LAGUNA SINUYOD NG ‘AKO-OFW BIYAHENG KONGRESO CARAVAN’

SINUYOD ng AKO-OFW Party-list ang bawat sulok ng Lumban, Laguna bilang bahagi ng “Biyaheng Kongreso Caravan ng AKO-OFW,” kung saan nagsagawa sila ng kanilang house to house tour kasama ang pinaka-popular na kakandidatong mayor na si Wendy “Love U All” Samonte. Dito, personal na inendorso ni Samonte sa kanyang mga kababayan sa Lumban ang AKO-OFW Party-list upang ipalaganap pa ang mga nais maisabatas ng nasabing partido. Pangunahin kasi sa plano ni AKO-OFW Party-list 1st Nominee Dr. Chie Umandap ang pagpapatayo ng kauna-unahang “Remote Filipino Workers Digital Creative Hub Building” sa…

Read More

HIGIT 8K NA PULIS BANTAY SA TRANSPORT STRIKE

IDINEPLOY ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 8,152 na pulis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak ang seguridad at maalalayan ang mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela. Sinabi ni NCRPO Regional Director Police Brig Gen. Anthony Aberin, na kabilang sa mga idineploy ang Civil Disturbance Management contingents na magbabantay sa matataong lugar, transport terminals at commercial zones. Pinakalat din ang mga pulis sa mga pangunahing kalsada upang mapanatili ang kaayusan sa gitna ng transport strike. In-activate na rin ng NCRPO…

Read More

PUGANTENG PULIS ARESTADO NANG DUMAAN SA EDSA BUSWAY

KALABOSO ang puganteng pulis makaraang sitahin ng mga tauhan ng DOTr-SAICT at PNP-CIDG nang dumaan ito sa busway sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway, Lunes ng umaga. Ayon sa SAICT, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng rush hour nang pumasok ang suspek sa busway dahilan para ito parahin. Dito na nagpakilala ang suspek na pulis siya, dahilan upang humingi ng tulong sa CIDG ang SAICT para kumpirmahin na lehitimong miyembro ito ng Pambansang Pulisya. Nadiskubre na sampung taon nang nagtatago sa batas ang suspek dahil may nakabinbin…

Read More

Overstaying Egyptian huli rin PUGANTENG KANO TIMBOG SA DRUG TRAFFICKING

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na wanted sa U.S. federal authorities dahil sa drug trafficking. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Henry Watkins, kilala rin bilang si “Tutu,” 51-anyos na American national. Siya ay inaresto noong Marso 18 sa kanyang bahay sa Barangay Ubaliw, Polangui, Albay, ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng gobyerno ng Amerika na humingi ng tulong sa BI para mahanap at ma-deport si Watkins. Nakumpirma na…

Read More

DEFENSE SECRETARY NI U.S. PRESIDENT TRUMP DADALAW SA PINAS

KINUMPIRMA ng United States Embassy ang nakatakdang pagdalaw sa Pilipinas ng bagong talagang U.S. Defense secretary ni President Donald Trump. Ayon sa ibinahaging pahayag ni Chief Pentagon spokesman Mr. Sean Parnell: “Secretary of Defense Pete Hegseth will depart early next week for a trip to Hawaii, Guam, the Philippines, and Japan to meet with senior U.S. military and civilian leadership and participate in a series of bilateral meetings. These engagements will drive ongoing efforts to strengthen our alliances and partnerships toward our shared vision for a free and open Indo-Pacific”.…

Read More

‘TRES MARIAS’ TIBA-TIBA SA PROYEKTO SA CITY HALL

MAY tinaguriang “Tres Marias” na mula sa pamilyang contractor sa Metro Manila na kinabig na umano ang mga proyekto sa kanilang siyudad. Nabatid ng SAKSI NGAYON na ang mag-iina ay tumatakbo ngayong magkakasama sa pamunuan ng lungsod—ang anak bilang mayor, ang ina bilang vice mayor, at ang isa pang kapatid bilang konsehal. Ayon sa impormasyon mula mismo sa loob ng Mayor’s Office, ang asawa ng kasalukuyang vice mayor ay contractor ng City Hall, habang ang asawa ng tumatakbong konsehal ay matagal nang may kontrata para sa pagkumpuni ng mga sirang…

Read More

MANILENYO LALONG LUMALAKAS PAGNANAIS NA IBALIK SI ISKO

LALONG lumalakas ang pagnanais ng mga Manileño na muling mailuklok sa pwesto bilang alkalde ng lungsod si dating Manila mayor Isko Moreno-Domagoso. Sa isang kaganapan sa Ninoy Aquino Stadium nitong Linggo, inihayag ng mga matagal nang residente ng Maynila ang kanilang hangarin na maibalik si Domagoso sa pag-asang maibabalik din ang kalinisan, disiplina, at kaayusan sa kabisera ng bansa. “Alam namin mababago ulit ang Manila tulad ng dating ginawa ninyo na magiging maayos ulit, hindi katulad ngayon na medyo magulo,” ayon sa isang miyembro ng Kaagapay ng Manileño organization. “Alam…

Read More

AKO-OFW IKINAMPANYA NG MGA ESTUDYANTE

HINDI nagpapigil ang ilang estudyanteng kamag-anak ng overseas Filipino workers para tulungang ikampanya ang AKO-OFW Party-list na numero 116 sa balota. Kanya-kanyang abot ng fliers at pakikipag-usap ang ginawa nila sa kanilang madaanan sa paligid ng kanilang paaralan sa Maynila para ipalaganap ang adbokasiya ng AKO-OFW Party-list. Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng AKO-OFW dahil sa pagtulong ng mga naturang estudyante nang walang kapalit. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, mabuting nalalaman ng ating mga kababayan lalo na ng mga estudyante na kamag-anak ng overseas…

Read More

MATIBAY NA SUPORTA TINANGGAP NG BUMBERO

MAHALAGANG tagumpay ang naabot ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list sa engrandeng pagbubukas at pagbabasbas ng kanilang punong tanggapan sa JW Diokno Boulevard, Lungsod ng Pasay, noong Biyernes, Marso 21. Dinaluhan ang kaganapan ng mga pangunahing personalidad sa pulitika at iba’t ibang sektor, na nagpatibay sa adhikain ng ABP na itaguyod ang kapakanan ng mga bumbero at unang tumutugon sa sakuna sa buong bansa. Kabilang sa mga natatanging panauhin ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito, na nagbabalik sa pulitika bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Pagsanjan. Kasama…

Read More