VLOGGERS, SOCIAL MEDIA USERs NAGHAHASIK NG TAKOT

ISINISI sa mga iresponsableng vlogger at social media users’ ang pagkatakot ng mamamayan sa kanilang seguridad dahil sa mga maling impormasyon na ikinakalat umano ng mga ito hinggil sa kriminalidad sa Pilipinas. Ayon kay House assistant majority leader Jil Bongalon, malinaw sa datos ng Philippine National Police (PNP) na bumababa ang crime rates sa Pilipinas subalit tumitindi ang takot ng mga tao dahil sa mga maling impormasyon na kinakalat ng mga iresponsableng vloggers at ibinabahagi naman ng ibang social media users. “Ang daming nagbabahagi ng videos o kwento na walang…

Read More

OPLAN BAKLAS IKINASA NG COMELEC VS PASAWAY NA CAMPAIGN MATERIALS

SA pagsisimula ng kampanya sa lokal na posisyon nitong Marso 28, ang Commission on Elections naman ay nagsagawa ng Oplan Baklas o ang pagtanggal ng campaign materials na lumabag sa mga patakaran. Pinangunahan ito ni Comelec Chairman George Garcia, at ng mga kinatawan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at EcoWaste Coalition. Ayon kay Garcia, marami pa ring mga pasaway na naglalagay ng campaign materials sa mga hindi designated area. Pinuna ni Garcia ang mga kandidato na sana bago nagsimula ang pag-arangkada ng local campaign ay pinatanggal na ang…

Read More

AQUINO TOP 3 NA SA PUBLICUS SURVEY

NAKAPAGTALA si dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ng malaking pag-angat sa pinakabagong Publicus Asia senatorial survey, matapos umakyat mula sa ika-12 puwesto noong nakaraang taon patungo sa 3rd-4th positions. Mula 27 porsiyento sa 2024 fourth quarter survey, nadagdagan si Aquino ng anim na puntos patungong 33 porsiyento sa 2025 first quarter poll ng Publicus. Dahil sa pagtaas na ito, nakapasok si Aquino sa Top 5 ng naturang survey, na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20 na nilahukan ng 1,500 respondents. Kapag nakabalik sa Senado, balak ni Aquino…

Read More

MAGKAKAGULO ‘PAG NAMATAY SI DIGONG SA THE NETHERLANDS – PANELO

PINANGANGAMBAHAN ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na mag-aklas ang taumbayan at maging hudyat ng madugong kaguluhan sakaling sa The Hague, Netherlands abutan ng kamatayan si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Ermita, Manila walang nakikitang masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang planong no remittance week ng OFW na supporters ng pamilya Duterte. Mas dapat umanong katakutan ang posibleng madugong resulta dahil kalusugan ni PRRD ang nakataya sa pagmamatigas ng gobyerno na huwag itong iuwi ng…

Read More

VP SARA LALONG NADIDIIN SA HINDI PAGSAGOT SA CIF ISSUE

LALONG nadidiin sa kasong ‘betrayal of public trust’ si Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy nitong pagtanggi na sagutin at ipaliwanag ang mga kwestiyonableng paggasta ng kanyang confidential and intelligence funds (CIF) noong 2022 hanggang 2023, partikular na sa isyu ng mga lumitaw na pangalang nakatanggap ng pondo at pinagdududahang gawa-gawa lamang. Deklarasyon ito ng isa sa 11 House prosecution panel na si House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor kaugnay ng patuloy na pagbabalewala ni VP Duterte sa mga inimbentong pangalan na naging recipient umano ng kanyang CIF sa…

Read More

ANOMALYA SA ESC PROGRAM NG DEPED IIMBESTIGAHAN

NAGKASA ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa natuklasan ng bagong liderato ng Department of Education (DepEd) na anomalya sa education service contracting (ESC) program sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE). Base sa House Resolution (HR) 2252 na inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, inaatasan nito ang mga kaukulang komite sa Kamara partikular na ang House committee on basic education na imbestigahan ang programang ito sa anomalya. Kasunod ito ng pagsuspinde ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara sa may P200…

Read More

Political analysts: PAGBALIGTAD NI IMEE ‘DI NAKAKAGULAT, KAKAIBA

TINAWAG ng dalawang political analysts na hindi nakakagulat ngunit kakaiba ang desisyon ni Senadora Imee Marcos na kumalas sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon, at iginiit na ang desisyon ay isang desperadong hakbang para isalba ang kanyang re-election bid. Katwiran ni Marcos, kumalas siya dahil sa pagkakaiba nila ng posisyon ukol sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit sinabi ni Alan German, isang beteranong campaign political strategist, ang hakbang ni Marcos ay kaugnay ng kanyang bumabagsak na posisyon sa mga survey. “It is actually not surprising…

Read More

TRABAHO PARTY-LIST SUMAKSES SA MARCH 2025 SWS SURVEY

LALO pang umangat ang 106 TRABAHO Party-list batay sa pinakahuling Stratbase-SWS National Survey para sa 2025 midterm elections. Umakyat sa pwestong 22-23 na may 1.07% voter preference ang 106 TRABAHO Party-list ngayong Marso, mas mataas kumpara sa 0.96% noong Pebrero kung saan nasa ika-26 na pwesto ito. Kapansin-pansing malaki ang iniangat ng 106 TRABAHO Party-list subalit ika-54 hanggang 55 lamang ang grupo noong Disyembre 2024. Isinagawa ang survey noong March 15-20 sa 1,800 rehistradong botante mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Itinutulak ng 106 TRABAHO Party-list ang mga…

Read More

SOLON: SENADO HINDI PINI-PRESSURE SA HIRIT NA SUMMON KAY VP SARA

ITINANGGI ng isa sa House prosecutors sa Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na pine-pressure ng mga ito ang liderato ng Senado na magsisilbing Impeachment Court at huhusga sa pangalawang pinakamataas na lider ng bansa. We are not pressuring (ang Senate), we are doing our job. Sabi ko nga kanina, gusto rin namin mangampanya pero kami naman ang magkakaroon ng culpable violation of the Constitution ‘pag hindi namin ginawa ang aming tungkulin,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Ginawa ng mambabatas ang pahayag kaugnay ng kanilang inihaing mosyon sa…

Read More