COC filing PWERSA NG PNP, AFP SA BARMM DINAGDAGAN
OPISYAL na pinasimulan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ang filing ng certificates of candidacy (COCs) para sa kauna-unahang parliamentary elections para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tatagal hanggang Nobyembre 9, 2024. Ito ay sa likod ng banta na may mga nagbabalak na maghain ng panukala sa Kongreso para ipatigil ito. Ayon kay Comelec chair George Erwin Garcia, nagtungo siya sa Cotabato para ipakita na hindi nagpapaapekto ang Komisyon sa mga maaaring i-file na panukalang batas ng pagpapaliban ng Bangsamoro parliamentary election dahil hangga’t wala aniyang…
Read MoreGood news sa mga adik? TOKHANG AT DRUG LIST IPAGBABAWAL NA
IPAGBABAWAL na sa mga pulis ang pagtokhang at pagkakaroon ng tinatawag na drug list sa mga taong nalululong sa ilegal na droga kapag naging batas ang isang panukala na inihain kahapon sa Kamara. Sa House Bill (HB) 11004 na tatawaging “Kian Bill”, na iniakda ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña, isinusulong nito na ang pagkakaroon ng makataong solusyon sa problema sa ilegal na droga. Ang nasabing panukala ay isinunod sa pangalan ng 17-anyos na si Kian delos Santos na pinatay ng tatlong pulis sa Caloocan City noong 2017 na kalaunan…
Read MoreBalwarte pa rin ng mga Duterte RATINGS NI MARCOS SA MINDANAO TULOY SA PAGBULUSOK
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGTALA ng pagbaba sa trust rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) at OCTA Research. Nakita ang pagbaba ng rating ni Marcos sa Mindanao kung saan naman nakakuha si Vice President Sara Duterte ng mataas na marka. Base rito, lumakas ang paniwala ng marami na dominante pa rin ng mga Duterte ang parteng Mindanao. Sa non-commissioned survey ng OCTA na inilabas noong Huwebes, nasa 69% ng adult Filipinos ang nagtitiwala kay Marcos, na dalawang porsiyentong mas mababa sa nakuha…
Read More