EX-PCSO GM GARMA NAMUMURONG MASELDA

SA ayaw at sa gusto ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police Lt. Col Royina Garma ay kailangang dumalo ito sa susunod na pagdinig ng quad committee ng Kamara kung hindi ay ipaaaresto ito. Ito ang warning ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers, lead chairman ng komite na nag-iimbestiga sa koneksyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), extrajudicial killings, illegal drugs sa bansa. “If Lieutenant Colonel Garma refuses to attend, we will have no choice but to issue a warrant for her arrest.…

Read More

DIGONG DEDMA: QUADCOMM NG KAMARA PURO ‘MARITES’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGMATIGAS ang kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi pa rin ito sisipot sa imbitasyon ng quad committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa mga kaso ng droga, human rights violations, at illegal POGO. Ito ay dahil wala umanong matibay na mga ebidensyang iprinisinta ang komite maliban sa mga hearsay o kwentong ‘marites’. Nauna rito, kinumpirma ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na nagpulong sila ni Duterte at pinag-usapan ang imbitasyon ng quadcomm. Ngunit sinabi aniya ni Duterte na pawang mga hearsay lang ang mga…

Read More

ANTI-EPAL SPECIAL PROVISION, BALAK ISAMA SA NATIONAL BUDGET LAW

PINAG-AARALAN ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang paglalagay ng special provision sa General Appropriations Act na magbabawal sa mga tinatawag na ‘Epalitiko’ o paglalagay ng pangalan ng pulitiko sa mga proyekto ng gobyerno. Sinabi ni Escudero na hindi nakapasa bilang batas ang isinulong nila noong Anti-Epal Bill kaya’t hanggang ngayon ay may mga proyekto na nilalagyan ng mga pangalan ng mga pulitiko. Mahabang proseso rin anya kung isusulong pa nila ang panibagong panukala kaya’t mas magiging makabuluhan at mabilis kung isasama na lamang ito bilang special provision sa GAA.…

Read More

IBA PANG SANGKOT SA PHARMALLY AT LAPTOP SCANDALS, KASUHAN

WALANG dapat makalusot sa mga anomalya sa gobyerno. Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva kasabay ng papuri sa Ombudsman sa paghahain ng kasong katiwalian laban sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang si dating Department of Budget Undersecretary Christopher Lao kaugnay sa maanomalyang paglilipat ng COVID-19 mula sa Department of Health patungong PS-DBM. Ipinaalala naman ni Villanueva na si Lao ay sangkot din sa procurement ong overpriced laptops para sa Department of Education (DepEd). Sinabi ni Villanueva na posibleng mas marami pang sangkot sa anomalya kaya’t dapat magpatuloy pa ang…

Read More

BAGONG KONTRATA NG MERALCO SA SUPPLIERS PABOR SA CONSUMERS

MAGANDANG balita para sa mga customer ng MERALCO ang pagtatapos ng bidding na ginawa ng kumpanya para sa suplay ng kuryente na kakailanganin sa susunod na taon. Ito palang bidding na ito na tinatawag nilang Competitive Selection Process o CSP ay isang polisiya ng Department of Energy kaya lahat ng distribyutor ng kuryente kagaya ng MERALCO ay obligadong kumuha ng suplay sa pinakamurang halaga. Siyempre apektado tayo nito dahil tayo ang nagbabayad ng ating konsumo. Hindi naman natin maaasahan ang gobyerno na mag-subsidize nito kaya ‘yung mga ganitong aktibidad ng…

Read More

PINAS NAGHAHANDA NA SA GIYERA?

NABABAHALA ang isang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil mistulang paghahanda na sa giyera ang pagpapalawak sa interpretasyon sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas wala siyang nakikitang dahilan ng pagpapalawak sa MDT sa dalawang bansa kundi paghahanda ito sa giyera. “The broadening of the Mutual Defense Treaty will only serve to entangle the Philippines further into the geopolitical ambitions of the United States, compromising our national sovereignty,” ani Brosas. Sinabi ng mambabatas ang…

Read More

OVP BUDGET NAMUMURONG TAPYASAN NG P1 BILYON

(BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang kontrobersyal na pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing sa Kamara, namumurong mabawasan ang hinihinging pondo ng kanyang tanggapan ng halos P1 bilyon. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, ayaw niyang mabokya sa pondo ang OVP tulad ng hirit ng mga netizen subalit kailangang bawasan aniya ito ng P700 million hanggang P1 billion. Ang mababawas ay ilipat na lang sa Department of Social Welfare Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Inamin naman ng mga mambabatas na mahirap idepensa ang mahigit…

Read More

PAGKOKONEKTA NG POGO SA WAR ON DRUGS NG NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON, BAHAGI NG PAMUMULITIKA – SEN GO

ITINUTURING ni Senador Christopher Bong Go na bahagi ng pamumulitika ang pinakabagong alegasyon laban sa kanya kaugnay sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon at ng POGO operations. Sinabi ni Go na walang kinalaman ang POGO sa inilunsad na drug war ng nakaraang administrasyon kasabay ng paggiit na mayroon lamang iilan na pilit na pinag-uugnay ang mga ito. Naniniwala ang senador na bahagi na naman ito ng sarsuelang niluluto ng ilan upang mamulitika at manira at pilit na nag-iimbento ng istorya na lilinya sa kanilang kwento upang anya’y pinturahan…

Read More

PNP ‘BIGGEST CRIME GROUP’

(BERNARD TAGUINOD) INAKUSAHAN ni Police LtCol. Jovie Espenido ang Philippine National Police (PNP) na “Biggest Crime Group” dahil ilan sa mga ito ang sangkot sa droga at front lamang umano ang mga drug lord. Binanggit ito ni Espenido sa kanyang pagharap sa ikatlong pagdinig ng Quad Committee sa Kamara hinggil sa koneksyon ng POGO, Illegal Drug Trade at Extra-judicial killings (EJK). “In my experience, I can say that the PNP is the biggest crime group in the country,” ayon sa affidavit ng police official. “Police elements help them set-up their…

Read More