NANGANGAMBA ang isang mambabatas na posibleng uminit pa ang tensyon sa South China Sea partikular na sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa militarisasyon ng Estados Unidos sa Batanes. Ayon kay ACT Party-list Rep. France Castro, nagsisimula na ang United States Army Engineers sa pagpapatayo ng mga military infrastructure tulad ng humanitarian logistic warehouse sa nasabing isla. Bahagi umano ito ng Balikatan military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na labis na ikinaalarma aniya ng mga taga-Batanes. “The military transformation of such an idyllic island is highly deplorable and…
Read MoreCategory: NASYUNAL
QUIBOLOY ISA NANG PUGANTE
ITINUTURING na ngayon bilang “fugitive of the law”si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos ihain ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang inilabas na warrant of arrest ng Davao Regional Trial Court Branch 12. Naniniwala naman ang PNP na papayuhan ng kanyang mga legal adviser ang self-proclaimed “appointed son of God” na wanted din sa United States Federal Bureau of Investigation. Agad bumuo ng tracker team ang PNP para tumulong sa iba pang government agencies na naghahanap kay Quiboloy…
Read MoreGADON ‘PAKAWALA’ NI BBM SA CHA-CHA?
(BERNARD TAGUINOD) HINDI maiaalis ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pag-uudyok ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na amyendahan ang political provisions sa Saligang Batas. “Bilang bahagi din ng Marcos administration ang payo ni Larry Gadon ay lalong maglalantad na target din talaga ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabago sa political provisions ng Constitution,” reaksyon ni ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas na kabilang sa 6 congressmen na bumoto ng No sa…
Read MoreHOLISTIC APPROACH GAGAMITIN SA PAGLUTAS SA PROBLEMA SA TRAPIKO
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem – hindi iyong piecemeal approach ‘no as has been the case all these years ‘no,” ayon kay Balisacan. ”We had a very long…
Read MoreMula 7% ibinaba sa 6% ECO GROWTH TARGET NG PINAS BINAWASAN
KUMAMBYO ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa economic growth target para sa taong 2024. Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%. Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang matapos ang 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang DBCC, isang interagency body na binubuo ng mga hepe ng budget and management, finance, at socioeconomic planning, ay may atas na suriin mabuti…
Read MoreDouble digit ibinaba ng trust at performance rating BBM, ROMUALDEZ IBINAGSAK NG CHA-CHA
HINILA pababa ng Charter change (Cha-cha) sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pinsan nitong si House Speaker Martin Romualdez. Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader France Castro matapos makaranas ng double-digit na pagbaba ng rating si Marcos sa kanyang trust at performance rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. “It just goes to show that an overwhelming majority of Filipinos are against Cha-cha in whatever form. So, it would be best for the Marcos Jr. administration to stop wasting time and resources on it and drop it…
Read MoreWALANG PINOY NA NASAKTAN SA THAILAND QUAKE – MECO
WALANG mamamayang Pilipino ang napaulat na nasaktan o kabilang sa nasawi kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkoles ng umaga. Sa isang kalatas, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ang lahat ng mga Pilipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe”. “We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III. “Based on our…
Read MoreDUTERTE-XI GENTLEMAN’S AGREEMENT HIHIMAYIN
ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing”gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese government na nagbabawal sa repair at rehabilitation ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sinabi ni Hontiveros na ang gentleman’s agreement ay maaaring batayan ng kasong treason. Sa kanyang Senate Resolution No. 982, iginiit ni Hontiveros na kung kumpirmado ang kasunduan, mistulang isinusuko na ng Pilipinas ang soberanya. Nakasaad sa resolution na maging ang National Security Council ay walang alam sa kasunduan. Iginiit ni Hontiveros na maging ang pambansang…
Read MoreSa paglutang ng PDEA report HAMON NA DRUG TEST KAY BBM LUMAKAS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NABUHAY ang hamon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sumailalim sa drug test matapos umikot kahapon sa social media ang kopya ng umano’y operational documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga. Sa paglutang ng nasabing dokumento ay lumakas ang panawagan sa Pangulo na kumasa sa hamon upang patunayan na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya na isa siyang adik. Bago ito, ibinunyag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa drug watchlist ng PDEA si Marcos…
Read More