UMAPELA kahapon si Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng aniya’y pekeng dokumento na nag-uugnay kay Pang. Bongbong Marcos sa ilegal na droga. Sa kanyang liham sa PDEA, iginiit ni Gadon na sinisira ng pekeng dokumento ang reputasyon ng Pangulo at nagkakalat din ito ng mga maling impormasyon. Sa press conference kahapon sa Quezon City, sinabi ni Gadon na bagama’t itinanggi na ng PDEA ang dokumento, hindi ito sapat para matigil…
Read MoreCategory: NASYUNAL
WALA NANG EXTENSION SA PUV MODERNIZATION
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ang aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives. Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline sa Abril 30, ngayong taon. ”Sa kahuli-hulihan, wala na pong extension ‘yung (consolidation). Kailangan na kailangan na natin ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na open forum ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns. “Ang tinitiyak lang namin, hindi…
Read MoreDATING ES RODRIGUEZ ‘DI KASAMA NANG MAGPA-DRUG TEST SI MARCOS NOONG 2021
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA gitna ng pagkwestyon at muling paglutang ng resulta ng drug test ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., naglabas ng paglilinaw ang dati niyang Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez. Ani Rodriguez, hindi siya kasama nang sumailalim sa drug test si Marcos Jr. noong 2021 bagkus ay iniabot lamang sa kanya ang resulta nito. “No, I was not with him. When he subjected himself to the drug test. I have answered this many times in the past. Now, what I have is the result. Yes,…
Read MoreBI chief pumalag sa reklamo INDIANS PALABAN VS ‘KOTONG’ NG BI
HINDI umatras ang grupo ng mga Indian national sa paghahain ng reklamo laban sa mga tiwali umanong tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nangotong sa kanila. Kamakalawa, nagtungo sa Pasay Prosecutors Office ang mahigit 20 miyembro ng Indian community mula sa Iloilo at Antique para magsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng BI. Ayon kay Atty. Boy Magpantay, kasong kidnapping at extortion ang isinampa ng mga Indian laban sa 13 Immigration officers. Kabilang umano sa mga inireklamo sina Immigration Officer II Jude Hinolan, Immigration Assistant Maristela Gandamra, at…
Read MoreMGA BAYANI PINAGTATAKSILAN NI MARCOS JR?
ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pagtataksil sa mga bayani na magiting na ipinaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas ang ginagawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inaasa sa ibang bansa ang pagtatanggol sa Pilipinas. Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng ika-82 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. “Mahirap magkaroon ng mga pinuno na inuuna ang interes ng dayuhan o iilan at nagbibingi-bingihan sa daing ng taongbayan. Malaking pagtataksil ito sa ipinaglaban ng ating mga bayani noong nakaraan at pagbebenta sa ating kalayaan,” ayon sa…
Read More‘WHOOPING COUGH’ TREATMENT SAKOP NG PHILHEALTH
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sakop nito ang ‘inpatient confinement’ na may kinalaman sa “whooping cough” condition. Sa isang kalatas, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., na para sa mga kaso na nangangailangan ng confinement o madala sa ospital, nag-aalok ang PhilHealth ng case rate benefits na P13,000 hanggang P19,000 para sa pertussis treatment. “We understand the concerns surrounding pertussis treatment and want to reassure the public that PhilHealth is fully committed to supporting individuals needing inpatient care for this illness,” ayon…
Read MorePagtiyak ni Marcos Jr. WALANG BANTA SA BUHAY NI TEVES
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni Arnie Teves, takot siya sa buhay niya, wala kaming report na ganoon. Walang nagbabanta sa buhay niya,” ayon kay Pangulong Marcos. Matatandaang dinakip si Teves sa Dili East Timor habang naglalaro ng golf. Nananatili siyang nasa…
Read MoreDOJ IBINASURA MGA KONDISYON NI QUIBOLOY
IBINASURA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga inilatag na kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang pagsuko. Sinabi ni Secretary Remulla, seryoso at kasuklam-suklam na usapin na may kinalaman sa pang-aabusong sekswal sa isang menor de edad at human trafficking ang kinasasangkutan ng religious leader. Sa halip, hinamon ni Remulla si Pastor Quiboloy na harapin na lamang ang kanyang mga kaso lalo na at kung ang paniniwala niya ay inosente siya. Iginiit ng kalihim, walang nakaaangat sa batas kahit pa ang mga may…
Read More2025 polls makokompromiso – solon MARCOS ADMIN INUTIL SA HACKERS
NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na mabahiran na naman ng pagdududa ang eleksyon sa 2025 dahil sa kabiguan ng Marcos administration na supilin ang mga hacker. Ani House Deputy Minority Leader France Castro, habang tumatagal ay lalong nagiging inutil ang gobyerno ni Marcos Jr., laban sa mga hacker matapos itong muling umatake na ang pinakahuling biktima ay ang Bureau of Customs (BOC). “The perpetrators successfully infiltrated the Bureau of Customs’ computer systems, compromising sensitive data repositories and exposing the personal details of over 2,200 employees and approximately 80,000 customers,…
Read More