MISTULANG pag-abswelto sa rice cartel ang pagbalewala rito ng Department of Agriculture (DA). Ito’y dahil hindi umano naniniwala ang DA a may ganitong grupo bagaman matagal nang pinag-uusapan na may kartel sa bigas na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino. “I don’t believe in rice cartel,” sagot ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian sa tanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na “do you believe in rice cartel”. Medyo uminit ang ulo ni Abante sa sagot ni Sebastian dahil maging ang Philippine Competition Commission (PCC)…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Hiningi ng Comelec at Taguig BOTANTE NG 10 EMBO BARANGAYS DAPAT I-TURNOVER NG MAKATI
KASUNOD ng pagkilala ng Commission on Elections (Comelec) sa 10 Embo Barangays bilang bahagi na ng Taguig, umapela ang komisyon at ang Taguig LGU ng kooperasyon mula sa Makati City. Matatandaan na sa pagbubukas ng Brigada Eskwela ay nagkaroon ng tensyon sa EMBO schools na bibisitahin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at volunteers nang harangan ang daan patungo sa mga paaralan at nagpaskil din ng malalaking banner na nagsasabing pagmamay-ari ng Makati City ang mga school building. Ang tensyon ay nangyari sa kabila ng malinaw na memorandum order na…
Read MoreKASUNDUAN KAY VP AT DEPED SEC. SARA NILABAG NI MAYOR ABBY
HINDI na dapat nakialam ang Makati City sa Embo Schools matapos ang ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte subalit ilang guro ang nagreport ng paglabag ng lungsod sa kautusan. Ini-report ng mga guro ang ilang paglabag umano ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School. Ang nasabing school supplies ay pinadeliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati. Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng…
Read MoreREPORMA SA PROCUREMENT LAW, DAPAT MAGRESULTA SA MABILIS NA PAGBILI NG DEFENSE EQUIPMENT
PINATITIYAK ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na mapapadali ang pagbili ng bansa ng mga modernong defense equipment sa sandaling maisulong ang reporma sa procurement law. Ito ay sa gitna na rin anya ng pangangailangan ng bansa na palakasin ang proteksyon sa ating teritoryo partikular sa mga kaganapan sa West Philippine Sea. Sinabi ni Zubiri na dapat matiyak na sa isusulong na reporma ay mahigpit pa rin ang procurement process subalit mabilis na upang makarating ang tamang equipment sa tamang presyo at oras. Ipinaalala ng senate leader na dapat…
Read MoreImbestigasyon sa akusasyon ng China ihihirit ‘TRAYDOR’ HUHUBARAN NG MASKARA SA KAMARA
IKINOKONSIDERA ng isang mambabatas na magpatawag ng imbestigasyon upang mahubaran ng maskara kung sino ang traydor na nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ginawa ni House deputy minority leader France Castro ang pahayag matapos kapwa itanggi nina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo na nangako sila sa China. Malamang aniya na hindi si dating Pangulong Simeon Benigno “Noynoy” Aquino III ang nangako dahil siya ang naghain ng kaso sa Permanent Court of Arbitration laban sa China kung saan nanalo ang Pilipinas. “Even…
Read MoreNINOY ASSASSINATION TUMAPOS KAY MARCOS
HINDI na mabubura sa kasaysayan na lumaya ang Pilipino sa corrupt at mapang-abusong rehimen ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., bukod sa naibalik ang demokrasya nang patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., 40 taon na ang nakararaan. Ito ang bahagi ng pahayag ng pangulo ng Liberal Party (LP) na si Albay Rep. Edcel Lagman sa 40th death anniversary ni Aquino kahapon. “Filipinos manifest their love of country in different ways like doing their civic duty, crusading for meaningful reforms, resisting oppression and repression, campaigning for a…
Read MoreSTUDENTS BINIBILAD NI SARA SA FAKE NEWS
LALONG nagiging bulnerable umano sa fake news ang mga estudyante sa mga public school dahil kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang pahayag dahil patuloy aniyang nirered-tag ni Duterte ang kanilang organisasyon na binubuo ng mga public school teacher na naghahangad lang ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. “Students are indeed vulnerable to fake news especially if the Secretary of the Department of Education and concurrent Vice President herself is the No. 1 red-tagger in government,”…
Read MoreMARCOS AT MGA KASABWAT LANG BUSOG SA 2024 BUDGET
TANGING si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at mga kasabwat nito ang makikinabang sa P5.768 trillion budget sa susunod na taon. Ito ang alegasyon ng Gabriela party-list na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos busisiin ang nasabing pondo na ngayon ay nakasalang sa committee deliberation sa Kamara. “The promises of the 2024 National Expenditure Program (NEP) to ‘strengthen the capabilities’ and ‘protect the purchasing power of the people,’ is really nothing more than lip-service. All who stand to gain from its allocations are Marcos and…
Read MoreNETIZENS: GIYERA NI MARCOS VS SMUGGLERS LAWAY LANG
HINDI naniniwala ang mga netizen na seryoso ang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa smugglers, hoarders at price manipulators. Maituturing lang anilang ‘laway’ o bunga ng matatamis na pananalita ang babala kamakailan ng Pangulo laban sa mga pinaghihinalaang dahilan ng pagsirit ng presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produkto sa merkado. Ito ay dahil sa pagkakaugnay mismo ng ilang malalapit sa Unang Pamilya sa smuggling. Mababasa sa mga komento sa social media na hindi sineryoso ng publiko ang pagbabanta ng Pangulo. Mayroon pang nagpayo na unahin ng…
Read More