Kahit panay ang epal MARTIN KULELAT PA RIN SA SURVEY

NANGULELAT pa rin si House Speaker Martin Romualdez maging sa survey ng Tangere nitong Oktubre. Si Romualdez ay nakakuha ng 0.45% lamang na boto mula sa respondents. Sa kabila ito ng ‘pag-epal’ ng lider ng Kamara sa mga kasalukuyang usapin at ang panghihimasok sa trabaho ng Executive department. Matatandaang kinastigo sa social media ang lider ng Kamara dahil halatang sumasakay anila ito sa mga isyu para magpabida. Isa na riyan ang pagsama niya sa mga raid sa warehouse ng bigas ngunit wala namang nahuhuling smuggler. Nanguna naman sina Senador Raffy…

Read More

11.6M SENIORS BOBOTO NGAYON

SA mahigit 90 milyon na botante para sa BSKE, tinatayang nasa 11.6 milyon ang senior citizens na kasamang dadagsa sa mga voting precinct sa bansa ngayon. Ayon kay Atty. Franklin Quijano, chairman ng National Commission for Senior Citizens, masasabing malaking bilang mula sa hanay ng seniors ang makikiisa sa idaraos na BSKE 2023. Kaugnay nito ay nagpapasalamat si Quijano dahil tinupad ng Commission on Elections (Comelec) ang pangako na maglaan ng special polling precincts para sa mga senior citizen para sa mas magaan o maginhawa nilang pagboto at ang pagbibigay…

Read More

28% SA SAHOD NG OBRERO NALUSAW KAY MARCOS

MULA nang manungkulan bilang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bente otso porsyento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa ang nalusaw dahil hindi nito mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kailangang igiit na ng mga Pilipinong manggagawa na ipasa ang panukalang batas para sa P750 across the board wage increase sa buong bansa. “Sa paltry. Paltry ang tawag namin… na inapruba ng mga regional wage board, barya-barya na ang inapruba at installment pa sa (ibang rehiyon),” ayon sa mambabatas. Sa…

Read More

BBM NAGPASAKLOLO NA SA LGUs SA P20 BIGAS

SA kagustuhang mabigyang katuparan ang ibinandera noong panahon ng kampanya na ibababa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P20 kada kilo ang bigas, hinimok na ng Malakanyang ang mga local government unit na makipagtulungan. Ayon sa Department of Agriculture (DA), ‘double time’ na ang kanilang pagtatrabaho para matupad ang pangako ni Pangulong Marcos Jr. Sa isang kalatas ng Malakanyang, sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa na ang departamento, LGUs at mga magsasaka ay nagsanib-puwersa para maibaba ang presyo ng bigas sa halagang P20.00 hanggang P25.00 kada…

Read More

PAGPONDO NG CHINA SA MINDANAO RAILWAYS TINABLA NA NG PINAS

TULUYAN nang binitiwan ng Pilipinas bilang funding source ang China para sa Mindanao Railway Project. Sa katunayan, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na wala nang balak ang Pilipinas na ituloy ang Chinese loan financing para sa nasabing proyekto. Sa sidelines ng 49th Philippine Business Conference and Expo sa Maynila, kinumpirma ni Bautista na tuluyan nang binitiwan ng gobyerno ang official development assistance (ODA) financing ng Tsina para sa pangunahing railway project sa Mindanao. “Wala na… We’re now talking to other possible ODA partners,” ayon kay Bautista sabay sabing hindi…

Read More

NO WINDOW SCHEME NG MMDA KINONTRA

TINAWAG ng isang mambabatas sa Kamara na isang uri ng “band-aid solution” ang pag-alis ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa window hour sa number coding scheme ngayong holiday season. Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano, bagama’t makatutulong ang bagong no window hours para mabawasan ang mga sasakyan sa mga lansangan ay posibleng maging dahilan ito para bumili ng bagong behikulo ang mga may kakayahan sa buhay. “The no-window scheme may be another band-aid solution or that it may result to a very minimal traffic change,” ani Valeriano. Kailangang aniyang…

Read More

NETIZENS CORNER “Sumisipsip lang kay BBM” GOV. GWEN SUPALPAL SA PAG-EPAL

HINDI ikinatuwa ng netizens ang maganda sanang balita ni Cebu Governor Gwen Garcia na magbebenta ang lalawigan ng P20 kada kilo ng bigas. Ayon sa gobernador, ito ay bilang suporta sa adhikain ng administrasyong Marcos na mabigyan ang mamamayan ng murang bigas. Pagmamalaki ni Garcia, ang kanyang lalawigan ang unang makapagbebenta ng NFA rice ng P20 kada kilo, ngunit iaalok muna ito sa mahihirap na pamilya. Naglaan umano ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng pondong P100 milyon para makabili ng bigas sa NFA at saka ito ibebenta. Ito ay alinsunod…

Read More

GASTOS NG BBM ADMIN LUMOBO NG HIGIT P250-B

MAS malaki ang ginastos ng pamahalaan kaysa pumasok na kita hanggang nitong Setyembre ng taong kasalukuyan. Sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), lumobo pa ang budget deficit ng pamahalaan na naitala sa P250.9 bilyon. Ang budget deficit ay ang mas malaking gastusin ng gobyerno kaysa sa kinikita nito. Ito ay mataas ng P71.2 bilyon kumpara noong isang taon sa parehong mga buwan na naitala sa kabuuang P179.8 bilyon. Idinahilan dito ang maraming gastusin ng pamahalaan na sinamahan ng 11.57% na kabawasan sa government receipts. Ilan sa mga pinagkagastusan ay…

Read More

BIDEN, AUSTRALIAN PM TINIYAK SUPORTA SA PINAS

KAPWA nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang Amerika at Australia kaugnay ng sigalot sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). “THE visit of the Reagan is a symbol of the partnership and the alliance that we have with the Philippines,” ayon kay US Embassy in the Philippines Spokesperson Kanishka Gangopadhyay. Ayon sa US Embassy in Manila, prominenteng nabanggit sa pagpupulong nina US President Joe Biden at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang Pilipinas, maging sa kanilang inilabas na joint statement matapos ang kanilang pagpupulong. “We strongly oppose destabilizing actions in…

Read More