RECRUITMENT NG CHINA SA AFP, PNP PINASISILIP

PINAIIMBESTIGAHAN sa House committee on national defense ang umano’y recruitment operation ng China sa mga aktibo at retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Sa House Resolution (HR) 1682 na inakda ng Makabayan bloc sa Kamara, hindi maitago ang pagkabahala ng mga ito sa lumutang na operasyon ng China sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Unang natuklasan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na may Chinese company na nagpapanggap na nakabase sa United States (US) o…

Read More

PROBLEMA SA POWER SUPPLY PINATUTUGUNAN SA DOE

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of Energy to closely monitor and coordinate with all stakeholders to address the situation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter). Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan “to set the…

Read More

PAGSASABATAS NG ‘NO WANG-WANG’ ITINULAK SA SENADO

BILANG suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbabawal sa wang-wang at iba pang signaling devices, isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukalang nagbabawal sa paggamit nito sa mga sasakyan maliban na lamang sa pinapayagan ng batas. Inihain ni Villanueva ang Senate Bill 2635 na nagsasaad na ang tanging pinapayagan na gumamit ng mga nabanggit na signaling devices ay ang mga sasakyan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management and Penology at iba…

Read More

MARCOS TIKLOP SA DRUG TEST

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG tumiklop si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hamon na muling sumailalim sa drug test dahil sa patuloy nitong pagkikibit-balikat. Noong Enero, ikinatwiran ng Pangulo na hindi niya binibigyang halaga ang mga katulad na panawagan. Sa panayam ng Unang Balita ng GMA 7, Martes ng umaga, hinikayat ng dating executive secretary ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na sumailalim ito sa “credible hair follicle drug test” para matuldukan na ang mga haka-haka at alegasyon na isa siyang illegal drug user. “It’s not dignifying, it’s…

Read More

RED AT GREEN UNIFORM NG MGA GURO PINALAGAN

PINALAGAN ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang bagong guidelines o alituntunin ng Department of Education (DepEd) hinggil sa uniporme na dapat gamitin ng mga guro at school personnel sa panahon ng tag-init. Base umano sa bagong guidelines ng DepEd, magkakaroon ng alternate uniform ang mga guro at school personnel sa dry season na kulay puti, pula at berde sa school activities. Ngunit itinuturing itong political color nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Parang mayroong political meaning ‘yan ah,…

Read More

DUTERTE SINOPLA SA SITWASYON SA WPS NOONG KANYANG TERMINO

KINONTRA ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa maayos ang sitwasyon sa West Philippine Sea sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ipinaalala ni Hontiveros na noong panahon ni Duterte ay mistulang naging puppet ng China ang Pilipinas. Idinagdag ng senador na noong panahon ni Duterte naipasa ng China ang fishing ban laban sa mga mangingisdang Pinoy. Puna pa ng mambabatas na magkakaiba ang pahayag ng mga tauhan ni Duterte na nagpapagulo pa lalo sa sitwasyon. Dahil dito anya ay mas nararapat na magsagawa…

Read More

INIT TITINDI PA SA MAYO – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang mas titindi pa ang mararamdamang init ng panahon hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa Metro Manila pa lamang, maaaring tumindi pa ang maramdamang init factor dahil sa epekto ng El Niño. Sa ginanap na QC Journalists Forum, sinabi ni Solis, nitong Abril 15 naitala ang maximum daytime temperature na 36.9 degrees Celsius sa Pasay City at maaaring tumaas pa ito…

Read More

ROBIN KAY QUIBOLOY: SUMUKO KA NA

MAGING ang kaibigan at nagiging tagapagtanggol sa Senado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Senador Robin Padilla ay nananawagan na rin sa lider ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko sa mga awtoridad. Binigyang-diin ni Padilla na dahil ang korte na ang naglabas ng warrant of arrest sa pastor ay makabubuting harapin na niya ang mga kaso upang mailahad ang kanyang panig. Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa mga tagasuporta ng Pastor na maging mahinahon at tiyaking walang karahasang mangyayari sakaling maaresto o sumuko na si Quiboloy. Kumbinsido rin…

Read More

MGA KONTRA SA GOBYERNO HINDI DAPAT KASUHAN

(DANG SAMSON-GARCIA) HINDI pinaboran ng minority leader ng Senado ang posibleng paghahain ng mga kasong kriminal sa mga nagkokomento sa iba’t ibang isyu sa pamahalaan. Ani Senate Minority Leader Koko Pimentel, kailangan din namang pakinggan ang mga pananaw ng mga tao at huwag silang pigilang magsalita bilang paggalang sa kanilang right to free speech. Kasabay nito, nanawagan si Pimentel sa lahat na huwag nang hilahin o isama pa sa pulitika ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Partikular na umapela si Pimentel kay Cong. Pantaleon Alvarez makaraang manawagan ang huli…

Read More