ITO ang mariing tugon kahapon ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner kasunod ng pagpapakalat ng panawagan ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez noong Linggo na talikuran ng Sandatahang Lakas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tumahimik at mapatatag ang kalagayan ng Pilipinas. Ayon ay General Brawner, hindi ito ang unang pagkakataon na may nanawagan ng withdrawal of support ng AFP kay Pangulong Marcos “But our answer is always the same that the AFP remains to be a professional organization, very clear po ‘yung…
Read MoreCategory: NASYUNAL
LISENSYA NG MGA BARIL NI QUIBOLOY PINAKAKANSELA
PINAKAKANSELA ni Senador Risa Hontiveros ang lisensya ni Pastor Apollo Quiboloy upang makapagmay-ari ng baril makaraan itong ituring na bilang pugante. Ginawa ni Hontiveros ang panawagan sa Philippine National Police (PNP) matapos lumabas ang mga larawan at video ng sinasabing private army ni Quiboloy na nakitang nagsasanay bitbit ang mga baril. Iginiit ng mambabatas na armado at mapanganib si Quiboloy lalo’t buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. Mahalaga anyang makumpiska ng PNP sa lalong madaling panahon ang kanilang mga armas. Lantad na…
Read MoreNO WANG-WANG POLICY NI PBBM ‘COPYCAT’ KAY PNOY
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara ng kanyang anti-wang-wang policy kay dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong kanyang termino. Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang. “It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin,” ayon kay Pangulong Marcos. Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyon sa…
Read MorePILOT RUN NG MES KASADO SA CAGAYAN
NAKATAKDANG ikasa ng gobyerno ang pilot run ng Mobile Energy System (MES) sa typhoon-prone municipalities sa Cagayan Province. Layon nito na mapahusay ang katatagan ng bansa laban sa sakuna. Sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na umaasa ang pamahalaan na ang kasalukuyang “energy challenges” ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng “technology and innovation.” “We will hold the pilot run of the MES in the typhoon prone municipalities of Sta. Ana and Lal-lo in Cagayan Province. MES units will also be distributed to various government agencies, showing our…
Read MoreTAUMBAYAN GALIT NA SA POLITICAL PERSECUTION NG MARCOS ADMIN
TULUYAN nang nawala ang panawagang pagkakaisa (unity) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil napalitan ito ng panggigipit sa kanilang mga dating kakampi at sa ordinaryong mamamayan ng bansa. Ayon ito kina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Dr. Lorraine Marie Badoy sa kanilang programa na Pilipinas Nating Mahal sa SMNI noong nakaraang Biyernes, Abril 12. Sa nasabing programa ay kanilang kinapanayam ang unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez. Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang warrant of arrest laban kay SMNI chairman at Kingdom of…
Read MorePatutsada ni Roque sa DOTr FUEL SUBSIDY ‘WAG IPAGAMIT SA PAG-EPAL NI ROMUALDEZ
PINATUTSADAHAN ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang Department of Transportation (DOTr) dahil hindi pa rin ipinamamahagi sa mga tricycle at delivery drivers ang fuel subsidy. Pinost sa X ang pahayag ng dating tagapagsalita ng nakaraang administrasyon na nagsasabing : “Palakpakan natin ang DOTr sa panibago bilang kapalpakan. Hindi lang sa airport, hindi lang sa kawalan ng lisensya at ng plaka, pati yung mga ayuda na hindi pinamimigay. Yan ang bagong Pilipinas, mabuhay ka, Sec. Bautista, ang galing-galing mo. Anim na buwan na halos ang nakalipas matapos ma-approve ang budget,…
Read MoreSHOW OF FORCE NG DAVAO Babala sa ‘power tripping’ ng Palasyo
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IKINASA kahapon ang Hakbang ng MAISUG Prayer Rally sa Davao del Norte tulad ng inanunsyo ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng sinuspindeng si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib. Sa kanyang naunang pahayag, sinabi ni Gov. Jubahib na higit 100 thousand katao ang inaasahan nilang makikiisa sa rally kasunod ng nangyayaring ‘oppresion’ umano sa kanya. Kahapon ay maagang nagtungo sa DavNor Sports and Tourism Complex, sa Mankilam, Tagum City ang mga pulis para matiyak ang seguridad sa inaasahang pagdagsa ng mga lalahok sa…
Read MoreNUMBER CODING TULOY KAHIT MAY TRANSPORT STRIKE
HINDI sinuspinde ang number coding scheme sa Metro Manila sa kabila ng bantang transport strike mula ngayong araw hanggang bukas. Paliwanag ng Metro Manila Development Authority (MMDA), paiiralin pa rin ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o Number Coding Scheme sa Metro Manila sa dalawang araw na bantang tigil-pasada ng Manibela at Piston simula ngayon, Abril 15 at 16. Ayon kay MMDA Acting Chairman Ron Artes, nakadagdag lang sa pagbigat ng daloy ng trapiko ang suspensyon ng number coding katulad noong huling transport strike dahil marami pa rin ang bumiyaheng…
Read MoreKAMARA DAPAT IMBESTIGAHAN MGA TAKSIL SA BAYAN – SOLON
TINAWAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na “taksil” ang mga Pilipinong nag-aabogado sa China sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Gayunman, walang pinangalanan si House Assistant Majority Leader Rep. Jude Acidre. Samantala, muli namang hinamon ni ACT Party-list Rep. France Castro ang liderato ng Kamara na magpatawag ng imbestigasyon lalo na’t inamin na aniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang secret agreement na pinasok nito sa China sa usapin ng WPS. “Now that Duterte has finally admitted on entering a secret deal with China, it is…
Read More