HINDI sapat ang simpleng pagpapatalsik kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co bilang miyembro ng Kamara — dapat umano itong sampahan ng non-bailable case na plunder. Ito ang mariing pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco matapos ang pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa dating chairman ng House Committee on Appropriations sa House ethics committee. Lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nagbaba umano si Co ng P35 bilyong proyekto sa kanyang distrito sa Bulacan mula 2022, kung saan kinotahan umano ito ng 25% na komisyon, ayon kay…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Insertions sa budget pumalo sa P35.24-B P1-B KICKBACK IDINILIBER NG BGC BOYS KAY ZALDY CO
MULING humarap kahapon sa Senate Blue Ribbon committee hearing ang mga personalidad na iniuugnay sa flood control projects anomalies. (DANNY BACOLOD) (SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMABOT umano sa P1 bilyon ang perang dinala sa penthouse ni Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa Shangri-La Hotel, Taguig. Base ito sa alegasyon ng dalawang dating district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kabilang sa tinaguriang BGC boys sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23. Ayon kay Brice Hernandez, dating Bulacan 1st District Engineer, mahigit…
Read MorePROTEKSYON SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA PINALAKAS
MANILA — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 97 na layong tiyakin at palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na malayang bumuo ng unyon, sumali sa asosasyon, at makilahok sa mga lehitimong aktibidad nang walang pangamba ng harassment. Tinintahan nitong Lunes, in-adopt ng EO ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties at inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa, alinsunod sa Saligang Batas at international labor standards. Tugon ito sa rekomendasyon ng…
Read MoreSocmed post pinag-uusapan ZALDY CO MAS GUSTONG MAG-RESIGN KAYSA UMUWI
KUNG pagbabasehan ang kumakalat na social media post, walang balak bumalik sa bansa si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at kung pipilitin umano ay magre-resign na lang siya bilang kinatawan ng kanilang partido. “If you will force me to go back to Philippines I will resign… wag sana magmadali dahil uuwi ako at hindi ako tumatakbo dahil malinis ang konsensya ko,” ayon sa post na iniuugnay kay Co. Iginiit pa nito na nagpapagaling siya sa sakit na hindi umano kayang gamutin ng mga ospital sa Pilipinas. Tinangkang hingin ng…
Read MorePanawagan ng ilang celebrities DEATH PENALTY VS KURAKOT
NANAWAGAN ang ilang malalaking artista na lumahok sa malaking kilos-protesta sa Rizal Park, Maynila at EDSA People Power Monument na ibalik ang death penalty laban sa mga corrupt public official at mga sangkot sa multi-billion flood control projects sa buong bansa. Pinangunahan ni Vice Ganda ang hanay ng entertainment personalities na lumahok sa “Trillion Peso March Sa EDSA” at “Baha Sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” na idinaos sa mismong araw ng paggunita sa Martial Law declaration. Kasama niya sina Anne Curtis, Donny Pangilinan, Jasmine Curtis-Smith, Darren Espanto, Andrea…
Read MorePBBM IWAS-PUSOY KAYA SINOLI PHILHEALTH FUND?
DUDA ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa timing ng desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kinuhang pondo. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, posibleng inunahan na ni Marcos ang magiging ruling ng Korte Suprema na pabor sa petisyon laban sa paggamit sa PhilHealth funds sa ibang bagay maliban sa kapakanan ng mga miyembro. “This announcement is long overdue and may be intended to preempt any Supreme Court decision on the matter. The transfer of these funds…
Read MoreP180-M PROYEKTO NI STELLA QUIMBO SA MGA KUMPANYA NG DISCAYAS LUMUTANG
MAY apat umanong infrastructure projects si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang distrito katuwang ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng kontrobersyal na mga kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya. Batay sa mga rekord, ang mga proyekto ay iginawad sa mga kompanyang konektado sa Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp. Pinangunahan ng Great Pacific Builders…
Read MoreSIMULA NA NG PANINGINGIL SA MGA MANDARAMBONG
SIMULA pa lamang ng paniningil sa mga magnanakaw sa gobyerno ang Trillion Peso March na isinagawa kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa EDSA People Power Monument at Luneta, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Ito ang binigyang-diin ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na nagsabing hindi titigil ang mamamayan hanggang hindi napapanagot ang mga sangkot sa pagnanakaw ng pondo, hindi lang sa flood control projects kundi maging sa iba pang programa ng pamahalaan. “Eto ay simula pa lang ng ating martsa para sa pananagutan. Matagal nang hinahangad ng…
Read MoreBBM-SARA HAHABULIN SA CAMPAIGN DONATION
HINAMON ng Makabayan bloc sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte na isapubliko ang lahat ng natanggap nilang campaign donations sa mga kontratista na may proyekto sa gobyerno. Kasabay nito, sinabi nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Louise Co At Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na dapat panagutin din ang dalawang pinakataas na lider ng bansa sa paglabag ng mga ito sa election laws. Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag kasunod ng expose’ ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na…
Read More