Sa Rightsizing Act na suportado ng Kamara JOBLESS PINOY LOLOBO

(BERNARD TAGUINOD) KINONTRA ng tatlong mambabatas ang panukalang baklasin sa burukrasya ang may limang porsyentong empleyado ng gobyerno. Para kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, mangangahulugan ito ng paglobo ng bilang ng mga Pilipino na walang trabaho. “Sa panahon na nangangailangan ng trabaho ang mamamayang Pilipino, sabik na sabik ang gobyerno na isabatas ang National Government Rightsizing Act na magdudulot ng kawalan ng trabaho sa milyong manggagawa sa pamahalaan,” paliwanag ni Brosas sa kanyang botong “no” sa nasabing panukala. Nabatid na umaabot sa dalawang daan at siyamnapu’t dalawang (292) kongresista…

Read More

APRIL 10 DEKLARADONG REGULAR HOLIDAY

MAKAPAG-E-ENJOY ng long holiday sa pagdiriwang ng Mahal na Araw ng mga Katolikong Pilipino matapos ideklara ng Palasyo ng Malakanyang ang mga araw ng Abril 6-7, 2023 bilang mga opisyal na holiday sa bansa. Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga Katolikong Pilipino na magnilay-nilay alinsunod sa pagdiriwang ng Mahal na Araw. Bukod dito, idineklara rin ng Malakanyang na regular holiday ang Abril 10, Lunes, bilang Araw ng Kagitingan. “Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 of the year 2023 a regular holiday…

Read More

FISH PORTS SA 11 COASTAL PROVINCES TARGET NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Pilipino. Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Martes, Marso 14. Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang traditional landing ports sa bansa. Ang nasabing hakbang, ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa…

Read More

PCC, LTFRB PINAIIMBESTIGAHAN SA KAWALAN NG PARUSA SA GRAB PH

PINAIIMBESTIGAHAN ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa House committee on transportation ang Philippine Competition Commission (PCC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa kabiguan ng mga ito na ipatupad ang ipinataw nilang parusa sa Grab Philippines. Base sa House Resolution (HB) 860 na inakda ni Brosas, nais nitong pagpaliwanagin ang dalawang nabanggit na regulatory office kung bakit hindi nila kayang ipatupad ang kanila mismong kautusan sa Grab Philippines kaugnay ng isyu sa overpricing. “Ilang taon nang hindi ipinatutupad ng Grab Philippines ang refund order, bakit passive…

Read More

MT PRINCESS EMPRESS, 9 BESES NAGLAYAG NANG WALANG PERMIT TO OPERATE

HUWAG munang asahan ang insurance claims ng may-ari ng MT Princess Empress para sa kompensasyon sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro Oriental na umabot na rin sa Antique at Palawan dahil sa kawalan ng permit to operate. Ayon kay Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change Chairperson Cynthia Villar, malabong makuha ng RDC Reield Marine Services ang sinasabing $1 billion insurance claim dahil sa kakulangan ng dokumento. Sinabi ni Villar na mahihigpit ang mga insurance company kaya’t hindi makalulusot ang claims kung walang permit to operate…

Read More

Kindergarten nga in-person classes na – solon FULL F2F PLENARY SESSION IGINIIT

KUNG ang mga Kindergarten pupil ay 100 percent nang pinagre-report sa eskwelahan, nararapat lamang na personal na ring pumasok sa kanilang sesyon sa plenaryo ng Kamara ang mga kongresista. Ito ang nilalaman ng House Resolution (HR) 859 na inakda ng Makabayan bloc sa Kamara na humihiling sa liderato ng kapulungan na ibalik na ang full face-to-face plenary session. “It is unfortunate and ironic that while the country has mandated all school age children from the youngest Kindergarten pupil to the oldest college student and all workers and employees in public…

Read More

Kahit tablado sa eco managers ni Marcos Jr. P750 DAILY MINIMUM WAGE HINIRIT

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T malamig ang economic managers ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor, ipinilit pa rin ng Makabayan bloc sa Kamara ang P750 across-the-board na arawang sahod sa buong bansa. Sa House Bill (HB) 7568 na inakda ng tatlong kinatawan ng Makabayan bloc sa Kamara kahapon, iginiit ng mga ito na kailangan na ang dagdag na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor lalo na’t hindi maawat ng Marcos administration ang paglobo ng inflation rate sa bansa. “Wages are supposed…

Read More

2 ILLEGAL GAMBLING OPERATORS SA MALABON TIMBOG SA CIDG

ARESTADO ang dalawang nakatatandang babae na pinaghihinalaang operator ng ilegal na sugalan sa ikinasang Oplan Bolilyo at Salikop ng Criminal Investigation and Detection Group- Northern District Field Unit noong nakaraang Huwebes, Marso 9, sa lungsod ng Malabon. Sina Leonora Macapinig y Cuyos, 68-anyos at Felicita Crebillo y Quinto, 59, kapwa tubong Leyte at kasalukuyang residente ng Catmon, Malabon ay nahaharap sa kasong Violation of R.A 9287 (An Act Increasing Penalties for Illegal Number Games). Ikinasa ng tropa ni PLTCOL Dominick S. Poblete ang operasyon sa superbisyon ni PCOL Hansel Marantan…

Read More

PBBM PUMIYOK: SPECIAL DIPLOMA COURSE SA UA&P ‘DI NATAPOS

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya natapos ang kanyang “special diploma course” sa economics sa University of Asia and the Pacific (UA&P) sa Pasig City. Ang pag-amin na ito ng Pangulo ay nabanggit niya sa pagtinta sa Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nang magbigay ito ng pagbati kay NGCP president at CEO Anthony Almeda. Sinabi ng Pangulo na siya at si Almeda ay magkaklase sa kaparehong kurso na pareho nilang hindi natapos.…

Read More