KUMPIYANSA si Senador Panfilo Lacson na makukuha ng bansa ang kinakailangang hustisya kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects sa pamamagitan ng mga itinalagang chairman at miyembro ng Independent Commission for Infrastructure. Sinabi ni Lacson na good choice o mahusay ang pagkakapili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Supreme Court Justice Andres Reyes bilang chairman ng ICI. Kinumpirma ni Lacson na nakilala na niya si Reyes noong nasa Korte Suprema pa ito at kilala sa pagkakaroon ng integridad. Sa ilalim anya ng pamumuno ni Reyes sa ICI kasama…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Mula lolo hanggang apo bawal mangontrata FAMILY BUSINESS NG GOV’T OFFICIALS IBA-BAN SA GOVERNMENT PROJECTS
BAWAL na ang kontrata sa gobyerno para sa mga contractor na may kaanak na politiko at opisyal ng pamahalaan kapag naisabatas ang panukalang inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa ilalim ng House Bill 3661, pinalalawak ang pagbabawal sa mga contractor na may kaugnayan hanggang fourth degree of consanguinity o affinity—hindi lang magulang, anak, kapatid, tito, tita at pamangkin, kundi pati pinsan, apo sa pamangkin, at lolo’t lola sa tuhod ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi lamang sa…
Read MoreDepensa sa ‘pag-absent’ ni PBBM sa UNGA TRABAHO HINDI KALIWA’T KANANG PROTESTA – PALASYO
NILINAW ng Malakanyang na hindi ang mga nakatakdang protesta laban sa korupsyon sa Setyembre 21 ang dahilan kung bakit hindi makadadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 80th session ng UN General Assembly sa New York mula Setyembre 23–27. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, maraming lokal na isyu ang dapat tutukan ng Pangulo, kabilang na ang pagpapababa ng presyo ng bilihin at pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan. “Bilang presidente, maraming trabaho ang Pangulo,” aniya. Dagdag pa ni Castro, uunahin din ng Pangulo ang bagong tatag…
Read MoreSolon kay Marcos Jr: PAKINGGAN GALIT NG MAMAMAYAN
(BERNARD TAGUINOD) UMAPELA si Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbes sumama sa rally sa Linggo na itinaon sa anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ng kanyang amang si Ferdinand Sr., ay pakinggan na lamang ang hinaing ng taumbayan laban sa katiwalian at aksyunan ito. “We welcome the President’s expression of support. Pero hayaan niya itong platapormang ito ay para sa taumbayan. Galit na galit na po ang taumbayan. Nasa boiling na po ang galit ng taumbayan,” ani Cendaña. “Mas maganda sa araw na ito…
Read MoreHIGIT 2K PAMILYANG NASUNUGAN INAYUDAHAN NG MANILA LGU
KABUUANG 2,184 pamilyang nasunugan sa Aroma Temporary Housing, Happy Land sa Tondo, Maynila ang nabigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Dela Fuente, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at Vice Chi Atienza kasama ang iba pang kawani ng MDSW, ang pamamahagi ng tig-P15,000 bawat pamilya bilang agarang tulong para sa muling pagbangon ng mga naapektuhan ng malawakang sunog. Hindi lamang pinansyal ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod kundi gayundin ang ready-to-eat food boxes. Matagumpay na natapos ng MDSW…
Read MoreROMUALDEZ, CO ‘HINDI SAFE’ SA BILYONG INSERTIONS
HINDI ligtas kahit ang sariling pinsan-in-law ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si House Speaker Martin Romualdez, at mga kaalyado nito gaya ni dating House Appropriations Chair Zaldy Co, sa gagawing imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ayon sa Pangulo, malinaw ang mandato ng komisyon: “Walang sasantuhin.” “Well, there’s only one way to do it… they will not be spared. Wala tayong kinikilingan, wala tayong tinutulungan,” giit ni Marcos Jr. sa presscon sa Kalayaan Hall nitong Setyembre 15. Naiulat na sinisisi ni Navotas Rep. Toby Tiangco sina Romualdez at…
Read MoreTaumbayan kailangan na magkaisa MAGNANAKAW NG PERA NG BAYAN SINGILIN *Trillion Peso March sa Set. 21
(BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG tumindig na ang sambayanang Pilipino laban sa katiwalian dahil naging bisyo na umano ng ilan sa gobyerno ang pagnanakaw sa kaban ng bayan na naging dahilan ng patuloy na kahirapan sa bansa. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang pahayag habang naghahanda ang mga ito sa “Trillion Peso March” sa Setyembre 21, para ipanawagan na lahat ng sangkot sa “multi-trillion flood control corruption scandal” ay mapanagot. “Nailantad na ng paulit-ulit, nakasuhan na at nakulong pa ng makailang ulit ang iba, pero tila ginawa na talaga nilang…
Read MoreICI NI MARCOS KULANG SA BANGIS
NANGANGAMBA ang minorya sa Mababang Kapulungan na mababalewala lang ang imbestigasyon sa flood control anomaly dahil kulang umano sa kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa presscon kahapon, iginiit ng Liberal Party Bloc na ipasa ang kanilang House Bill 5543 na lilikha ng mas makapangyarihang komisyon. “Mahina,” matapang na banat ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima sa ICI na pamumunuan ni retired SC Justice Andres Reyes Jr., kasama sina ex-DPWH Sec. Babes Singson, SGV’s Rossana Fajardo, at adviser na…
Read MoreBARZAGA HINAMONG ILABAS EBIDENSYA VS ROMUALDEZ
HINAMON ng tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez na si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Dasmarinas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga na ilabas na ang kanyang ebidensya laban sa lider ng Kamara. “The issue now, kung siya ay may ebidensya eh bakit hindi niya ilabas?,” ani Barbers matapos igiit ni Barzaga na may personal siyang impormasyon na sangkot si Romualdez sa flood control projects kaya dapat itong isama sa mga iniimbestigahan. Ayon sa mambabatas, hindi dapat sa social media ang pagpapasaring ni Barzaga kundi maglabas…
Read More