PINUNA ng isang commuters’ group nitong Linggo ang pagsawsaw ng Makati Business Club (MBC) sa mga desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman. “Mind your own business,” ang ipinarating na mensahe ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa MBC matapos maglabas ang huli ng pahayag na pinarerekonsidera kay Office of the Ombudsman Chief Samuel Martires ang desisyon nitong alisin na sa serbisyo sina Manila International Airport Authority (MIAA) acting general manager Cesar Chiong at acting assistant general manager Irene Montalbo, dahil sa kasong ‘grave abuse of authority’. “The Makati…
Read MoreCategory: NASYUNAL
RICE CARTEL PROTEKTADO SA MARCOS ADMIN?
PROTEKTADO hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang rice cartel sa bansa na unti-unting pumapatay sa mga lokal na magsasaka. Ito ang alegasyon ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos kasunod ng isinagawang raid sa mga bodega sa Bulacan na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez. “We want to believe that the latest raid of several rice warehouses in Bulacan is not just for show and some brownie points,” ani Ramos dahil wala naman aniyang nahuli kundi kinumpiska lang ang may 202,000 sako ng…
Read MoreIMPEACH VP SARA MALABO PA
MAITUTURING pang suntok sa buwan ang pagpapa-impeach kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte dahil kontrolado ng Malacañang, hindi lamang ang mayorya sa Kamara kundi maging ang karamihan sa minorya. Maging si House deputy minority leader France Castro ay aminadong “premature” pa para pag-usapan ang pagpapa-impeach kay Duterte dahil sa paggamit nito ng P125 million intelligence at confidential funds (CIF) sa unang anim na buwan ng kanyang pagiging bise presidente gayung hindi binigyan ng nasabing pondo ang tanggapan na inilipat sa kanya ni dating Vice President…
Read MoreEXTORTION, CORRUPTION LALALA SA IMMIGRATION
POSIBLENG lumala ang corruption at extortion sa Immigration kapag hindi binawi ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong patakaran sa mga bibiyaheng Pilipino palabas ng bansa. Ito ang babala ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kaugnay ng inilabas na bagong guidelines ng IACAT na ayon sa mambabatas ay paglabag sa constitutional rights ng mga Pilipino na bumiyahe. “I am afraid that’s where extortion, harassment and corruption will arise,” pahayag ni Rodriguez. Dahil dito, ipinakokonsidera ng mambabatas sa IACAT na pinamumunuan ni Justice Secretary Crispin Jesus “Boying”…
Read MoreSa gitna ng problema sa agrikultura BBM LAGING ABSENT SA DA
HINDI dinadaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga importanteng pulong sa Department of Agriculture (DA) kung saan siya ay Secretary. Ito ang inamin ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa pagtatanong ni Northern Samar Rep. Paul Daza sa pagdinig ng House committee on appropriation sa budget ng ahensya sa susunod na taon. Sa dalawang group meeting umano ng ahensya na kanilang ginawa sa nakaraang anim na buwan ay hindi dumalo si Marcos kaya tanging top officials ang nagpulong. Gayunman, nilinaw ni Panganiban na nakikipagpulong siya kay Marcos sa…
Read MoreEMBO RESIDENTS MAKIKINABANG SA SCHOLARSHIP PROGRAM NG TAGUIG
ISA ang innovative education program ng Taguig City sa pakikinabangan nang husto ng mga estudyante ng Embo Barangays na ngayon ay parte na rin ng lungsod. Ayon kay JV Arcena, Assistant Secretary for special concerns and international press secretariat sa ilalim ng Office of the Press Secretary at dati ring Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs noong Duterte Administration, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante, sa Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang…
Read MoreDIOKNO SINOPLA SA PAGPAPATIGIL SA FREE COLLEGE EDUC PROGRAM
SINOPLA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa plano nitong ipatigil ang “free college education program”. Katwiran umano ng kalihim ay malaki ang ginagastos sa programa at hindi lahat ng mahihirap ay nabebenipisyuhan nito. “I am against the proposal to stop the program because it benefits many poor but deserving high school graduates who cannot otherwise pursue college education without government financial assistance,” pambabarang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez. Kinontra ng mambabatas ang katuwiran ni Diokno na hindi “sustainable”…
Read MoreCHR TINIYAK KOOPERASYON SA ICC
HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Gayunman, walang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang tulong ng komisyon kaugnay sa anomang kaso. Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan lumabas na 3-2 ang boto…
Read MoreP20/K NG BIGAS MALABO —DA
MALABONG mangyari ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bababa ng P20 ang kada kilo ng bigas. Ito ang inamin ng Department of Agriculture (DA) sa pagdinig ng Kamara sa kanilang budget sa susunod na taon matapos uriratin ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung bababa na sa P20 ang presyo ng bigas kapag naging self-sufficient ang bansa pagdating ng 2028. “Does it means Mr. chairman pagdating nung self sufficiency level natin maabot na rin natin yung P20 na campaign promise ng ating Pangulo?,” tanong ni Hataman matapos…
Read More