MAS mabilis pa sa inaasahan ang takbo ng Metro Manila Subway project, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi ito ng Pangulo matapos pangunahan ang groundbreaking ng Kalayaan Avenue at Bonifacio Global City stations sa Taguig City. “I’m happy to report that… we are very much on schedule. In fact, we have accelerated the process,” ani Marcos. Inaasahang makapagsasakay ang BGC stations ng mahigit 200,000 pasahero kada araw sa opening year. Kapag naging operational ang 33-kilometrong subway, mababawasan ang biyahe mula Valenzuela hanggang BGC sa 29 minuto, mula sa dating…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL POSIBLENG MAGING URGENT
POSIBLENG i-certify bilang urgent ang Anti-Political Dynasty Bill matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta rito. Ayon kay Claire Castro ng Presidential Communications Office, nais ng Pangulo na maipasa ang panukala. “Natuwa po ang Pangulo dahil ang nais po niya ay maisabatas po ang nasabing bill, ang anti-political dynasty bill, dahil iyan din po ang nais ng ating mga kababayan,” ani Castro sa press briefing sa Malakanyang. Noong Pebrero 12, nagsagawa ng public consultations ang House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa Carmona, Cavite sa pangunguna ni…
Read MoreNilaro ng netizens sa pagkakasama sa kaso sa ICC BONG GO NEXT ‘MIA’ SA SENADO?
PINAG-USAPAN sa social media nitong weekend ang inilabas na charge sheet ng International Criminal Court kung saan pinangalanan sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang co-perpetrators sa kasong may kaugnayan sa kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Tulad ng inaasahan, nilaro nang todo ng mga netizen ang pagkakadawit ng dalawa at halos iisa ang kanilang paniniwala na susunod na magtatago si Sen. Go. Nauna nang hindi nagpakita sa Senado si dela Rosa mula nang pumutok ang balitang may arrest warrant na siya…
Read MoreTRACKING SA BANK ACCOUNTS NI ROMUALDEZ IHIHIRIT SA AMLC
KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Ping Lacson na irerekomenda nila sa Anti-Money Laundering Council na itrack na rin ang galaw ng accounts ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa gitna ito ng pagrerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng case build up laban kay Romualdez kaugnay sa pagkakasangkot sa flood control anomalies. Sinabi ni Lacson na dahil nabanggit din si Romualdez sa imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee kaya’t irerekomenda nila na pag-aralan ang lahat ng nakalap na ebidensya laban sa kongresista. Kung makakita anya ng sapat na ebidensya na…
Read MoreNATIONWIDE CONSULTATIONS SA ANTI-DYNASTY BILL NILARGA
SINIMULAN na ng House of Representatives ang nationwide public consultations kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act. Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging bukas at people-centered ang gagawing dayalogo upang makuha ang tunay na pulso ng mamamayan. Ang unang konsultasyon ay isinagawa sa Carmona City, Cavite na pinangunahan ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa pamumuno ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. Sa kanyang video message, sinabi ni Dy na layunin ng konsultasyon na marinig ang iba’t ibang pananaw tungkol sa panukala. “Ang…
Read MoreDOH, DOLE SANIB-PWERSA SA BAKUNA KONTRA TIGDAS
PINAGTULUNGAN ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalakas ng bakunahan kontra tigdas at tigdas-hangin sa bansa. Hinimok ng dalawang ahensya ang mga employer na payagan o i-excuse ang mga empleyadong magpapabakuna ng kanilang mga anak sa ilalim ng programang DOH-Ligtas Tigdas. Ayon sa DOH at DOLE, maaaring pansamantalang makaliban sa trabaho ang mga magulang o tagapangalaga para madala sa bakunahan ang kanilang mga anak basta makapagsusumite ng patunay na sila ay nagpabakuna. Pinayagan din ng DOLE ang paggamit ng available leave credits ng…
Read More4K BAGONG SILID-ARALAN ITATAYO PARA PUNAN CLASSROOM SHORTAGE
MAGPAPATAYO ang pamahalaan ng tinatayang 4,000 bagong silid-aralan sa buong bansa upang matugunan ang kakulangan sa mga classroom, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ay kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs). “Pormal nating itinatag ang pagtutulungan ng DepEd at ng iba’t ibang lalawigan upang matiyak na bawat batang Pilipino ay may ligtas at disenteng silid-aralan,” pahayag ng Pangulo. Sinabi ni Marcos na ito pa lamang ang unang yugto ng mas malawak na classroom-building program ng administrasyon.…
Read MorePILIPINAS LAGAPAK SA CORRUPTION INDEX
INAASAHAN na umano ng Malacañang ang pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa Corruption Perceptions Index (CPI) kung saan bumagsak ang bansa sa ika-120 puwesto mula sa dating ika-114 sa hanay ng mahigit 180 bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inaasahan na ito dahil mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagbukas ng usapin laban sa korupsyon. “Expected po iyan dahil binuksan po ng Pangulo ang isyu tungkol sa korupsyon. So, kung binuksan ng Pangulo ang korapsyon, magkakaroon ng pag-iimbestiga, at ito po…
Read MoreNETWORK SA PH NG PEDOPHILE NA SI EPSTEIN PINABUBUNGKAL
PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Loren Legarda sa Department of Justice at National Bureau of Investigation maging sa Senate Committee on Women ang umano’y naging network at operasyon ng Amerikanong pedophile na si Jeffrey Epstein sa bansa. Sinabi ni Legarda na maghahain siya ng resolusyon para bungkalin ang sinasabing operasyon ni Epstein sa bansa noong 2010. Ayon sa senadora, ang naturang panahon ay saklaw na ng umiiral na mga batas kontra human trafficking, kaya’t mahalagang siyasatin kung paano ito nangyari at sinu-sino ang sangkot. Binanggit din ni Legarda na lumulutang sa social…
Read More