PUBLIC TEACHERS NILAGAY SA PANGANIB NG DEPED MEMO

HINDI bumenta sa Makabayan bloc ang depensa ng Department of Education (DepEd) na hindi profiling sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang kanilang memorandum na nag-aatas sa mga regional at schools division superintendent na isumite ang pangalan ng mga guro na miyembro ng nasabing organisasyon. Sa halip, humiling si ACT party-list Rep. France Castro sa liderato ng Kamara na suportahan ang kanilang resolusyon na imbestigahan ang motibo ng Regional Memorandum No. 0530, s. 2023 na inisyu ni Assistant Regional Director Pedro Escobarte at inayunan ni Regional Director…

Read More

MGA SENADOR KUNTENTO SA PAMUMUNO NI SP ZUBIRI

KUNTENTO at masaya ang ilang senador sa isang taong pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, epektibo ang leadership style ni Zubiri at naging produktibo ang Senado nitong 1st regular session ng 19th Congress. Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na isang patunay ng maayos na performance ang SWS survey kung saan nakakuha ng 68 percent net satisfaction rating ang Senado. Binigyang diin pa ni Villanueva na ang tiwala ng taumbayan ang kanilang motivation para mas maging epektibo sa kanilang…

Read More

FREEDOM OF INFORMATION BILL MULING TATALAKAYIN SA SENADO

NANGAKO si Sen. Robin Padilla na muli nang sisimulan ang pagtalakay sa Freedom of Information (FOI) bill sa Senado upang labanan ang fake news at maling impormasyon. Iginiit ni Padilla na may nakatakda nang pagdinig ukol sa fake news ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan. Gayunman, nanindigan ang senador na mas mainam kung i-certify itong priority bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Upang tiyak na makausad. Sa record ng Senado, apat na panukalang batas na may kinalaman sa FOI ang inihain nina Senators Grace…

Read More

DOJ PINA-IINHIBIT NG KAMPO NI TEVES SA DEGAMO CASE

HINILING kahapon ng kampo ni Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., na alisin ang Department of Justice (DOJ) sa paghawak sa murder case ni Gov. Roel Degamo. Kahapon ng tanghali, naghain ng motion to inhibit ang kampo ni Teves sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio laban sa DOJ Panel of Prosecutors. Sa kanyang mosyon, sinabi ni Teves na hinuhusgahan at hinahatulan siyang guilty sa kaso ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa mga pahayag nito sa media. Inaakusahan din ni Teves ang DOJ ng partiality, at sinabing…

Read More

MARCOS ADMIN MAGKAKASA NG DAGDAG-BUWIS

ASAHAN ang pagkakaroon ng bagong tax measures sa administrasyong Marcos ngayong taon partikular na ang karagdagang buwis sa sweetened beverages at junk food. “The revenue measures of the DOF (Department of Finance). Their revenue measures for sweet and salty beverages were planned to kick in by 2025, but what they did is, they will advance it to 2024. So they have now, when the Congress opens, now until the end of the year, they will push for the new revenue measures,”ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Kapihan sa Manila…

Read More

BBM ATAT NA SA MAHARLIKA

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) TILA hindi na makapaghintay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makarating sa kanyang tanggapan ang panukalang batas na lumikha sa Maharlika Investment Fund (MIF) para kanyang mapirmahan. Sa isang pahayag, siniguro ng Pangulo na kanyang agad lalagdaan ang panukala, sa kabila ng mga pagtutol dito ng iba’t ibang sektor. Aniya, kailangan muna niyang tingnan ang mga pagbabagong ginawa sa “approved version” ng Kongreso sa panukalang sovereign wealth fund, na aniya’y dapat independent mula sa gobyerno para maging matagumpay. “I will sign it as soon as I get…

Read More

PRANGKISA NG SMNI PINASISILIP NG AGRI WORKERS

IKINATUWA ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura ang pag-alis ng Youtube sa channel ni Apollo Quiboloy dahil sa pagiging wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng sex trafficking. “Good riddance,” ani Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA) spokesman Milton Lozande subalit nais ng mga ito na maging ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari rin ni Quiboloy ay maisara. Sinabi ng grupo na nagiging disinformation channel na ang SMNI News ni Quiboloy dahil lahat ng mga kritiko ng gobyerno ay kanilang nireredtag na naglalagay sa panganib…

Read More

Hanggang band aid solutions lang – solon MARCOS WALANG ALAM PERO KAPIT-TUKO SA DA

(BERNARD TAGUINOD) DAPAT bitiwan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) dahil hindi naman sapat ang pang-unawa at solusyon nito sa mga problema sa sektor ng agrikultura at agraryo. Dismayado si ACT party-list Rep. France Castro sa desisyon ni Marcos na manatiling kalihim ng kagawaran dahil tanging agricultural importers aniya ang makikinabang dito. Hanggang band aid lang aniya ang alam ni Marcos Jr., na solusyon sa sektor ng agrikultura kaya hangga’t hindi nito binibitiwan ang DA ay malabong makamit ang food security at mababang presyo ng…

Read More

HALAGA NG MINIMUM WAGE SA NCR P482 NA LANG

DAHIL sa hindi mapigilang paglobo ng inflation rate, nabawasan na ng P88 ang P570 minimum wage sa National Capital Region (NCR) kaya naglalaro na lamang ito sa P482. Kabilang ito sa rason ng mga manggagawa sa NCR wage board hearing kahapon sa Pasay City kaugnay sa kanilang petisyon na itaas ng P100 ang arawang sahod sa Metro Manila. “As of January 2023, workers have lost P88 in the value of the P570 minimum wage due to inflation. Thus, P100 is necessary to recover the purchasing power of workers’ wages,” ani…

Read More