‘Pumapel’ sa sablay na Tourism campaign PAUL SORIANO NILAGLAG NG DOT

MISTULANG inilaglag ng Department of Tourism (DOT) si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano sa kontrobersyal na logo at promotional video ng nasabing ahensya. Sa budget hearing ng DOT kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, tinanong ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel si Secretary Ma. Esperanza Christina Garcia-Frasco kung nakialam ba si Soriano sa paggawa ng logo at promotional video ng ahensya. Ipinasa kay DOT Undersecretary for legal and special concern at chief of staff Atty. Mae Elaine Bathan ang pagsagot kung saan noong una ay mistulang umiwas ito.…

Read More

CAMPAIGN VS FAKE NEWS NI MARCOS SINOPLA

SINOPLA ng netizens si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong hikayatin ang mga Pilipino na ipaglaban ang katotohanan para makaiwas na maging biktima ng “disinformation at misinformation” o fake news. Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa isinagawang paglagda sa memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng mahahalagang ahensya ng pamahalaan at paglulunsad sa Media and Information Literacy (MIL) project ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Lunes. Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang diin nito na ang katotohanan ay palaging ‘casualty’ ng misinformation at disinformation, na nakaaapekto sa…

Read More

Wala raw ginastos na public funds sa fashion show FAKE NEWS NG PALASYO -NETIZENS

(CHRISTIAN DALE) HINDI kinagat ng publiko ang mabilis na tugon ng Palasyo ng Malakanyang na hindi gumamit ng pondo ng bayan sa fashion show noong isang linggo. Sa social media, mababasa ang mga komento ng mga netizen na tila nagsasabing fake news ang pahayag ng Malakanyang. Tanong nila, sino ang nagbayad ng kuryente, security, pagkain ng mga dumalo sa nasabing event na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex. Dagdag pa rito, may mga empleyado ng Palasyo na nag-overtime para sa nasabing okasyon. Sakali rin anilang sumailalim sa Covid swabbing…

Read More

Taguig tells Makati: TIGILAN ANG FAKE NEWS, TUNAY NA SERBISYO PUBLIKO TUTUKAN

INAKUSAHAN ng Taguig LGU na nagsinungaling muli sa publiko si Makati City Administrator Claro Certeza. Ito ay nang ipahayag umano ni Certeza na ang mga opisyal ng Taguig City ay “tinanggihan ang alok mula sa Makati na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng uniporme, sapatos, supply at iba pang pangangailangan sa paaralan ng humigit-kumulang 30,000 mga mag-aaral sa pampublikong paaralan” na apektado sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na ibalik ang hurisdiksyon ng 10 barangay mula Makati hanggang Taguig. Sinabi ni Atty. Certeza na ang alok umano ay ginawa sa…

Read More

GMA, ROBES “OUTSTANDING PERFORMANCE” SA CL – SURVEY

KINILALA sa “Boses ng Bayan” ng RP Mission and Development Foundation Inc.(RPMD) sina Rep. Florida Robes ng San Jose del Monte City at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kanilang outstanding legislative performance and constituent service. Kasama nila sa unang pwesto si Rep. Jefferson “Jay” Khonghun ng Zambales. Ayon sa RPMD, ang tatlong kinatawan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa Central Luzon Region ay sumailalim sa masusing ebalwasyon para sa independent, non-commissioned Survey ng miyembro ng Kongreso. Inihayag ni Dr. Paul Martinez, Executive Director of RPMD, ayon sa pagkakasunod,…

Read More

P2-B UTANG SA PAGCOR TINAKASAN NG POGO

TINAKBUHAN ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanilang pagkakautang noong nakaraang taon. Ito ang kinumpirma ni PAGCOR chairman Alejandro Tengco sa budget hearing kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan umaabot umano sa P2.2 billion ang tinakasang utang ng POGO operators. Sa pagtatanong ni House minority leader Marcelino Libanan, inungkat nito ang report ng Commission on Audit (COA) na meron pang P2.3 billion collectibles ang PAGCOR sa mga POGOhan sa bansa noong 2022. “The said amount during the past administration…

Read More

BBM INUUNA LUHO HABANG HIKAHOS TAUMBAYAN -SOLON

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang fashion show sa Malacañang kamakalawa dahil pagdidisplay umano ito ng luho ng mga ruling class habang problemado naman ang mga karaniwang tao dahil sa mataas na presyo ng bigas. “At a time when social services are severely underfunded, it is unacceptable for public officials to engage in such lavish activities,” ayon sa grupo ni Brosas. Mistulang binubuhay rin umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga maluhong pagtitipon sa Malacañang noong panahon ng kanyang amang si yumaong…

Read More

Kahit tadtad ng kontrobersya P1.4-B MANILA BAY REHAB TULOY

(BERNARD TAGUINOD) TULOY ang rehabilitasyon sa buong Manila Bay sa gitna ng kontrobersya sa sangkatutak na reclamation projects na itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa Pampanga at Bulacan nang manalasa ang Bagyong Egay na sinundan ng Habagat. Ito ang kinumpirma ni House Committee on Metro Manila Development Vice Chairman at Quezon City Rep. Marvin Rillo kaugnay ng pondo ng rehabilitasyon ng Manila Bay sa susunod na taon. “The DENR’s Operational Plan for the Manila Bay Coastal Management Strategy will be receiving another P1.4 billion in 2024. The sum is in…

Read More

Patuloy sa pag-aalburoto 126 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MAYON

TINATAYANG umabot sa 126 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, iniulat nitong Agosto 14, 2023 (Lunes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, nakataas ang Alert Level 3 sa paligid ng Bulkang Mayon at naitala ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 km sa Mi-isi Gully ng bulkan. Ayon pa sa Phivolcs, naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 1500 metro, katamtamang pagsingaw ng usok nito na…

Read More