15% LANG PASADO SA CIVIL SERVICE ELIGIBILITY TEST – CSC

MAHIGIT labinlimang porsyento (15%) lamang ng mga kumuha ng Civil Service Examination (CSE) ang pumasa, ayon sa Civil Service Commission (CSC). Sa inilabas na anunsyo ng komisyon kahapon, 50,096 sa kabuuang 302,028 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 10, 2025 sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa datos ng CSC, 45,730 o 15.14% ang pumasa sa Professional Level, habang 4,366 lamang sa 29,647 examinees ang pumasa sa Subprofessional Level. “We congratulate all passers of the August 2025 examinations.…

Read More

P695-B ‘PORK’ PASOK PA RIN SA 2026 BUDGET

DAAN-DAANG bilyong piso umano ng pork barrel ang nakasiksik pa rin sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ayon sa Makabayan bloc. Dahil dito, bumoto ng “no” sa House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill ang tatlong kongresista mula sa grupo — sina Act Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Co, at Gabriela Rep. Sarah Elago. “This is not reform. This is the consolidation of a corrupt system that enriches the political elite while millions of Filipinos lack classrooms, hospitals, decent housing,…

Read More

LIBRE NA LIBING SA MAHIHIRAP

LIBRE na ang libing ng mahihirap na Pilipino matapos awtomatikong maging batas ang “Free Funeral Services Act” o Republic Act No. 12309, kahit walang pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nag-“lapse into law” ang nasabing panukala noong Setyembre 28, 2025, ibig sabihin ay naging ganap na batas kahit hindi nilagdaan ng Pangulo. Sa ilalim ng RA 12309, obligado na ang gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong libing sa mga pamilyang itinuturing na “in crisis situation” — kabilang ang mga mahihirap,…

Read More

PUBLIKO INABISUHAN SA PAGKALAT NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS

NAGBABALA ang Muntinlupa City Health Office (CHO) sa publiko hinggil sa influenza-like illness (ILI), isa sa mga pangunahing dahilan ng pagsuspinde ng klase ngayong Oktubre 13 at 14 sa National Capital Region (NCR). Ayon sa World Health Organization (WHO), ang ILI ay isang acute respiratory illness na may lagnat na higit o katumbas ng 38°C at ubo, na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw. Sa inilabas na advisory, ipinaliwanag ng Muntinlupa CHO na madaling kumalat ang ILI mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng hangin (ubo o…

Read More

PAGPATAY SA EX-NIA EMPLOYEE INIUUGNAY SA NILANTAD NA KORUPSYON

NANINIWALA si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na may kinalaman sa katiwalian sa National Irrigation Administration (NIA) ang pagpaslang sa dating empleyado nitong si Niruh Kyle Antatico, 40-anyos, na binaril ng motorcycle-riding gunmen sa Cagayan de Oro City noong Biyernes, Oktubre 10. “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Kyle Antatico, isang matapang na boses laban sa korapsyon,” pahayag ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Food and Agriculture. “Bawat araw na walang nananagot, lalong nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa pamahalaan.” Ayon sa senador, hindi dapat manahimik ang mga otoridad sa harap…

Read More

Solon sa pagtapyas sa pondo ng OVP: BULLY SI VP SARA

KUNG may bully umano sa isyu ng pagtapyas ng Kamara sa pondo ng Office of the Vice President (OVP), hindi ito ang Kongreso kundi mismo si Vice President Sara Duterte, ayon kay Akbayan Rep. Perci Cendaña. Tugon ito ni Cendaña sa pahayag ni Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Rep. Harold Duterte, pinsan ng bise presidente, na tinawag na “bullying disguised as governance” ang ginawang pagbawas ng Kamara sa budget ng OVP. “Linawin natin kung sino ang bully dito. Siya ang nagsabi ng ‘ay di ako pupunta d’yan kung walang masunod…

Read More

CIA IDINAWIT NI PULONG SA ‘KIDNAPPING’ KAY DU30

IDINAWIT ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos sa aniya’y kidnapping ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pananalita noong isang linggo, sinabi ng batang Duterte na mananagot ang mga sangkot sa kidnapping ng ama matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang interim release ni Du30 kaya mananatili ito sa kulungan sa The Hague, Netherlands. “This decision is a gross and disgraceful miscarriage of justice. It is not law — it is a political theater,” ayon sa mambabatas na…

Read More

Sa P243.2-B unprogrammed funds ‘PORK FIESTA’ SA MARCOS ADMIN TULOY SA 2026

TULOY ang “pista” ng gobyernong Marcos Jr. sa pork barrel sa susunod na taon matapos tablahin ng liderato ng Mababang Kapulungan ang panukala ng oposisyon na burahin sa 2026 national budget ang unprogrammed appropriations (UA) — o ang tinatawag na “pork fund” ng mga makapangyarihan. Ngayong araw, Oktubre 13, inaasahang isasalang sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4058 o 2026 House General Appropriations Bill (HGAB) matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa nitong Biyernes. Natalo sa viva voce voting ang oposisyon — kabilang ang Makabayan bloc at Liberal Party…

Read More

DOF, DBM PAG-AARALAN MUNA ‘TAX HOLIDAY’ NI TULFO

KAILANGANG pag-aralang mabuti ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang panukala ni Senator Erwin Tulfo na isang buwang income tax holiday para sa mga manggagawa — kasabay ng isyu ng multi-bilyong “ghost flood control projects” ng gobyerno. Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, malaking usapin ang panukala at dapat itong pag-aralan nang mabuti bago magbigay ng anumang pahayag. “This is quite a big matter. It’s best to give the DOF and DBM time to carefully study…

Read More