KAMARA DAPAT IMBESTIGAHAN MGA TAKSIL SA BAYAN – SOLON

TINAWAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na “taksil” ang mga Pilipinong nag-aabogado sa China sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Gayunman, walang pinangalanan si House Assistant Majority Leader Rep. Jude Acidre. Samantala, muli namang hinamon ni ACT Party-list Rep. France Castro ang liderato ng Kamara na magpatawag ng imbestigasyon lalo na’t inamin na aniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang secret agreement na pinasok nito sa China sa usapin ng WPS. “Now that Duterte has finally admitted on entering a secret deal with China, it is…

Read More

Uniteam malabo nang maisalba TENSYON KINA BBM AT VP SARA PINUNA

TULUYAN nang nawasak ang UniTeam matapos lumala ang hidwaan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte dahil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House minority leader France Castro, ramdam ang tensyon sa pagitan ng pro-US na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at pro-China na si Vice President Sara Duterte, dahil hindi lang ang huli ang itinalagang caretaker sa gobyerno kundi isinama sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III. “Mas lalo na bang lumala ang hidwaan sa pagitan ng…

Read More

‘UNHOLY ALLIANCE’ NI MARCOS JR. SA US, JAPAN MAPANGANIB

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINATIKOS ng mga militanteng grupo ang anila’y ‘unholy alliance’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika at Japan dahil sa posibilidad na magdulot ito ng panganib sa Pilipinas. Sa kanilang protesta kahapon sa harapan ng US Embassy sa Maynila, kinondena ng mga grupong kinabibilangan ng Kilusang Mayo Uno (KMU), AGHAM Youth, Katribu, at Sandugo ang alyansa nina Marcos Jr., US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Kinontra naman ng ilang political analyst ang mga nagsasabing posibleng maging mitsa ng giyera sa pagitan ng…

Read More

PAGBIBIGAY NG PROTOCOL LICENSE PLATES HIHIGPITAN

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang regulasyon o alituntunin ng pagpapalabas ng protocol license plates sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa tumataas na reklamo sa “unauthorized usage.” Nauna rito, nagpalabas ang Pangulo ng Executive Order (EO) No. 56, inamiyendahan ang EO No. 400 (s. 2005), na pinahihintulutan ang pagtatalaga at pagpapalabas ng low-numbered protocol license plates sa mga sasakyan na ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan. Tinapyasan din ng Pangulo ang bilang o numero sa 14 mula sa dating listahan na 16 na opisyal ang ‘entitled’ na gumamit…

Read More

WANGWANG, FLASHERS, BLINKERS BAWAL ULIT

IPINAGBABAWAL na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang at blinkers na itinuturong mga dahilan ng pagkagambala sa trapiko at hindi ligtas sa lansangan at traffic environment. Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaan mula sa paggamit ng wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na nagbigay signal o flashing devices sa layuning i-promote ang kapakanan at kagalingan ng pangkalahatang publiko. Sa paglagda sa AO, sinabi ng Pangulo na…

Read More

‘GENTLEMAN’S AGREEMENT’ SA WPS BUBUSISIIN NG KAMARA

MAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa umano’y “gentleman’s agreement” ng Pilipinas sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). “It is imperative that we shed light on any agreements or arrangements that could potentially compromise our country’s sovereignty and territorial integrity,” ani Zambales Rep. Jefferson Khonghun. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos kondenahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang umano’y gentleman’s agreement. Unang kinumpirma ni dating Presidential spokesman Harry Roque na may gentleman’s agreement sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President…

Read More

PAGKAKAISA MENSAHE NI PBBM SA EID’L FITR

PAGKAKAISA ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng magkakaibang paniniwala at pilosopiya ng mga Pilipino habang nakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa ibang bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast kahapon. Binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa kanyang written message na ipinalabas ng Office of the President (OP), ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang para sa “spiritual renewal” ng mga Muslim matapos ang month-long observance ng Ramadan na may pagdarasal, sakripisyo at pagdurusa. “Truly, the Festival of Breaking the Fast…

Read More

PAGTATANGGOL SA PILIPINAS TUNGKULIN NG LAHAT NG PINOY

TUNGKULIN ng lahat ng Pinoy na kondenahin ang patuloy na pang-aagaw at pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang pahayag ng mga militanteng magsasaka kaugnay ng umiinit na tensyon sa WPS kung saan may mga Pilipino na mistulang nagtatanggol o kaya nananahimik sa nasabing usapin. “The issue of Chinese aggression in the West Philippine Sea involves all of us, as it is an attack on our national sovereignty or freedom of the Filipino people’s will and national patrimony that is supposed to be utilized for the benefit…

Read More

HUKOM BABAWASAN NG WORKLOAD

MAS mapagtutuunan na ng pansin ng lower courts ang pagpapasya sa mga kaso. Ito ay dahil ililipat na sa Office of the Regional Court Manager (ORCM) ang pagresolba sa mga administratibong trabaho ng mga hukom. Pinangunahan ng mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema ang pagsisimula ng pilot implementation ng ORCM sa San Fernando, La Union. Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, layon nito na mabawasan ang administrative workload ng mga hukom at mapagbuti ang mga administratibong proseso sa lower courts. Umaasa si Gesmundo na matutugunan ng hakbangin ang mga…

Read More