IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara na maglagay na ng Kalihim sa Department of Education (DepEd) mula sa sektor ng edukasyon dahil lalo umanong lumala ang kalidad ng edukasyon sa bansa base sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA). “Sa resultang ito ng PISA, mukhang mas mainam na maglagay na talaga ng kalihim ng DepEd na galing mismo sa sektor ng edukasyon at alam ang dapat gawin sa kagawaran upang tunay na matuto ang mga mag-aaral. Mahirap na parang may part-time na kalihim lang sa DepEd at…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SMNI DINIKDIK NG MGA KONGRESISTA
NAGISA nang husto ang mga ‘host’ ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na humantong pa sa pagpapakulong sa kanila. Tinawag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang SMNI bilang “serial harasser” at “irresponsible network”. Ginisa sa House committee on legislative franchises si dating National Task Forces-End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy ukol sa mga alegasyon nito sa iba’t ibang tao sa kanilang programang Laban Kasama ang Bayan kung saan co-host nito si Jeffrey Celiz. “It seems that SMNI has a…
Read More21K METRIKO TONELADANG SIBUYAS INANGKAT NG DA
UMANGKAT ang Department of Agriculture (DA) ng 21,000 metriko tonelada ng sibuyas upang matugunan ang mataas na demand ngayong holiday season. Sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na umangkat ang Department of Agriculture (DA) ng 17,000 metriko toneladang pulang sibuyas at 4,000 metriko toneladang dilaw na sibuyas mula sa China, India at Netherlands. Ang kabuuang dami ng sibuyas ay base sa pangangailangan ng bawat Pilipino. Inaasahan namang darating ngayong buwan sa bansa ang mga imported na sibuyas, magsisilbi itong buffer stock para i- stabilize ang presyo habang naghihintay ng…
Read More‘RED-TAGGER’ TANDEM NG SMNI KULONG SA KAMARA
KAPWA nakakulong sa Kamara matapos ma-contempt ang mga tinaguriang red-tagger ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sina Jeffrey Celiz at dating National Task Forces-End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy. Ipinakulong sa Batasan Pambansa Complex nitong Martes ng gabi ng mga miyembro ng House committee on legislative franchises si Badoy dahil umano sa pagsisinungaling. Sa marathon hearing ng komite sa posibleng paglabag ng SMNI na inabot ng alas-siyete ng gabi noong Martes, tila napikon na ang mga mambabatas kay Badoy dahil sa paglabag sa Section 11 ng House…
Read MoreJEFFREY CELIS KULONG SA KAMARA
DAHIL sa patuloy na pagtangging isiwalat ang kanyang source ukol sa P1.8 billion travel expenses umano ni House Speaker Martin Romualdez, pina-contempt ng House committee on legislative franchise ang kontrobersyal na broadcaster ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Jeffrey Celis. Sa motion ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na sinegundahan ni Batangas Rep. Gerville Luistro, inaprubahan ng komite ang pag-contempt kay Celiz na co-host ni dating Presidential Communication Office Undersecretary at spokesman ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy sa programa ng…
Read MoreHERBOSA AT TIU LAUREL PASADO NA SA CA
LUSOT na sa Commission on Appointments ang ad interim appointments nina Health Secretary Teodoro Herbosa at Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel. Ito ang pangalawang pagkakataon na sumalang sa CA hearing si Herbosa matapos ma-bypass noong Setyembre dahil sa dami ng mga mambabatas na magtatanong at sa kakulangan na rin ng oras bunsod session break. Agad ding ni-reappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Herbosa matapos na ma-bypass ng CA. Bago ang pag-apruba sa ad interim appointment ng kalihim kabilang ang naitanong sa kanya ang mababang utilization ng pondo ng DOH…
Read MoreDAYAAN SA BSKE PINASISILIP SA KAMARA
HINDI dapat palagpasin ang umano’y dayaan at iba pang iregularidad sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang hindi na ito maulit sa 2025 midterm election. “Mahirap dedmahin ang napakaraming alegasyon ng irregularidad, pandaraya at pananakot noong nakaraang barangay elections. Dito lamang sa Basilan, madaming insidente ang naiulat sa social media na hindi naa-address ng mga kinauukulan,” ani Basilan Rep. Mujiv Hataman kaya naghain ito ng resolusyon para magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara. Sa kanyang House Bill (HB) 1497, hiniling ng mambabatas sa House committee on suffrage and…
Read MorePAGKONTRA NI VP SARA SA PEACE TALKS TINABLA
TINABLA ng mga political leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Vice President Sara Duterte na kumontra sa peace talks ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga rebeldeng grupo na kanyang inilarawan bilang “agreement with the devil”. Sa joint statement, nagkaisa ang mga lider ng Nacionalista Party (NP), Lakas-CMD, National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), Nationalist People’s Coalition (NPC) at Partido Navoteño na suportahan si Marcos na ituloy ang peace talks sa mga rebeldeng komunista na itinigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018. “We acknowledge the…
Read MoreAPELA NG DND SA NCR: EARTHQUAKE DRILL SERYOSOHIN
INIHAYAG ng Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (Phivolcs), posibleng umabot sa 33,000 ang bilang ng masasawi at masasaktan sakaling sa Metro Manila tumama ang 7.4 na lindol na naganap kamakailan sa Surigao del Sur. Ito ang dahilan kaya nanawagan si Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa publiko na seryosohin ang isinagawang earthquake drills kasunod ng naganap na paglindol sa Sarangani at Surigao del Sur. Hindi rin inaalis ng mga eksperto na magkakaroon ng magkasunod o magkasabay na malakas na paglindol sa Pilipinas dahil sa rami ng active fault lines.…
Read More