PUJ DRIVERS MAWAWALAN NG KAYOD NGAYONG DISYEMBRE

SA halip na aguinaldo ngayong Pasko ang matanggap ng mga Public Utility Jeep (PUJ) driver mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mawawalan ang mga ito ng trabaho. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil itutuloy umano ng gobyerno ni Marcos na tanggalin sa mga kalsada o phaseout ang mga tradisyunal jeep pagsapit ng December 31, 2023. “Ito ang pamaskong handog ng ating gobyerno: malawakang kawalan ng trabaho at kabuhayan,” ani Brosas. Ayon sa mambabatas, wala nang atrasan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)…

Read More

CONFI FUNDS UGAT NG PAGKAWASAK NG UNITEAM

(BERNARD TAGUINOD) TULUYAN nang nagkalamat ang UniTean nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na nag-ugat umano sa pagtanggal ng Kamara sa confidential funds ng huli. Ito ang tingin ni House deputy minority leader France Castro matapos sibakin ni House Speaker Martin Romualdez bilang deputy speaker ang dalawang kaalyado ng mga Duterte na sina Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Davao City Rep. Isidro Ungab. “Tingin natin yung uniteam ay meron nang lamat dahil sa position sa iba’t ibang isyu lalo na itong confidential funds,” ani…

Read More

LEAKAGE NG IMPORMASYON MULA SA EXECUTIVE SESSION NG SENADO, IIMBESTIGAHAN NG ETHICS COMMITTEE

KINUMPIRMA ni Senate Committee on Ethics and Privileges chairperson Nancy Binay na ikoconvene nila ang kumite upang talakayin ang atas ni Senate President Juan Miguel Zubiri na imbestigahan ang sinasabing leakage ng impormasyon mula sa kanilang isinasagawang all senators caucus noong Lunes, November 6. Kasunod ito ng pag-alma ng mga senador sa lumabas na artikulo kaugnay sa walo hanggang siyam na senador na naggigiit na ibalik ang confidential fund ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte at ng Department of Education. Ipinaliwanag ng kumite na alinsunod sa Section 126 ng…

Read More

KAMARA KINALAMPAG NA MANINDIGAN VS POGO

MULING pinag-initan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na patuloy pa ring namamayagpag sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa kanyang privilege speech, kinalampag ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang liderato ng Kamara na manindigan at tuluyang buwagin ang POGO operations sa bansa dahil walang mabuting idinudulot ito sa bansa kundi perwisyo dahil sa iba’t ibang krimeng kinasasangkutan ng mga operator nito. “Mga kaibigan. Mga kasama. Mr. Speaker, the time has come to finally shut the door to POGOs and ensure…

Read More

GLORIA WALA NANG INTERES SA SPEAKERSHIP

WALA na umanong interes si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Speakership sa Kamara de Representantes kahit sa mga susunod na Kongreso. Ito ang idineklara ni Arroyo matapos sibakin ito bilang Deputy Speaker kasama si Davao City Rep. Isidro Ungab sa sesyon ng Kamara noong Martes ng gabi, isang araw pagkatapos aprubahan ang House Resolution (HR) 1414 para suportahan si Speaker Martin Romualdez sa gitna umano ng pag-atake ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kapulungan. “Some people told me that I was stripped of the ‘Deputy Speaker’…

Read More

DPWH, DSWD NANGUNGUNANG GASTADOR SA GOBYERNO

NANGUNA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paggasta ngayong third quarter ng taon. Ito ang isiniwalat ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa Palace press briefing, araw ng Martes matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bagama’t una nang tumanggi si Edillon na sagutin kung ano ang mga ahensya ng pamahalaan ang nag-improve ang kanilang paggasta, kalaunan ay sinabi nito na nanguna ang DPWH pagdating sa capital spending na sinundan naman ng…

Read More

PAGLABAG NG SMNI SA BROADCASTERS CODE PINASISILIP SA NTC

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang grupo ng mga mambabatas sa National Telecommunication Commission (NTC), ang posibleng paglabag ng Sonshine Media Network International (SMNI) ni Apollo Quiboloy. Kasama ito sa nilalaman ng House Resolution (HR) 1428 na inakda ng Makabayan bloc para hilingin sa Kamara na kondenahin ang direktang pagbabanta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay House Deputy Minority Leader at ACT Party-list Rep. France Castro. Ayon sa resolusyon, hindi dapat palagpasin ng NTC ang patuloy na paglabag ng SMNI at maging si Duterte, sa Code of Ethics ng sector ng pamamahayag at…

Read More

P500-B ISUSUGAL PA RIN SA MAHARLIKA

BAGAMA’T isinapinal na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) law, nanganganib pa rin ang P500 billion na pera ng bayan na isusugal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ginawa ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares ang nasabing pahayag matapos ianunsyo ng Malacanang na isinapinal na ang IRR ng nasabing batas matapos itong suspendehin noong nakaraang buwan. Ayon sa dating mambabatas, 11 buwan ang nakalipas mula nang ipasa sa Kamara ang nasabing panukala noong December 2022, bago isinapinal ang IRR na isang indikasyon na hindi ito…

Read More

TEAM UNITY NO MORE

TULUYAN nang nawasak ang UniTeam sa pagitan ng pamilyang Marcos at Duterte matapos magkaisa ang Kamara laban sa umano’y pag-atake ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang institusyon. Ito ang obserbasyon ng ilang political observer sa Kamara matapos ipasa ng kapulungan ang House Resolution (RH) 1414 na nagdedepensa sa integridad ng kapulungan at pagsuporta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez. “Yan na ang huling pako sa UniTeam,” komento ng political observer na hindi na babanggitin ang pangalan. Posibleng tuluyan na aniyang maghihiwalay ang dalawang pamilya na nagkaisa noong nakaraang…

Read More