P20 na pangako ni BBM talagang imposible BIGAS PAPALO SA P60 KADA KILO

bigas12

POSIBLENG umabot na sa P60 ang pinakamurang bigas sa Metro Manila dahil imbes tutukan ang pagpaparami ng produksyon ng palay ay patuloy na umaasa sa importasyon ang gobyerno. Ito ang ikinababahala ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo matapos sumampa sa P52 hanggang P54 ang presyo ng bigas maging sa ibang probinsya tulad ng Aurora na rice producer ay P52 pa rin ang pinakamura. “Baka aabot talaga ng P60 per kilo yung mga regular milled rice given na wala namang nagagawang concrete na solusyon yung gobyerno bagkus ay mag-iimport,” pahayag ni…

Read More

PINOY LUGI SA PPP NI MARCOS

PABOR lang sa malalaking negosyante at kapitalista ang Public-Private Partnership (PPP) at lalong ginarantiya ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa bagong batas na pinirmahan nito. Ganito inilarawan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang Republic Act (RA) 11966 o PPP Code Law na naglalayon umanong makahabol ang bansa sa infrastructure projects sa mga bansa sa Southeast Asian Nation (ASEAN). “Sobrang naabuso na ang konsepto ng public-private partnership sa ngayon. Sa totoong buhay kadalasan ang nangyayari ay hindi naman partnership. Lugi ang publiko habang sobrang gumaganansya ang iilang malalaking…

Read More

CHINA SINUPALPAL SA PAG-REJECT SA CONGRESS RESO

WALANG karapatan ang China na ireject ang resolusyong pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kumukondena sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang panunupalpal ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Chinese Foreign Ministry na kinontra ang House Resolution (HR) 1494 na pinagtibay ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi. “It is our prerogative to express our collective sense on continued Chinese intrusion and encroachment on our maritime waters, and their persistent harassment and bullying of our navy, coast guard and fishermen. No country…

Read More

‘ICE ROOM’ SA BI JAIL P50K MONTHLY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAGKAKAROON ka ng normal na pamumuhay kahit nakakulong sa piitan ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung may panggastos ka para sa buwanang ‘lagay’ sa mga tiwaling tauhan ng BI. Ito ang ipinaabot na sumbong sa SAKSI Ngayon mula sa ilang concerned citizen na saksi kung paano umano pagmalupitan ang mga inmate na walang pera sa nasabing piitan. Ayon sa source ng SAKSI Ngayon, malubha ang korupsyon at kalupitang dinaranas ng mga bilanggo sa nasabing piitan. Bilang patunay, nagbigay ng kopya…

Read More

CASH MAS PRAKTIKAL KAYSA BIGAS SA 4Ps BENEFICIARIES – DSWD

MAS praktikal ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekomenda ng National Food Authority ang pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip na P600 monthly rice allowance para sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Tinuran ng DSWD na mas gugustuhin pa nito na sumunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng 4Ps Act “which calls for rice cash…

Read More

LOCALIZED AGRI PROGRAM TITIYAK SA FOOD SECURITY

KAPWA sumang-ayon ang Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin ang implementasyon ng localized agriculture production program na naglalayong tiyakin ang food security at pagaanin ang kahirapan sa bansa. Ang DA at DILG ang mga nangungunang ahensya sa implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (HAPAG Kay PBBM) Program. Ang “HAPAG kay PBBM Program” ay isang whole-of-government initiative na naglalayong itaas ang access para sa mga sariwa, ligtas at abot-kaya o murang pagkain sa…

Read More

KAHANDAAN NG DOH SA RESPIRATORY ILLNESS SISILIPIN SA SENADO

ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ng resolusyon na naglalayong alamin ang kahandaan ng Department of Health sa pagtukoy at pagkontrol sa respiratory illness na kumakalat ngayon sa China at iba pang mga bansa. Sa Senate Resolution 874, nais ni Villanueva na silipin ng kaukulang kumite ng Senado ang kakayahan ng healthcare system ng Pilipinas na harapin ang posibleng pagtaas ng kaso o outbreak ng mga respiratory illness. Binigyang-diin ng majority leader na kailangang paigtingin ng department of health(DOH) at iba pang concerned agencies ang minimum public health standard…

Read More

SC KUMPIYANSANG MAREREPORMA MGA PIITAN

IPINAGMALAKI ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi masasayang ang pagsisikap ng iba’t ibang sektor na tumaas ang kalidad at sistema ng mga city jail sa Pilipinas. Sa dalawang araw na National Decongestion Summit na ginanap sa Diamond Hotel sa Pasay, tiniyak din ng punong mahistrado ang paggamit ng teknolohiya para umusad nang mabilis ang mga kaso. Kabilang dito ang paggamit ng email para sa mga dokumento ng isang inabsuweltong bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP). Una nang pinansin ng mga opisyal ng BJMP ang online na paglilitis…

Read More

PAGBABAWAL SA NO PERMIT, NO EXAM POLICY APRUB SA SENADO

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang reconciled version ng panukala na nagbabawal sa pagpapatupad ng No permit, no exam policy sa mga paaralan. TIniyak ni Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education Chairman Chiz Escudero na ang bersyong inaprubahan ng bicameral conference committee ay suportado ng mga kinatawan ng education sector sa pangunguna ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA). Sinabi ni Escudero na maituturing na isa sa mga legasiya na kanilang maiiwan ang batas na magbabawal nang ipatupad ang ” No permit, No exam policy” na matagal ng…

Read More