CHA-CHA GALAWANG MANDARAYA – GABRIELA

“GALAWANG mandaraya ang pagraratsada ng Charter change na iskema ng administrasyong Marcos’. Ganito inilarawan ng Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara ang pagpapatibay ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 sa ikalawang pagbasa noong Martes ng gabi. “Hindi pa nasapatan ang Marcos sa samu’t saring pamamaraan ng pandaraya noong eleksyon, ngayon naman ay pilit niyang babaguhin ang konstitusyon para pumabor sa kanyang administrasyon at balak na term extension,” ayon sa grupo ni Brosas. Sa pamamagitan ng viva voce voting,…

Read More

P1.27-B TOURISM PROMO SIRA SA MANDURUKOT SA NAIA

SA isang iglap, nawalan ng silbi ang P1.27 billion na inilaan ng Department of Tourism (DOT) para i-promote ang Pilipinas sa mga dayuhang turista dahil sa mga mandurukot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang dismayadong pahayag ni House deputy speaker Ralph Recto kaugnay ng viral video kung saan dinukutan ang isang Thailand national ng isang Office of Transport Security (OTS) officer ng halagang 20,000 yen na ipinasa sa kanyang kasamahan. Mabuti na lamang at nakunan ng video ng kababayan ng biktima ang pangyayari. Bagama’t ibinalik ang pera matapos…

Read More

MISYON NG AFP NAGBAGO SA GITNA NG SOUTH CHINA SEA ROW

NAGBAGO na ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng komplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kompetisyon ng “superpowers.” Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea ang itinuturing na “most difficult and complex issue” kahit na may giyera sa Ukraine. “Kaya’t sinasabi ko ‘yung mission ng AFP, ‘yung mission ninyo ay nagbago na. At kailangan natin bantayan nang mabuti ‘yung ating dating hindi kailangan masyadong isipin,” ayon…

Read More

1.2M PASAHERO SA NCR MAGDURUSA SA TRANSPORT STRIKE

TINATAYANG 1.2 million commuters sa National Capital Region (NCR) pa lamang ang maaapektuhan sa ikinasang transport strike bukod pa sa epekto nito sa ekonomiya. “Cruel and inhumane.” Ganito inilarawan ng isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso ang plano ng gobyerno na i-phaseout ang mga traditional na pampasaherong jeep sa Hunyo 30. Ayon kay House ways and means committee chairman Joey Salceda, hindi dapat ipilit ng Marcos administration ang public utility jeepney (PUJ) phaseout hangga’t walang sapat na subsidy at tulong sa mga nasabing sektor para gawing makabago ang kanyang…

Read More

3 FIRMS SA ‘GOV’T-SPONSORED SUGAR SMUGGLING’ PINABA-BLACKLIST

PINABA-BLACKLIST ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Agriculture ang tatlong trading firms na isinasangkot sa umano’y “government-sponsored” sugar smuggling scandal. Ito ay sa sandaling mapatunayang sangkot ang tatlo sa iregularidad. Kasabay nito, muling umapela si Hontiveros na magsagawa na ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pinakahuling sugar import fiasco. Sinabi ni Hontiveros na dapat maimbestigahan ang All Asian Countertrade Inc., Sucden Philippines Inc. at Edison Lee Marketing Corp. upang matukoy kung mayroon silang criminal liability hinggil sa sinasabing illegal importation ng tone-toneladang asukal sa bansa. “Madaming…

Read More

Kinilala pa naman bilang top performing PNP unit PRO MIMAROPA TIKLOP SA HI-TECH JUETENG SA MINDORO?

(RONALD BULA) SA kabila ng babala na kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng ilegal na sugal ay mayroon pa ring ilang pasaway na sumasalungat at hindi sumusunod sa utos ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. Alinsunod sa naturang direktiba, nag-aabang na ang mabigat na parusa sa mga police official na nagpapabaya sa kanilang trabaho sa paglaban sa ilegal na sugal sa kanilang areas of jurisdiction. Pero base sa classified info na natanggap ng SAKSI Ngayon, hindi umubra ang babala ni Azurin maging…

Read More

PAGTALAKAY SA MAHARLIKA FUND, TINAPOS NA NG SENATE COMMITTEE

TINAPOS na ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions sa pangunguna ni Senador Mark Villar ang pagtalakay sa mga panukala para sa Maharlika Investment Fund. Matapos ang tatlong hearing ay idineklara ni Villar na adjourn na ang pagdinig subalit patuloy na pag-aaralan ng binuong Technical Working Group ang panukala na magsisimulang magpulong sa Miyerkules, Marso 1. Sa pagdinig nitong Lunes, tinalakay kung magiging kompetisyon ng National Development Company na investment arm ng gobyerno ang Maharlika Investment Corporation. Ipinaliwanag Antonilo Mauricio, General Manager ng NDC na nakikita nilang mananatili silang…

Read More

NAKAWAN SA NAIA: KAHIHIYAN NG BANSA! – POE

TINAWAG na panibagong kahihiyan sa paliparan ng bansa ang nag-viral na insidente ng pagnanakaw sa isang Thai national habang dumaraan sa baggage inspection section sa Ninoy Aquino International Airport. Sinabi ni Senador Grace Poe na nakagagalit ang insidente at kinakailangang magpaliwanag dito ang Manila International Airport Authority kasabay ng pagsasabing para sa kanya ay hindi sapat na suspensyon lamang ang igawad sa mga sangkot sa insidente. Iginiit ni Poe na dapat sampahan ng kasong kriminal ang mga mapatutunayang nagnanakaw sa turistang banyaga. Dapat din anyang ipakita ng MIAA ang actual…

Read More

LIBRENG ABOGADO, TAMBAYAN PARA SA MARINONG PILIPINO

BILANG sukli sa ambag ng mga marinong Pinoy sa ekonomiya ng bansa, isang panukalang batas na nagtatakda ng libreng abogado sa hanay ng mga Filipino Seafarers ang pinagtibay ng House Committee on Overseas Workers Affairs. Sa ilalim ng Magna Carta for Filipino Seafarers, magtatakda rin ng maayos na tambayan para sa mga Pinoy seamen, bukod pa sa serbisyong legal ng Public Attorney’s Office (PAO). Partikular na tinukoy ni committee chairman Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang pagtatayo ng Seafarer Welfare Centers (SWCs) na pangangasiwaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).…

Read More