301 kongresista tablado CHA-CHA WALANG SUPORTA SA SENADO

WALANG sapat na numero sa Senado ang isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon. Ito ang iginiit ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri sa gitna ng paninindigan kontra sa Charter change. Ayon kay Zubiri, sa kanyang pagkakaalam, halos kalahati ng mga kasama niya sa mataas na kapulungan ay tutol sa Cha-cha. Kaya naman kahit aniya itulak pa niya ito ay hindi makakakuha ng 3/4 votes o katumbas ng 18 boto, na pagpabor ng mayorya ng mga senador. Idinagdag pa ng Senate leader na kung walang suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.…

Read More

JOINT PATROL TALKS SA WPS PINABIBILISAN

KAILANGANG bilisan na ng Pilipinas ang pakikipag-usap para sa joint patrol sa mga kaalyadong bansa tulad ng United States (US) sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa patuloy na presensya ng China forces sa nasabing lugar. Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang panawagan matapos mapaulat na nakapaligid pa rin ang Chinese militia vessels sa Pag-asa Island at iba pang teritoryo ng Pilipinas sa WPS. “We should talk to our allies and have joint border patrols already. The US, Japan, Australia and all our allies should help us do…

Read More

INDAK NG KABABAIHAN

Umarangkada na ang month-long festivity ng Pasay City LGU para sa pagdiriwang ng “Buwan ng Kababaihan” ngayong Marso sa pamamagitan ng Zumba contest na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto- Rubiano Kasama si Vice Mayor Ding del Rosario, mga konsehal at kababaihan ng iba’t ibang barangay. Nagsilbing choreographer ang Sex Bomb New Generation mentor at beteranang dance guru na si Joy Cancio na ginanap sa city hall ground nitong Sabado. Bukod sa Zumba na binuksan sa lahat ng kababaihan ng lungsod anoman ang edad, mayroon ding mobile clinic na nagbigay ng…

Read More

DIGITAL MEDIA LITERACY IKAKASA KONTRA FAKE NEWS

MAGPAPATUPAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Digital Media Literacy campaign ngayong taon. Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas habang isinasagawa ang CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying Ahead! Ensuring Women and Girls a Safe Online Experience, isang side event sa 67th Session ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa UN headquarters sa…

Read More

RED TIDE ALERT ITINAAS SA 4 COASTAL AREAS

TINUKOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes na apat na coastal areas ang nakitang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit. Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakukuha mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao: Baybaying tubig ng Milagros sa Masbate, Baybaying tubig ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao…

Read More

IMPUNITY SA NEGROS PINATUTULDUKAN NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island. Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4. “And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor…

Read More

5% GOV’T WORKERS NAKAAMBANG MASIBAK

(BERNARD TAGUINOD) NALALAPIT na ang pagsibak sa limang porsyento ng mga empleyado sa gobyerno matapos lumusot sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bawasan ang mga empleyado ng burukrasya. Sa pamamagitan ng viva voce voting, idineklarang panalo ang aye (yes vote) sa nye (no vote) kaugnay ng House Bill (HB) 7240 o “National Government Rightsizing Act” at nakatakdang ipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. Ang nasabing panukala ay orihinal na ideya ng Department of Budget and…

Read More

P238-P358-B ISUSUKA NG PUJ SECTOR SA PUVMP

SUSUKA ng P268 Billion ang mga driver at operators ng mga tradisyunal na pampasaherong jeep sa ilalim ng modernization program ng Department of Transportation (DOTr). Ito ang lumabas sa briefing ng House committee on transportation kaugnay ng jeepney modernization program na naging dahilan ng paglulunsad ng transport strike ng PUJ noong Lunes. Sa pagtatanong ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita, sinabi ng mga opisyal ng DOTr na 149,323 unit ng traditional jeep ang imomodernisa sa ilalim ng nasabing programa. Kung nagkakahalaga aniya ng P1.6 million ang bawat unit ng modernong…

Read More

NAAKSAYANG COVID-19 VACCINES, POSIBLENG UMAKYAT SA 60 MILLION DOSES

MAAARING umakyat pa sa 60 million doses ng COVID-19 vaccines ang maaksaya ngayong taon. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa COVID-19 vaccine procurement ng pamahalaan, unang kinumpirma ni Health Officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang computation ni Senador Francis Tolentino na inaasahang aabot sa 50.74 million doses ang vaccine wastage sa pag-eexpire ng iba pang naka-stock na bakuna. Base sa computation ni Tolentino, may 4.36 million doses ng Pfizer adult na na-expired na nitong katapusan ng Pebrero, 3 million doses naman sa Pfizer pedia na…

Read More