MAAARI pa ring ipagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP matapos bigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng exemption mula sa spending ban ngayong campaign period para sa nalalapit NA 2025 national at local elections (NLE) sa Mayo 12. Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ang desisyon alisin sa election ban ang nasabing program ay makaraang maisumite ng DSWD, National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang sangay ng pamahalaan ang mga guideline na…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
CHINESE HULI SA EXTORTION; 2 KASAMA BINITBIT DIN SA OBSTRUCTION OF JUSTICE
KALABOSO ang tatlong Chinese National sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR, Lunes ng gabi sa Pasay City. Nakilala ang mga suspek na sina Changao He, 36-anyos may-asawa; Yong Pin Pang, binata, 32-anyos at Ming Wei Xiong, binata, 33-anyos, mga dati umanong miyembro ng People’s Liberation Army of China at naninirahan sa Chengdu Bistro, Hobbies of Asia, Pres. D. Macapagal Blvd. Barangay 076, Pasay City. Sa ulat, nag-ugat ang reklamo makaraang magsumbong ang biktimang Chinese National din na si Liang Xiao Hu, 34-anyos, online seller…
Read MoreOFW HOSPITAL WARD HIRIT NG AKO-OFW KAY PBBM
HUMILING ang AKO-OFW Party-list kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa agarang pagpapatupad ng OFW Hospital ward sa lahat ng provincial o regional hospital. Layon nito na matulungan ang mga overseas Filipino worker sa panahon ng kanilang pangangailangan at ng kanilang pamilya sa problema sa medikal. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, nakikiusap siya kay Pangulong Marcos na habang wala pa ang AKO-OFW sa Kongreso ay mag-utos na ito sa Department of Health (DOH) na maglaan ng OFW hospital ward sa lahat ng government hospitals sa…
Read MoreSENATORIAL ASPIRANTS PINAKAKASA SA WORKERS CHALLENGE 2025
HINAMON kahapon ng malaking grupo ng unyon sa Pilipinas ang lahat ng senatorial aspirants sa 2025 midterm elections na kumasa ang “Workers’ Challenge 2025.” Layon nito na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng uring manggagawa na kapos ang sweldo dahil sa sobrang taas ng bilihin. Sa presscon sa Orosa St., Malate, Manila, nagsama-sama ang nasa 100 union ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang malalaking kompanya at pederasyon para manawagan na dagdagan ang daily minimum wage sa NCR at karatig probinsya. Gayundin, layunin ng workers challenge na sagutin ng mga…
Read MoreRED-TAGGING, DEEPFAKE, ILLEGAL CAMPAIGNING IIMBESTIGAHAN
IIMBESTIGAHAN ng Commission on Elections ang mga napaulat na red tagging, paggamit ng deepfake at illegal campaigning. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, susuriin ng Komisyon ang report ng Kontra Daya at Vote Report Philippines at ikukumpara ang naturang ulat sa record ng Comelec. Tiniyak ni Garcia na mananagot ang lahat ng mga lumabag sa panuntunan o campaign rules. Kaisa rin aniya ng Comelec ang mga advocacy group sa paglaban sa lahat ng discriminatory acts and utterances sa panahon ng eleksyon. Ayon sa ulat ng Vote Report Philippines, nakakalap…
Read MoreP1.2-B ILLEGAL PRODUCTS NASAMSAM NG ADUANA
NASAMSAM ng mga operatiba ng Bureau of Customs – Customs Intelligence and Investigation Service ang P1.2 bilyong halaga ng peke at ipinagbabawal na mga produkto matapos salakayin ang ilang bodega sa Malabon City. Kasama sa nadiskubreng ipinagbabawal na mga produkto ang disposable vapes na wala umanong tax stamps at hindi awtorisadong ibenta. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, sinalakay ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang mga bodega sa Malabon sa bisa ng Letters of Authority na…
Read MoreMUSLIM COMMUNITY, SECTORAL GROUP KAISA NG AKO-OFW PARTY-LIST
NAGPAHAYAG ng suporta sa AKO-OFW Party-list ang mga kapatid na Muslim at sectoral group na nagmula sa Quiapo Manila. Ito’y kasunod ng paglagda sa Pledge of commitment kasama ang 116 AKO-OFW Party-list ng iba’t ibang samahan na kinabibilangan ng 23 organisasyon kasama ang Overseas Filipino Workers and Traders Organization, Boses ng Manileño Federation of Sectoral Organization, Xi Kappa Sigma Fraternity and Sorority, Maranao Iranon Group, Manila District 5 Islamic Association, Manila District 6 Senior Citizen Organization at Organization of Muslim and Christian for Peace and Development. Sa naturang paglagda, nakasaad…
Read MoreVILLAR PINANGUNAHAN INAGURASYON NG LP HOSPITAL
PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia A. Villar nitong Lunes (Marso 17,2025) ang inagurasyon ng bagong gusali sa Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center, kasama ang isang bagong daanan patungo sa modular na ospital, na nagbibigay-daan para sa makabuluhang pagpapabuti sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan sa lungsod. Ang 12-palapag na gusali ay magtataas ng kapasidad ng LPGH at STC mula 200 hanggang 500 na kama o hospital beds. Ang pagtatayo nito ay ipinag-uutos ng Republic Act No. 11497, isang panukalang ipinagtanggol ni Rep. Camille Villar sa House of Representatives…
Read More1 KILO NG SHABU NASAMSAM, 4 KATAO HULI NG PDEA
NASA isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na hinihinalang bigtime drug personalities sa Quezon City. Ayon sa ibinahaging report ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, apat na pinaniniwalaang high value target ang nadakip ng kanilang mga tauhan sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA RO NCR-QCDO, katuwang ang PNP, sa Barangay E. Rodriguez Sr., Quezon City nitong nakalipas na linggo. Kinilala ang mga…
Read More