HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Teacher Education Council (TEC) na tiyakin ang ugnayan sa pagitan ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa kakalunsad lamang na ‘MATATAG’ K to 10 curriculum. Ipinaalala ng senador na nakatutok ang bagong K to 10 curriculum sa mga foundational skills tulad ng literacy at numeracy, kasama na rin ang values education at peace competencies. Sinabi ni Gatchalian na dahil ang mga guro ang may pinakamahalagang papel sa pagkatuto ng kabataan, kailangang tiyaking ang kanilang edukasyon at pagsasanay ay akma at tugma sa mga…
Read MoreCategory: NASYUNAL
We know what you did last summer – Odoño SMARTMATIC, FL LIZA IBUBUKING
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SISIKAPIN ni retired colonel Leonardo Odoño na mabunyag ang aniya’y ginawa ni First Lady Liza Araneta Marcos at ng Smartmatic upang matiyak ang panalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakaraang May 9, 2022 elections. Aniya, kulang isang oras mula nang isara ang botohan, ay agad nang nagdiwang ang kampo ni Marcos, kasunod ng kasiguruhan ng kontrata ng Smartmatic para sa 2025 election. Kaugnay nito, nais ni Odoño na ma-impeach ang lima sa pitong Comelec commissioners. Ngunit hindi umano ito dito matatapos, nais din niyang…
Read MorePINAS, DAPAT MAGLAGAY NG ARCHIPELAGIC SEA LANE
ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang panukalang maglalagay ng archipelagic sea lane sa bansa sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea. “Mahalagang magpasa tayo ng batas na magtatalaga sa mga archipelagic sea lanes para sa pambansang seguridad at para maprotektahan ang interes ng bansa sa ekonomiya at kapaligiran, lalo na sa West Philippine Sea,” saad ni Gatchalian sa inihaing Senate Bill 2395 o ang proposed Philippine Archipelagic Sea Lanes Act. “Kailangan nating siguruhin na mapoprotektahan ang seguridad…
Read MoreMEDICAL MARIJUANA BILL UMUSAD NA SA KONGRESO
UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana na bukod sa makatutulong umano sa mga may sakit ay makapag-aakyat ng limpak-limpak na salapi sa gobyerno at karagdagang trabaho. Sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, bumuo na ang mga ito ng technical working group (TWG) para pag-isahin ang walong panukalang batas na kinabibilangan ng mga panukala nina Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at…
Read MorePAGASA ISLAND, GAWING FISHING HUB – PADILLA
NANGAKO si Senador Robin Padilla na pagsisikapang maisakatuparan ang mga programa para sa Pagasa Island kasama na ang pag-develop dito bilang fishing hub. “Kailangan ma-develop natin ang Pagasa Island para pag na-develop natin ito, ang mga civilian nandito talaga. Huwag na kayong umalis. Imbes na pakaunti kayo kailangan dumami kayo. At sana ang mga proyekto ng ating kaibigan si Dick Penson gawing fishing hub ito, ang lugar na ito magiging pugad ng mangingisda,” saad ni Padilla. Ginawa ni Padilla ang pahayag sa kanyang pagbisita sa isla at iginiit na sa…
Read MoreDEBATE SA ROTC LUMARGA SA SENADO
UMARANGKADA na ang debate sa plenaryo ng Senado kaugnay sa panukalang pagbuhay sa Mandatory ROTC program sa kolehiyo. Nakapaloob ito sa Senate Bill 2034 na naglalayong palitan na ang National Service Training Program (NSTP) at inisponsoran ni Senador Ronald Bato dela Rosa. Unang nagpahayag ng pagkontra sa panukala si Senador Francis Chiz Escudero na naggiit na hindi naman sasapat ang ROTC program upang sanayin ang kabataan na depensahan ang bansa at ang ating teritoryo. Ipinaliwanag ni Escudero na sa ilalim ng ROTC, tinuturuan ang mga estudyante na magmartsa, tumayo at…
Read MoreMabilisang aksyon vs middlemen hirit kay Marcos PRESYO NG BIGAS NAMUMURO SA P60/KILO
PINAKIKILOS ng isang grupo ng mga magsasaka si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban sa posibleng pagsasamantala ng middlemen sa local rice industry na posibleng magpalala sa krisis sa bigas sa bansa. Ginawa ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas ang panawagan matapos mapaulat na umaabot sa P34 ang kada kilo ng palay sa Bulacan at posibleng umabot pa ito sa P38 sa susunod na linggo na magreresulta naman ng mas mataas na presyo ng bigas. “Eversince di pa umaabot sa ganung presyo ng palay. Kahit P25 nga bihira eh,”…
Read MorePOGO AT PEKENG SIGARILYO NAGKALAT SA CENTRAL LUZON!
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKING hamon ngayon para sa liderato ni Police Regional Office (PRO) 3 chief Brig. Gen. Jose Hidalgo ang patuloy na pamamayagpag ng POGO at gawaan ng pekeng sigarilyo sa buong Central Luzon. Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng SAKSI Ngayon, habang walang humpay ang ginagawang raid sa mga POGO hub sa Las Piñas City at Pasay City kamakailan, ang mga POGO operations naman sa Subic at Angeles City ay tuloy lamang sa paggawa ng anomalya. Bukod dito, maging ang pagawaan ng pekeng sigarilyo ay naglipana na rin…
Read More4 RECLAMATION PROJECTS SINUSPINDE
SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apat na reclamation projects makaraang idulog ng ilang opisyales ng lalawigan ng Bulacan ang pangangailangan na bigyan ng sapat na engineering intervention ang proyekto. Sinabi ng Pangulo na isinasailalim sa masusing pagsusuri ang apat na reclamation projects habang may isa naman ang itinuloy matapos ang kaukulang pagrerebisa. Winika ng Pangulo na marami na silang nakitang problema gaya ng hindi magandang patakbo sa ginagawang proyekto kaya’t ipinasuspinde muna ang mga ito. Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat na maisaayos ang nakitang problema lalo’t maraming…
Read More