HINDI inisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magdeklara ng national state of calamity sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon. Sa isang ambush interview sa Bacolod City nitong Lunes, sinabi ng Chief Executive na maaaring maramdaman ang epekto ng phenomenon subalit hindi naman ito mapanganib. ”Ang katotohanan niyan lahat maaapektuhan, ngayon gaano kalala ang magiging effect ng El Niño… It’s really, ang mga probinsya sa western side na… Western Luzon tapos dito Region 6. So those are the areas na nagde-declare ng calamity but the other areas, although…
Read MoreCategory: NASYUNAL
NAT’L CYBERSECURITY PLAN 2023-30 SISIGURO SA MATATAG NA CYBERSPACE
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa. Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay magsisilbi bilang “whole-of-nation roadmap for the integrated development and strategic direction of the country’s cybersecurity.” Sa pamamagitan ng EO 58, binibigyan nito ng mandato ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities…
Read MoreCHA-CHA NI GADON ITAPON SA BASURAHAN
IPINABABASURA ng isang mambabatas sa Kamara ang mungkahi ni Presidential adviser for poverty alleviation Larry Gadon na isama ang political provisions sa isinusulong na Charter change. Kasabay nito, tinuligsa si Gadon sa mistulang pagsuway sa among si Marcos Jr. “Gadon, as a presidential adviser, should heed the President’s statement,” ani Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos udyukan ni Gadon ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na isama ang political provisions sa mga aamyendahan sa 1987 Constitution. Ayon sa mambabatas, malinaw ang pahayag…
Read MoreINFLATION LOLOBO PA SA MAHAL NG BIGAS
(BERNARD TAGUINOD) HANGGA’T hindi nakapokus ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa bigas at maibaba ang presyo nito, patuloy na lolobo ang inflation rate sa susunod na mga buwan. “The game plan must be focused on rice,” mungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda para maibaba ang inflation rate na lumobo sa 3.7% noong Marso mula sa 3.4% noong Pebrero. Ayon sa mambabatas, 57% sa total inflation noong Marso ay dahil sa bigas na ngayon ay P55 kada kilo ang pinakamura kaya kailangang maging agresibo aniya ang Department of…
Read MoreSOLON: MILITARISASYON SA BATANES MAGPAPAINIT PA SA TENSYON SA WPS
NANGANGAMBA ang isang mambabatas na posibleng uminit pa ang tensyon sa South China Sea partikular na sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa militarisasyon ng Estados Unidos sa Batanes. Ayon kay ACT Party-list Rep. France Castro, nagsisimula na ang United States Army Engineers sa pagpapatayo ng mga military infrastructure tulad ng humanitarian logistic warehouse sa nasabing isla. Bahagi umano ito ng Balikatan military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na labis na ikinaalarma aniya ng mga taga-Batanes. “The military transformation of such an idyllic island is highly deplorable and…
Read MoreQUIBOLOY ISA NANG PUGANTE
ITINUTURING na ngayon bilang “fugitive of the law”si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos ihain ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang inilabas na warrant of arrest ng Davao Regional Trial Court Branch 12. Naniniwala naman ang PNP na papayuhan ng kanyang mga legal adviser ang self-proclaimed “appointed son of God” na wanted din sa United States Federal Bureau of Investigation. Agad bumuo ng tracker team ang PNP para tumulong sa iba pang government agencies na naghahanap kay Quiboloy…
Read MoreGADON ‘PAKAWALA’ NI BBM SA CHA-CHA?
(BERNARD TAGUINOD) HINDI maiaalis ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pag-uudyok ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na amyendahan ang political provisions sa Saligang Batas. “Bilang bahagi din ng Marcos administration ang payo ni Larry Gadon ay lalong maglalantad na target din talaga ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabago sa political provisions ng Constitution,” reaksyon ni ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas na kabilang sa 6 congressmen na bumoto ng No sa…
Read MoreHOLISTIC APPROACH GAGAMITIN SA PAGLUTAS SA PROBLEMA SA TRAPIKO
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem – hindi iyong piecemeal approach ‘no as has been the case all these years ‘no,” ayon kay Balisacan. ”We had a very long…
Read MoreMula 7% ibinaba sa 6% ECO GROWTH TARGET NG PINAS BINAWASAN
KUMAMBYO ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa economic growth target para sa taong 2024. Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%. Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang matapos ang 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang DBCC, isang interagency body na binubuo ng mga hepe ng budget and management, finance, at socioeconomic planning, ay may atas na suriin mabuti…
Read More