Pekeng UST diploma nabisto DA SECRETARY BUDOL MAN DIN?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMUGONG kahapon ang balita kaugnay ng ‘pamemeke’ umano ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ng diploma para palabasing nagtapos siya sa University of Santo Tomas (UST). Ngunit agad itong pinabulaanan ng kalihim. Ang totoo, ayon kay Tiu Laurel Jr., hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil naging batang ama siya sa edad na 19. Mali aniya ang mga kumalat na balita na graduate siya ng UST. Nabatid na maging ang The Varsitarian, ay nagpost sa X para pabulaanan na nagtapos sa kanilang paaralan si Tiu Laurel.…

Read More

CONSING ITINALAGANG CEO NG MAHARLIKA CORP.

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC). Si Consing ay kasalukuyang Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) sa ilalim ng administrasyong, responsable siya sa pagpapatakbo ng “day-to-day operations” ng OPAIEA, nagpapatakbo ng napapanahong paghahatid ng investment projects, at nagbibigay ng policy recommendations para isulong ang “investment at economic agenda” ng Pangulo. Bago pa ang pagtatalaga sa kanya sa government service, nakita rin ang…

Read More

‘THE GREAT RESIGNATION’ NAMUMURO SA PINAS

NAMUMURO ang tinatawag na “The Great Resignation” sa hanay ng mga manggagawa sa Pilipinas dahil binabarat ang mga ito ng kanilang mga employer at maging ng gobyerno sa kanilang sahod. Ito ang nabatid mula kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kaya hinamon nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na abatan ngayon pa lamang ang problemang ito dahil kung hindi ay babagsak ang mga industriya sa bansa kapag tuluyan na silang layasan ng kanilang mga empleyado. “The ‘Great Resignation’ phenomenon, which has been observed globally, has significantly affected various industries…

Read More

ROMUALDEZ GUSTONG BABUYIN NG HACKERS

HALOS isang buwan matapos ma-hack ang website ng Kamara de Representantes, ang social media account naman ni House Speaker Martin Romualdez ang tinangkang babuyin ng hackers. Ito ang kinumpirma mismo ni Romualdez matapos matuklasan ng kanyang communication team na nagkaroon ng access ang mga hindi kilalang hackers sa kanyang Facebook account. “I was informed by the communications team of the Office of the Speaker that my official social media accounts have recently been subjected to unauthorized access by unknown individuals,” ani Romualdez. Magugunita na noong October 15, 2023 ay binaboy…

Read More

TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY HIRIT SA P500-B MIF FUND

LALONG nanganganib ang P500 billion na magiging pondo ng Maharlika Investment Fund (MIF) dahil sa pinalawig na kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kawalan ng responsibilidad ng mga taong itatalaga niya na mamahala sa nasabing pondo ng bayan. Ito ang kinatatakutan ni House deputy minority leader France Castro kaugnay ng bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF law kung saan binigyan ng kapangyarihan si Marcos na pumili ng mga magiging board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC). Ayon sa mambabatas, patunay lamang ang bagong probisyong ito…

Read More

PNP NAALARMA SA DUMARAMING KASO NG KIDNAP SLAYING

LUBHA na umanong nakaaalarma ang dumaraming bilang ng mga kaso ng pagdukot, kidnap for ransom at pagpatay sa Chinese nationals sa bansa na pawang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na sinasabing dinukot at ipinatutubos ng mga kapwa nila Chinese. Nitong nakalipas na linggo, tatlong Chinese national na pawang POGO workers, ang na-rescue sa Meycauayan, Bulacan. Kasunod nito ang ulat na isang babae at isang lalaki na pinaniniwalaang Chinese nationals, ang pinatay at itinapon sa isang construction sites sa Laguna. Ayon sa ulat, dalawang bangkay ng hinihinalang mga biktima ng…

Read More

UNITEAM WASAK KAY ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SI House Speaker Martin Romualdez ang itinuturong lumikha ng lamat na nagdulot ng pagkawasak ng UniTeam. Ito ay matapos pagkasunduan sa mababang kapulungan na alisan ng confidential funds si Vice President Sara Duterte. “Tingin natin yung uniteam ay meron nang lamat dahil sa position sa iba’t ibang isyu lalo na itong confidential funds,” ani House deputy minority leader France Castro. Magugunita na nagdesisyon ang liderato ng Kamara na sinuportahan ng iba’t ibang political party sa kapulungan ang paglipat sa P1.23 billion confidential funds sa Philippine Coast…

Read More

BAN TIKTOK NAMUMURO

MALAKI ang posibilidad na ikasa ang nationwide ban sa social media platform TikTok kapag napatunayan na nakaugnay ito sa cyber espionage. Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na kasalukuyan na nilang tinututukan at nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa bagay na ito bilang tugon na rin sa utos ni National Security adviser Eduardo Año. Sa katunayan, tinitimbang nilang mabuti ang potensiyal na banta na bitbit ng social media application sa national security ng bansa. “Iyong mga apps na ganyan may mga features na pwedeng gamitin para…

Read More

DA SA MGA PINOY: ‘WAG MAG-AKSAYA NG BIGAS

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita. Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng “Be RICEponsible” campaign ng DA, isinama ng ahensiya ang mga mamimili para makaiwas sa rice wastage na tinatayang P7 milyong piso kada taon, tulungan ang mga lokal na magsasaka at bigyan ang publiko ng healthy food choices.…

Read More